IKAPITONG KABANATA : ALIMAOM (TAGPO 81)

22 2 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAPITONG KABANATA

ALIMAOM

Ikawalumpo't Isang Tagpo

Matapos magpaalam kay Atong at Dikong Romy niya si Ernie sa may jogging area sa Padre Pio Subdivision, minabuti niyang sumakay na sa kanyang SUV Toyota. Pagkasakay ni Ernie, napansin niyang tumatawag sa selfon niya si Louie.

"Tito Ernie...saan ka ba? Gusto ko sanang mag-one-on-one tayo..."

Nahalata agad ni Ernie na lasing na lasing ang kausap.

"Dito ako Baliuag now...saan ka ba?"

"Dito ko Chocolate Hotel...punta ka rito..."

"Wait...just a few minutes, nariyan na ko..."

Lulan ng kanyang SUV Toyota, mabilis agad na nakarating si Ernie sa kanyang sadya. Matapos niyang iparada sa may parking area ang kanyang sasakyan, nag-aapurang tinungo agad ni Ernie ang lobby ng hotel. Inabutan niyang lasing na lasing na si Louie habang nagsisiwalat ng kanyang sama ng loob sa isang 'male waiter' ng hotel na may matikas na tindig at may kagwapuhan din naman.

"Alam mo ba kung gaano kasakit ang mabasted ng babaing minamahal mo?"

"Hindi po Sir! Hindi pa po kasi ko nababasted..."

Biglang sasampalin ni Louie ang waiter nang malakas na labis na ikagugulat nito.

"Ngayon...alam mo na kung gaano kasakit!"

"Aray...bakit po ninyo ko sinampal?"

"Kulang pa nga 'yan...alam mo bang magkabilang pisngi pa nga ng sampalin ako ng babaing pinakatatangi ko...dahil ni-reject siya ng lalaki niyang pinakamamahal...at alam mo ba kung ano ang masakit...nalaman kong di pala ako ang mahal niya...at alam mo ba kung sino? Ang masakit sa lahat ang Tito Ernie ko ang mahal niya...duon pa siya sa matanda nagkagusto...eto naman ako...sariwang sariwa pa huhuhu"

Nagpatuloy sa pagnguyngoy ang lasing na lasing na si Louie. Di niya namamalayang nasa harapan na niya ang Tito Ernie niya na di-makapaniwala kung gaanong sobrang nasaktan siya sa ginawang pagbasted ni Arianne. Umiikot ang paningin ni Louie sa sobrang kalasingan. 

Humingi naman agad ng paumanhin si Ernie sa waiter na inabutan niyang sinampal ni Louie.

"Pasensiya ka na hijo...ako na lang ang magbabayad sa lahat ng inorder ng pamangkin ko...sana, 'wag ka ng magsumbong sa management sa inasal ng pamangkin ko..."

Aabutan ng isang libong piso ni Ernie ang waiter bilang pakunsuwelo natatanggapin naman nito.

"Opo...salamat po...wala po kayong iintindihin sa akin..."

"Kukuha ko ng isang hotel room...tulungan mo kong ihatid natin itong pamangkin ko at duon na rin siya makapagpalipas ng kanyang kalasingan at nang magkausap na rin kami nang masinsinan..."

Matapos makakuha ng number ng hotel room, pagtutulungang maihatid ni Ernie at ng waiter na mailipat si Louie sa nabanggit na silid.

Sa loob ng silid, habang binabantayan ni Ernie ang lasing na lasing na pamangkin, dadalawin siya ng antok hanggang sa makatulog.

Maya-maya pa'y lilindol nang malakas, sa muling pagmulat ng mata ni Ernie, nasa loob na siya ng isang gumuhong gusali na tanging nag-iisa lamang.

"Diyos ko...anong nangyari? Bakit nandito ako?"

Puro ungol lamang ng mga taong natabunan ng gumuhong gusali ang kanyang naririnig. Nang biglang maalala niya si Louie, bigla siyang kinabahan.

"Louie...Louie...nasaan ka?"

Ilang saglit pa, nakarinig naman siya ng tinig ng tatlong babaing nagsasalitan sa pagtawag sa kanyang pangalan. Kilala niya ang tinig ng mga ito.

"Ernie..."

Di siya maaaring magkamali. Ang unang tinig na kanyang naririnig ay tinig ni Ine, tinig ng kanyang asawa.

"Ernie..."

Ang ikalawang tinig ay tinig ni Althea."Ernie..."

Ang ikatlong tinig ay tinig ni Arianne. Lalong nagulumihanan si Ernie. Di malaman ang kanyang gagawin. Labis siyang nalilito.

All reactions:3Maria Digna Ramos, Charet B. Monsayac and 1 other

1LikeCommentShare

Asus nananaginip pa yata c Ernie. Hehehe ano ba yan totoo?2


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon