IKAWALONG KABANATA : SALAMISIM (TAGPO 90)

19 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAWALONG KABANATA

SALAMISIM

Ikasiyam-na-pong Tagpo

Saktong alasais ng umaga nang dumating sa Padre Pio Subdivision sina Ine, Ate Luisa at Ernie. Isinama na rin nila sina Liling, Beet, Efren at Mang Damian sapagkat plano ng mag-asawang Ernie at Ine na ihatid na nila ang mga ito sa Virgen Delos Flores para pasimulan na ang negosyong pagsososyuhan ng magkakapatid na Santos.

Napagkasunduan din ng magkakapatid na Santos na magkita-kita sa jogging area ng Padre Pio at sabay-sabay nang mag-agahan sa dati nilang lumang bahay na ipinatayo nilang muli pagkatapos nilang mag-jogging.

Pawang mga naka-jogging outfit ang mga ito. Halatang inspired si Luisa, mamumula pa ang pisngi nito dahil sa make-up na tinernuhan ng pulang lipstic sa labi. Pagdating palang nito sa Padre Pio, mabali-bali na ang leeg ni Ate Luisa sa paglinga-linga sa paligid. Nangingiti naman nang lihim si Ernie habang sinusulyapan ang hipag.

Akala mo naman Muslim si Liling na may tabing pa ang mukha. Halatang sinadya ang paglalagay niya ng tabing upang itago ang mukhang naging biktima ng sunog. 

Gayunpaman, masasaya ang mag-iinang Liling, Efren at Beet sapagkat batid nilang pagkatapos nilang mag-jogging, makababalik na silang muli sa Virgen De Los Flores para simulan na nila ang negosyong pagsosososyuhan ng magkakapatid na Santos.

Sa-darating si Atong na naka-short pants at t-shirt na black na may tatak na levis, na humahalimuyak sa pabango. Patakbo pa nitong lalapitan si Luisa na umaliwalas ang mukha sa di-maitagong saya pagkakita palang kay Atong.

"Luisa, halika na...takbo na tayo..." sabay hatak ni Atong sa kamay ni Luisa na di na nakatanggi sa anyaya ni Atong.

"Maiwan muna namin kayo..." ang paalam ni Ate Luisang hatatang kinikilig pa sa mga kasama.

"Sige lang...Ate Luisa...enjoy!" ang pangungusinti ni Ine.

Pagkaalis nina Atong at Luisa, sumunod naman dumating ang magkakapatid na Nena, Susan, Ellen, Romy, Ben, Juancho, Sancho at Elmer na pawang mga naka-jogging outfit rin.

Agad namang magsisipagmano ang magkapatid na Beet at Efren sa kanilang mga Tito at Tita. Pagkatapos magmano ang magkapatid, magpaalam na sina Beet at Efren na para tumakbo.

Samantala, ganon na lamang ang sigla at saya ni Liling nang yakapin siya isa-isa nina Nena, Susan at Ellen. Masaya naman siyang kinumusta nina Romy, Ben, Juancho, Sancho, at Elmer.

"Tara na hahaha...lakad na tayo..." ang masayang paanyaya ni Ate Nena.

Masasaya namang magpapaunlak ang lahat sa paanyaya ni Ate Nena. Habang naglalakad, di-magkamayaw sa pagbabalitaan ang bawat isa. Sumasabay na rin sa masayang kwentuhan si Liling. Tahimik namang nagmamasid si Mang Damian. Paminsan-minsan, panakaw na sinusulyapan niya si Liling.

"Kung nabubuhay lang si Kuya Ruperto ninyo, siguro ang saya-saya niya ngayon..." ang masayang pagkukuwento ni Liling.

"Panigurado 'yun..." ang pakikisali naman ni Ine sa usapan.

Nang mamataan ni Ernie si Padre Tinio na naka-jogging pants na may katamtamang bilis na tumatakbo.

"Ine, di ba si Padre Tinio 'yun?"

Mapapasulyap si Ine sa itinuturo ni Ernie.

"Oo nga...parang siya nga...hahaha...sa tanda na 'yan...nakatatakbo pa pala ang pari na 'yan...baka naman kamukha lang...saka isa pa...parang bumata..." biro ni Ine.

"Teka...sabayan ko lang..." paalam ni Ernie kay Ine na wala sa loob na napatango na lamang.

Mabilis na hinabol ni Ernie ang pari para sabayan ito sa pagja-jogging. Sa loob-loob ni Ernie, pagkakataon na niya ito para humingi ng payo kay Padre Tinio tungkol sa kanyang mga panaginip kay Arianne na labis na gumugulo sa kanyang isipan.

All reactions:9Maria Digna Ramos, Charet B. Monsayac and 7 others1LikeCommentShare


Write a comment...

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon