IKASIYAM NA KABANATA : AGAW-LIWANAG-AT-DILIM (TAGPO 106)

14 1 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING'

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKASIYAM NA KABANATA

AGAW-LIWANAG-AT-DILIM

Ikaisandaa't Anim na Tagpo

Pagkagaling sa Sumida Aquarium, magkakasamang inakyat nina Ernie, Ine, Louie, at Jessa ang SkyTree Tower na similar to a tripod na may taas na tatlong daan at limampong metro o isang libo at isandaa't limampong talampakan na may kapasidad na mag-occupy ng dalawang libong katao at sa ikalawang palapag nito na may taas na apat-na-raang metro (isang libo at apat-na-raa't walumpong talampakan) na may kapasidad naman na maglulan ng siyam-na-raang katao.

Kasama ang iba pang visitors, nang marating nila ang upper observatory structures ng SkyTree Tower na may spiral-covered glass skywalk to the highest point at the upper platform, siyang-siya sila habang tinatanaw sa bahaging ito mula sa glass flooring ang downward view ng mga streets sa pinakaibaba. Mula sa ituktok ng istrukturang silindrikal ng tower, manghang-mangha silang tinatanaw ang panoramic view ng Sumida River at ang buong kalunsuran ng Tokyo.

Masayang-masaya sina Ernie at Ine, Louie at Jessa na kanya-kanyang pose habang nagkukuhanan ng mga larawan.

Nang mapagod at magutom, nagbalik na muli sila sa Tokyo Salamuchie Complex, nagtungo sa food court at nagsikain ng kanilang mga favorite Japanese foods. Di-matapos-tapos ang kwentuhan ng apat. Binabalikan nila ang mga nakatutuwa at mapapait na karanasan nila nuong eleksiyon. Paminsan-minsan nababanggit sa kanilang usapan sina Arianne, Althea, Ruperto. Liling, Kapitan Anchong at ang kanilang kinakapatid sa ama na si Ruperto Santos III na sa bandang huli'y nagbuwis ng sariling buhay laban sa mga sindikatong dumukot sa magkakapatid na Santos.

Pagkakain, nagsipag-window shopping naman sila ng iba't ibang souvenir items depicting Japanese art and culture hanggang matawag ang pansin nila ng isang lahing with a golden long hair and blue eyes na tila si Hesukristong nangangaral sa kalagitnaan ng iba't ibang lahing nag-uusyoso.

"I am the Owner of the Universe! I am the Owner of your Souls! Just a few days from now, 'Judgment Day' is about to come! Only sinners who will accept me as their personal savior will be saved. Repent now! Repent now! A great earthquake and tsunami will vanish the face of the earth!!!"

"Paanong nakarating dito sa Japan 'yan?" ang natutulalang nasambit na lamang ni Ine.

Katulad ng iba pang nag-uusyoso, di-maiwasang magbulungan nina Ernie, Louie at Jessa.

"Akala ko sa may Pilipinas lang may ganyan!" ang bulungan ng iba namang Pilipinong naruon.

Nanatiling nakatindig na nakatuon ang pansin nina Ernie, Ine, Louie at Jessa sa mahiwagang lalaking di nila kalahi na patuloy na nangangaral sa mga nag-uusyuso.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon