IKASIYAM NA KABANATA : AGAW-LIWANAG-AT-DILIM TAGPO 97)

17 2 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKASIYAM NA KABANATA

AGAW-LIWANAG-AT-DILIM

Ikasiyam-na-po't Pitong Tagpo

Madaling-araw palang, maagang nagsimba ang mag-asawang Ernie at Ine sa Simbahan ng San Agustin sa Baliuag.

Sa loob ng simbahan, kapwa sila nakaluhod sa may luhuran at taimtim na nanalangin habang nakaharap sa isang paring nagmimisa sa may harap ng altar.

Bagama't di-nag-usap ang dalawa, iisa ang kanilang ipinapanalangin. Una sa lahat, kapwa nila ipinagpapasalamat na mag-asawa ang muling pagkakabalikan nina Adonis at Althea. Na sana maghilom na ang sugat sa puso ng bawat isa. Ganon din, sana natanggap na rin ni Jershey ang katotohanang di pala talaga siya anak ni Adonis at ang kanyang tunay na ama ay walang iba kundi si Ernie. Sana, tuluyan nang lumakas si Aniway. Sana maibalik na muli sa dati ang masaya nilang pamilya.

Idinalangin rin ng mag-asawang Ernie at Ine na biyayaan na sana sila ng Diyos ng isang malusog na supling. Ma-babae man o lalaki, ang mahalaga, sana, magka-anak na sila.Pagkatapos ng misa, laking gulat ng mag-asawa nang lumapit sa kanila sina Aniway at Jershey na nagsipagmano.

"Sino kasama n'yo...nasaan ang Papa Adonis ninyo at Mama Althea?" usisa ni Ine.Nakangiting lalapit ang mag-asawang Adonis at Althea. Magbebeso-beso sina Althea at Ine. Nakangiting kakamayan naman ni Adonis si Ernie na ngingiti rin pagkaabot ng kanyang kamay.

"Nagkaayos na kami ni Althea..."bungad ni Adonis, "...salamat sa pagkupkop kina Althea at Jershey nuong kami'y nagkakatampuhan pang mag-asawa. Di ko pala kayang mawala sa buhay ko si Althea...at si Jershey..."

Nakatingin naman si Althea sa mag-asawang Ine at Ernie na maaliwalas na ang mukha. Masaya namang magkahawak-kamay pa sina Jershey at Aniway. Ilang saglit pa, bibitawan nito ang kamay ni Aniway at yayakap kay Ernie.

"Papa Ernie!" sigaw ni Jershey. Magyayakap nang mahigpit ang mag-amang Ernie at Jershey. Masayang nakatunghay naman ang lahat sa mag-ama.

"Papa Ernie...payag na si Papa Adonis na dalawa kayong Papa ko...di ba Papa Adonis!" ang masayang pagbabalita ni Jershey.

Nakangiting magta-thumbs up naman si Adonis."Yuhoooo, we are one family na...di ba Mama Althea at Mama Ine..." bakas sa mukha ni Jershey ang labis na kasiyahan.

"Yes, we are one family!" sabi naman ni Aniway.

Mapapasunod na rin si Althea.

"Yes!"

Ganon din si Ine.

"Oo naman, iisang pamilya lang tayo..."

"Anumang problema ang dumating...tayo'y magtutulungan!' pakli naman ni Ernie.

"Buti pa tikman natin ang puto bungbong at bibingka ni Ka Resty dito sa may labas ng simbahan..." anyaya ni Dr. Adonis.

"Ok...let's go na...tugon naman ni Ine.

Mabilis na tinungo nila ang bibingkaan at puto bungbong na dinarayo ng mga nagsisipagsimba sa Baliuag. Pagkaupo nila, umorder na si Dr. Adonis. Sa-darating naman sa kinalulugaran nila sina Liling, Beet, Efren at Mang Damian na nagsipagsimba rin. Magsisipagmano naman sina Efren at Beet kina Ine, Althea, Adonis at Ernie.

"Nagsipagsimba rin pala kayo..." bati ni Ine sa mga nagsidating.

"Mabuti pa pagsudlungin na lang natin ang mga mesa natin para iisang mesa na lang tayo..."mungkahi ni Ernie.

Kikilos sina Mang Damian, Ernie, Efren at Beet. Pagtutulong-tulungan nila ang pag-aayos ng mesa. Halos mapuno na ang mga mesa ng mga nagsipagsimba.

Nang dumating na ang orders ni Adonis, masaya nang nagkakainan at nagkukuwentuhan ang bawat isa.

"Ate Liling...Mang Damian...musta na takbo ng business natin?" bating nakangiti ni Ernie.

"Ok naman Ernie...yung mga dating ka-suki ng Kuya Ruperto mo...nagsibalikan na...lumalakas na ang balotan natin...malaking tulong sa akin si Damian...naging maayos ang takbo ng ating negosyo... " masayang pagkukuwento ni Liling.

"Pwede na pala tayong umalis Ernie..." ang sabat ni Ine sa usapan.

"Bakit? Saan kayo pupunta?" usisa ni Liling.

"Balak kasi naming mag-tour...dun namin gagawin yung magiging first baby namin...baka sa Japan ang magiging first itinerary namin..."ang nakangiting pagbabalita ni Ine.

"Ows talaga mare...balak rin namin ng Pareng Adonis mo na magbakasyon kami sa mga relatives niya sa Japan...let me know kung kailan kayo magagawi ng Japan para magkita-kita naman tayo..." ang bukas-paanyaya naman ni Althea.

Naagaw na lang ang atensiyon ng lahat sa isang pustoryosang babae na kinagagalitan ang isang batang lalabindalawahing taong gulang na kumakain ng puto bungbong na may dalang sakong nakabungkos.

"Ano ba naman 'yan? Wala na ngang mapuwestuhan dito...magbibit ka pa ng sako..." sabay sipa ng pustoryosang babae sa sakong nakabungkos.

Sa panggigilalas ng babae, may gumalaw na malakas na puwersa sa loob ng sako at nang makahulagpos ito, isang malaking ahas ang sumungaw ang ulo.

"Diyos ko...ahas...ahas!" sigaw ng babae sa labis na kabiglaanan na walang nagawa kundi magtatakbo na lamang palabas ng bibingkaan.

Mabilis na gumapang ang ahas patungo sa ilalim ng mesa na kinaruruonan ni Liling at nang maramdaman niya ang malamig na bagay na gumagapang sa kanyang mga paa, napasigaw siya.

"Ahas! Ahas!" sigaw ni Liling na nagtatarang at sa di-sinasadya ay napatalon na lang na sakto namang nasalo ni Mang Damian. 

Ganoon na lamang din ang tilian nina Jershey at Aniway. Binuhat naman ni Ernie agad ang nahihintakutang si Jershey. Kinilik naman agad ni Adonis si Aniway at inilayo sa kinaruruonan ng ahas. Nagpulasan naman ang iba pang nagsisikain sa bibingkaan nang maramdaman ang panganib. Di-malaman naman nina Ine, Althea, Efren at Beet ang gagawin na pawang nanginginig sa matinding takot.

Mabilis na sumaklolo ang batang may-ari ng ahas. Matapos sumutsot ito ng tatlong beses, mabilis na bumalik ang ahas sa kinaruruonan ng amo.

All reactions:3Abet Polintan, Dalia Delrosario and 1 other

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon