"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
IKAPITONG KABANATA
ALIMAOM
Ikapitumpu't Limang Tagpo
Parang pinagsakluban ng maiitim na ulap ang bubong ng lumang bahay nina Ernie sa Virgen Delos Flores. Maya-maya'y unti-unti nang pumapatak ang ulan sa ibabaw ng bubong na tila nakikidalamhati sa dagliang paglisan sa mundo ni Kuya Ruperto na di na umabot sa ospital sa biglaang atake sa puso. Sinagot na nina Ernie at Ine ang funeral service.
Sa harap ng kabaong ng asawa, walang tigil sa pag-iyak si Liling, Di malaman ng magkapatid na Efren at Beet kung paano aaluin ang ina.
"Madaya ka Ruperto...bakit mo ko iniwan? Paano na kami ng mga anak mo? Paano namin babayaran ang ating mga pagkakautang?" ang patuloy na paghihinagpis ni Liling.
Nahawa na rin sa ina ang magkapatid na sina Efren at Beet na di na mapigilan ang pagpatak ng luha sa kanilang mga mata.
Sa mga sandaling yaon, kasama nilang nagluluksa ang magkakapatid na Ernie, Nena, Romy, Ben, Sancho, Elmer, Juancho, Susan at Ellen. Naroon din sina Ine, Luisa, Althea, Adonis, Jershey, Louie, Atong gayundin sina Arianne, Jessa at mga kaklase nito sa SLU upang makiramay.
Sa labas ng lumang bahay, nagsalimbayan ang matatalim na kidlat at dumaragundong na kulog kaalinsunod nito'y bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan.
Mabilis namang nagsikilos ang magkakapatid na Ernie para isarado ang mga bintana.
Nang sumunod na araw, gumanda na ang panahon. Dinagsa ang lamay ng mga kamag-anak, kapitbahay, kaibigan, negosyante at mga political supporter. Nagkusa nang tumulong sa pag-aasikaso at pagpapakain ang magkakapatid na Ernie gayundin sina Louie, Atong, Althea, Arianne at mga kaklase nito sa SLU hanggang mabigyan ng maringal na libing si Kuya Ruperto.
Sakay ng karwahe na hila ng isang matikas na kabayong puti, hinatid na sa huling hantungan si Kuya Ruperto ng mga nagmamahal sa kanya.
Takaw-eksena naman si Liling na walang ginawa kundi umiyak at himatayin sa daan. Hirap na hirap naman ang loob ng magkapatid na Efren at Beet sa kapapaypay sa ina.
May mga tsismosa naman sa libing na lihim na pinagtatawanan si Liling sa mga kadramahang kanyang pinaggagawa.
All reactions:4Maria Digna Ramos, Charet B. Monsayac and 2 others
1LikeCommentShare
Kaiksi talaga nh life. Kaya nga dapat gawin na natin ang mabuti sa ating kapwa.LoveReply
Write a comment...
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
PertualanganKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...