IKASAMPONG KABANATA : DALUYONG (TAGPO 120)

14 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKASAMPONG KABANATA

DALUYONG

Ikaisandaa't dalawampong Tagpo

Sa pamamagitan ng Japan Jet-Alert, isang satellite-based warning system, mabilis na naiparating sa mga kinauukulan at mga residente ng Ishikawa Prefecture ang babala ng Japan Meteorological Agency sa paggalaw ng lupa at karagatan na nagbabadya ng isang malakas na lindol at tsunami. Dahil dito lumikha ng matinis na ingay ang iba't ibang smartphone sabay ng pag-appear sa mga screen nito ng "Jishin" at "Tsunami Alert" na nagamit na warning device para papaghandain ang mga lokal na residente o foreigner man na naiipit sa anumang napipintong paglindol at posibleng pananalanta ng tsunami.

May ilang araw na ang nakaraan matapos ang malakas na paglindol at tsunami na naranasan sa Noto Peninsula, Ishikawa Prefecture, sa isang guest house, di-mapakali ang magkasintahang Louie at Jessa habang pinapanood sa telebisyon ang pag-uulat ng isang Japan TV Broadcast Media tungkol sa lawak ng pinsala na idinulot ng earthquake na may magnitude na 7.6 at tsunami na lumikha ng mga higanteng alon na humampas sa mga kabahayan sa Suzu City, isang coastal town, at sa mga nagtataasang gusali sa Noto Peninsula, Ishikawa Prefecture, Japan.

Ayos sa ulat, agad na nagbigay ng instruksiyon ang Prime Minister ng Japan sa mabilis na pag-aksyon ng lahat ng ahensiya ng Japan Government. Nag-utos siya nang agarang paghahanda sa mga evacuation centers at inalarma niya ang Japan Disaster and Relief Search and Rescue Team sa pagliligtas ng buhay ng mga biktima ng trahedya. Pinag-iingat rin niya ang lahat sa posibleng pagkakaroon ng mga landslide at nag-utos pa mandin na ayusin ang mga nasirang daan at tulay at binigyan-diin ang mabilis na paghahatid ng medical support at pagkain sa mga biktima.

Sa mabilis na koordinasyon at pagtutulungan ng mga Communication Centers on Disaster Preparedness, napabilis ang pagdating ng iba-ibang rescue team sa tulong na rin ng mga medical helicopters at ng Japanese Self-Defense Army Unit sa pagta-transport ng mga naging biktima ng trahedya sa mga evacuation centers at mga urban hospital. Ayon sa ulat, nag-alok ng financial aid at food aid ang Amerika at iba pang mga kaalyadong bansa. Ipinadala naman ng Pilipinas ang AFP Search and Rescue Operation Team na tutulong sa mga Pilipinong naipit sa nabanggit na trahedya.

"Musta na kaya sina Tito Ernie, Tita Ine, Jershey, Aniway at ang mag-asawang Althea at Adonis...sana ma-rescue na sila..." ang labis na pag-aalala ni Louie.

"Mabuti pa...ipagdasal natin sila..." ang kalmanteng tugon ni Jessa.

Magkahawak-kamay na mananalangin ang magkasintahan alang-alang sa ikaliligtas ng kanilang mga mahal sa buhay.

All reactions:2Jenny Morte and Dory Batas

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon