IKALAWANG KABANATA : KAPALARANG NAGHIHINTAY (Tagpo 11)

126 5 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKALAWANG KABANATA

KAPALARANG NAGHININTAY

Ikalabing-isang Tagpo

Makalipas pa ang dalawang linggo, ligtas na si Ine. Nagpapalakas na lamang siya. Sa loob ng isang pribadong silid sa loob ng ospital, nakahiga siya habang masinsinang kausap ang kanyang Ate Luisa.

"Salamat sa Diyos at ligtas ka na Ine...", ang nakangiti't nag-uumapaw sa kasiyahang namutawi sa labi ni Luisa sa kapatid.

"Huwag kang mag-alala...mula ngayon, di na ko makikialam sa love life mo," ang mangiyak-ngiyak na dugtong pa ni Luisa.

"Salamat Ate...huwag ka ring mag-alala...di pa rin kita iiwan kahit mag-asawa pa ako!" ang mangiyak-ngiyak ding turan ni Ine sa kanyang Ate Luisa. At pareho nang nangilid ang luha ng dalawang magkapatid.

"Si Ernie nga pala Ate...sabi mo isa siya sa mga nag-donate ng dugo sa akin, nasaan na siya Ate?" ang nananabik na pag-usisa ni Ine.

"Nagpaalam na uuwi sa Baliuag pero nangakong babalik agad para magkausap kayo..."ang paliwanag ni Luisa sa kapatid.

Walang ano-ano'y may kumatok sa kuwarto. Binuksan ni Luisa. Pumasok ang doktor ni Ine kasabay ang isang nars na magpapainom ng gamot kay Ine.

"Kumusta na ang pakiramdam ng pasyente?" ang nakangiting bati ng doktor."Okey na po ang pakiramdam ko Doc.", ang nakangiti ring tugon ni Ine.Binipi ng doktor si Ine.

"Ang ganda ng blood pressure mo Ine...singganda ng pasyente ko 120 over 80...." ang pagbibiro ng doktor.

"So...Doc pwede na kaya kaming umuwi ng kapatid ko para sa bahay na lang siya magpahinga?" tanong ni Luisa.

"Oo pwede na...sige maiwan ko na kayo at iikot pa ko sa iba ko pang pasyente," sabi ng doktor sabay talikod at tinungo na ang pinto para lumabas ng silid.Pagkalabas ng doktor, pinainom na ng nars ng gamot si Ine. Ilang sandali pa'y lumabas na rin ang nars. Sa papasok naman si Ernie na may dalang mamahaling bulaklak na halatang pinasadya pa sa isang flower shop.

Bihis na bihis si Ernie, parang pupunta sa shooting. Madalas kasi... napagkakamalang si Gabby Concepcion, ang kaibahan nga lang di-maipagkakailang laki siya sa hirap at lalong pinalutang pa ng medyo sunog sa araw na kayumangging balat.

Nagtama agad ang paningin nila Ine. Nangilid ang luha ni Ine sa labis na kaligayahan sa sorpresang hatid ng pagdating ni Irne.

"Maiwan ko muna kayo..." ang pakli ni Luisa at tuluyan na itong lumabas ng silid para magkausap nang masinsinan sina Ernie at Ine.

"Musta ka na Wonderwoman?" ang pabirong nakangiti ni Ernie.

"Okey na ko Superman...sakto ang dating mo sa oras ng aking pangangailangan...sinagip mo ang buhay ko," ang tinitimping damdamin ni Ine na di na napigilan pa at tuluyan nang napaiyak habang nagsasalita.

Ibinaba sa mesa ang bulaklak na hawak at di na rin napigilan ni Ernie ang kanyang damdamin. Niyakap niya nang mahigpit si Ine at napaiyak.

"Di ko alam kung ano ang gagawin ko kung nawala ka na...mahal na mahal kita Ine!"

"Mahal na mahal din kita Ernie! Salamat Superman, iniligtas mo ang buhay ko..."

Sa mga oras na yon...wala silang pakialam, solo nila ang daigdig.Matagal-tagal na ninamnam nila ang matimyas na yakap nila sa isa't isa nang biglang may naalala si Ine.

"Teka...wait..." sabay kalas sa pagkakayakap kay Ernie, "...sinagot na ba kita? nanligaw ka na ba? ang bilis ata...tayo na ba?"

Biglang pumasok na naman ang pagiging kikay ni Ine na halatang nagbibiro.

"Oo, tayo na!" sabay tawa ni Ernie na maluha-luha.

"Kung walang tayo...di dapat tayong nagyayakap at di dapat tayong umiiyak dahil sa pagmamahal natin sa isa't isa," ang dugtong pa ni Ernie.

"Sige na payag na kong 'tayo na' sa isang kundisyon..." sabi ni Ine."Anong kundisyon?" pakli ni Ernie.

"Wala nang bawian, peksman?" pangungulit ni Ine na umaandar na naman ang kakikayan."Peksman!" ang maikling tugon ni Ernie.

Yun lang at muling nagyakap nang mahigpit ang dalawa na parang wala nang bukas pa.

All reactions:4Rachelle Bautista Mijares, AmangJulie Chico and 2 others


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon