"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
IKASIYAM NA KABANATA
AGAW-LIWANAG-AT-DILIM
Ikasiyam-na-po't Tatlong Tagpo
Kasama nang bumalik sa Nueva Ecija ang mag-inang Althea at Jershey. Pinaunlakan naman ng mag-asawang Ernie at Ine ang pakiusap ni Althea na dun na muna silang mag-inang makituloy sa kanilang bahay ng ilang araw hanggang sariwa pa ang sugat na likha ng di-pagkakaunawaan nila ng kanyang asawang si Adonis.
Kasama na rin si Atong bilang kahalili ni Mang Damian na magiging katuwang ni Ate Luisa sa pamamahala ng pagawaan ng balot sa Nueva Ecija. Dahil dito, walang pagsidlan sa kaligayahan sina Atong at Luisa na nagkakamabutihan na sa naging desisyon ng mag-asawang Ernie at Ine na silang dalawa ang pamahalain sa negosyong pansamantala nilang iiwanan sa balak nilang mangibang-bansa para malayo sa 'stress' nang sa ganoo'y magkaanak na.
Pagkadating palang sa kanilang bahay sa Nueva Ecija, isinama na agad ni Luisa si Atong sa pagawaan ng balot para ipakilala sa mga trabahador ng pagawaan at itinuro kay Atong isa-isa ang mga tungkulin na gagampanan ni Atong bilang 'assistant manager' niya. Buong kapanabikan namang pinapakinggan ni Atong ang bawat sabihin ni Luisang buong giliw namang tinuturuan ang kasintahan.
Sa bahay naman, naiwan sina Ine at Althea. Pasan naman sa balikat si Jershey, nagpaalam si Ernie sa dalawa na ipapasyal ang anak sa bahay-kubo na dating naging pansamantalang tirahan ng mag-iinang Liling, Efren at Beet. Pagkaalis ng mag-amang Ernie at Jershey, isiniwalat na ni Althea kay Ine ang naging sanhi ng hiwalayan nila ni Adonis.
"Ano? Ang lagay pala noon napagselosan pa ni Dr. Adonis si Ernie...ang laki pa naman ng respeto ko kay Adonis...iniisip ko noon na napakasuwerte mo...bukod sa doktor pa ang napangasawa mo, napakagwapo pa at napaka-broadminded..." ang nagtatakang pag-uusisa ni Ine.
"...'yun nga din ang akala ko...akala ko nauunawaan niya ko...'yun pala tinitimpi lang niya ang mga pagseselos niya...pati si Jershey nadamay...nalaman na rin ni Jershey na di siya tunay na anak ni Adonis..." muli na namang mapapaiyak si Althea.
"Ha? Paanong nalaman ni Jershey?" walang patlang na pag-uusisa ni Ine.
"Nung mag-away kami dahil sa pagseselos kay Ernie...napakinggan ni Jershey nang sumbatan ako ni Adonis na kaya ko raw napapabayaan si Aniway ay dahil kay Jershey, palibhasa raw anak ko ito kay Ernie..." patuloy sa kanyang paghikbi si Althea na nangangalumata na sa labis na pag-iintindi.
"Hayaan mo, pagtutulungan namin ni Ernie na mapaliwanagan si Adonis...pasasaan ba't magkakaayos din kayo...huwag kang mag-alala...lagi ko kayong ipagpi-pray na mag-asawa gabi-gabi na sana magkaayos na kayo...at mabuo na muli ang pamilya n'yo..." ang pang-aalo ni Ine para mapanatag na ang kalooban ni Althea.
Sa loob naman ng bahay-kubo, nagkaroon naman ng pagkakataong magkausap nang masinsinan ang mag-amang Ernie at Jershey.
"I don't love Papa Adonis anymore...these past few days, he became very indifferent to me...and...and I heard...I heard when Papa Adonis and Mama Althea were quarreling that I am not Papa Adonis' son...is it true Ninong Ernie that you are my father?" ang pahikbi-hikbing pagtatanong ni Jershey sa ama.
Hindi makapagsalita si Ernie sa harap ng anak. Paano ngayon niya ipapaliwanag kay Jershey na siya talaga ang tunay na ama nito at hindi si Dr. Adonis?Ilang saglit pa, tinangka ni Ernie na pagpaliwanagan ang anak. May ilang buti ng luhang pumatak sa kanyang mga mata.
"Bata ka pa anak...sa ngayon, di mo pa mauunawaan ang mga sasabihin ko..." ang paliwanag ni Ernie.
'No! No! I am no longer a kid! Malaki na ko! Please tell me the truth...pleaseeee!" ang umiiyak na paasik na nasambit ni Jershey sa ama.
"Makinig ka Jershey...oo anak, Tatay mo ko...pero Tatay mo rin ang Papa Adonis mo!" ang nanginginig ang boses na paliwanag ni Ernie sa anak.
"No! You are a big liar! How come...dalawa kayong Tatay ko...I am confused...no! It's difficult to understand...you are a big liar!" nagwawala na sa matinding sama ng loob si Jershey.
"Di ka ba masaya anak, dalawa kaming Tatay mo...dalawa kaming nagmamahal sa iyo...makinig ka Jershey, anak...mahal ka namin ng Papa Adonis mo..." di na rin mapigilan ni Ernie ang tinitimping damdamin niya.
"It's a big no! Papa Adonis doesn't love me anymore. He only loves Aniway...si Aniway lang daw ang anak niya...di niya ko anak...however, I still missed my sister Aniway terribly...I love her very much, I want her back..." patuloy sa pagwawala si Jershey.Yayakapin ni Ernie ang anak na nagwawala.
"Yes Jershey, I am your father...don't worry anak...andito lang ako para sa iyo...di kita pababayaan...magkakampi tayo...mahal na mahal kita anak..." ang pagsusumamo ni Ernie.
"No, you are a liar Ninong Ernie! Papa Adonis is a big cheat to my life! I hate both of you! I can't accept you as my father. Please, let me goooo!" Magpupumiglas si Jershey hanggang sa tuluyan nang makawala sa bisig ni Ernie na di-makahuma sa mga pangyayari.Tatakbo si Jershey na di-malaman ang patutunguhan. Hahabulin ito ni Ernie na labis na nag-aalala.
"Jershey anak! Bumalik ka rito! Bumalik kaaaa!"
All reactions:11
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
PertualanganKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...