IKASIYAM NA KABANATA : AGAW-LIWANAG-AT-DILIM (TAGPO 103)

18 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKASIYAM NA KABANATA

AGAW-LIWANAG-AT-DILIM

Ikasandaa't Tatlong Tagpo

Sinamantala ng mag-asawang Ernie at Ine ang magandang ambience ng hotel room. Pakiramdam nila mga bagong honeymooners sila. Feeling nila, mga Hari at Reyna sila na naglulunoy sa mala-paraisong batis ng kaluwalhatian. Parang mga alon ang kanilang mga katawan na sabay na sabay sa pag-indayog at sa tuwing naglalapat ang kanilang mga kaibuturan, hinahatid sila sa rurok ng pinakamataas na antas ng walang kahulilip na kaligayahan.

Di-namamalayan nila, naka-six round na pala sila. Iba-ibang posisyon. Sa pinakahuling round, sabay nilang pinawalan ang nalalabing katas ng buhay na nagmumula sa kanilang kaibuturan sa pag-asang ang sabay nilang pinaggataan ay magluwal ng isang pinapangarap na anghel sa sinapupunan.

Ramdam nila ang pagod ngunit kapwa naman sila nasiyahan sa kanilang pinagpaguran.

"Sana makabuo na tayo Superman hahahaha," ang ngiting tagumpay na nasambit ni Ine sa asawa.

"Sana...sana! Dinggin na ng Diyos ang ating panalangin...sana magbuntis ka na...sana!" At muling gagawaran ni Ernie ng masuyong halik sa labi ang asawa.

Mapapabalikwas sa pagbangon ang mag-asawa pagkarinig sa doorbell.

"Hayan na dumating na ang order natin..." ang sabi ni Ine sabay-pasok sa comfort room para itago ang hubo't hubad niyang katawan.

Mabilis namang magsusuot ng black sando at black na short na may tatak na adidas si Ernie. Bubuksan ni Ernie ang pinto ng hotel room.

"Tenju Dinner for two..."sabi ng Japanese bell boy.

"Thanks! Please come in!" ang anyaya ni Ernie.

Papasok ang Japanese bell boy. Pagkalagay sa dining table ng order nila. Magba-bow ang bell boy as a sign of respect saka lalabas na ng silid. Ila-locked ni Ernie ang pinto.

Nang maramdaman ni Ine na wala na ang bell boy, lalabas na si Ine na natatakpan na ng mahabang tuwalya ang kanyang buong kaselanan. At masaya silang nagkukuwentuhan habang nagsusubuan ng inorder nilang tempura set. At nang mga mabusog na, bubuksan ni Ine ang TV para manood ng Batang Quiapo ni Coco Martin kaya lang aabutin ito ng pagkainis, di niya makita ang istasyon ng ABS CBN. Puro Japanese shows lang ang napapanood niya na di naman niya maintindihan kasi wala siyang alam sa Nihonggo.

"Ernie...ikaw....hanapin mo 'yung kay Coco Martin..." ang paglalambing ni Ine sa asawa.

"Di ko kabisado...wala tayong mapapanood na Batang Quiapo rito sa Japan...halika rito sa tabi ko...loving-loving na lang tayo hahaha," ang panunukso ni Ernie.

Susunod naman agad si Ine. Tatabihan nito ang asawa sa 'matrimonial bed'.

"Sige...isulit natin hahahaha... mahal kaya ng bayad natin dito sa hotel...saka isa pa...hayan nga...gising na gising na naman 'yang alaga mo hahaha..." ang sabi ni Ine na halatang nasasabik na naman sa muling pakikipagniig sa asawa.

Nakailang round din ulit sila bago nakatulog nang mahimbing.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon