IKAAPAT NA KABANATA : KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN (Tagpo 42)

50 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"


Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul


IKAAPAT NA KABANATA


KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN


Ikaapat-napo't dalawang Tagpo


Pagkababa ng lumang bahay, nagsilulan na sina Ernie, Ine, Luisa at Atong sa sasakyan. Pinatakbo na ni Atong ang kanyang pampasaherong dyipni habang nagbibigay ng kani-kaniyang reaksyon ang mga dumalaw sa muling pagpapanumbalik ng alaala at lakas ni Liling.


"Naku buhay na talaga si Liling...bumalik na uli ang bagsik ng dila...grabe kung makapagmura, parang dragon kung makapagbuga ng apoy!" ang sambit ni Luisa."May purpose pala 'yang pagkakabili ni Louie ng wooden penis astray...nang makita ni Ka Liling...ayun nagbalik ang alaala..." ang pakli ni Atong na tatawa-tawa.


"Oo nga ano? Dapat pala di ko na nabili 'yun... ayun tuloy...napasama na naman si Tito Ernie," ang pakikisimpatiya ni Louie sa Tito Ernie niya.


"Kasi ikaw naman Ine ipinalangin mo pa sa Mahal na Birheng Manaoag kaya ayun...gumaling agad...naku ang buhay nga naman...nabuhay mag-uli ang bruha para maghasik muli ng lagim sa lupa!" ang paninisi ni Luisa kay Ine.


"Ate, magpasalamat na lang tayo sa Mahal na Birheng Manaog at gumaling na si Ate Liling. Naniniwala akong may magandang layunin ang Diyos kung bakit binuhay siyang muli..."ang positibong tugon ni Ine.


Tahimik lang si Ernie. Paano na naman kaya niya pakikibagayan ang masamang pag-uugali ng kanyang hipag?


"Sa Jaen na ba ang tuloy natin nito?" pakli ni Atong.


"Sa mga kapatid ko...para madala na ang mga pasalubong natin!" ang nawika ni Ernie na gulong-gulo pa ang isip sa mga nangyari.


"Ernie, sa Jaen na tayo tumuloy...pagod na rin ako...sa ibang araw na lang natin dalhin 'yang mga pasalubong mo sa mga kapatid mo..." ang paglalambing ni Ine sa asawa."Oo Tito Ernie...pagod na tayong lahat, we deserve to take a rest saka Atong pakibaba na lang ako sa tapat ng bahay namin," ang pakiusap ni Louie.


"Sige...ang totoo...pagod na rin ako..." ang maikling tugon ni Ernie.Ihihinto ni Atong ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Louie. Bibitbitin ni Louie ang mga pasalubong niya sa mga magulang at kapatid. At masayang kakaway sa mga nasa loob ng sasakyan.


"Ingat kayo!" ang nakangiting sabi ni Louie.


Sa daan, madaraanan nila si Mang Damian na naglalakad nang pasuray-suray at mapapaluhod nang dahan-dahan habang tutop ang noo sa harap ng sasakyan ni Atong na waring nahihilo. Mapapalakas ang tapak sa preno ni Atong sabay busina nang malakas. Halos magkauntog-untog na sa loob ng sasakyan sina Luisa at Ine habang nawala na sa tamang pagkakapuwesto ang mga pasalubong na naalog sa biglang pagpreno ni Atong. Mabilis na bumaba naman sina Ernie at Atong upang daluhan ang matanda.


"Mang Damian, ano po ang nararamdaman n'yo?" usisa ni Ernie.


"Umiikot ang paningin ko!" ang daing ni Mang Damian.


"Ok lang po ba na dalhin namin kayo sa Barangay Hall para ma-bp kayo...?" ang pangungumbinse ni Ernie.


Tatango lang ang matanda. Pagtutulungan nina Atong at Ernie na isakay si Mang Damian."O, napaano si Mang Damian?" ang usisa ni Ine.


"Nahihilo raw. Idadaan natin sa Barangay Hall para matignan."


Tutulong na rin si Luisa sa pag-alalay kay Mang Damian. Patatakbuhin ni Atong ang sasakyan at hihinto ito sa Barangay Hall. Sa Barangay Hall, kukuhanan ng BP si Mang Damian ng isang matandang babae.


"Naku, mataas po pala ang presyon ni Mang Damian. Mabuti po pala at nadala ninyo dito agad."


Papainumin ng pambababa ng presyon si Mang Damian. Pahihigain muna sa isang papag sa loob ng Barangay Hall si Mang Damian pagkatapos ng tatlumpong minuto, kukuhanan uli siya ng blood pressure ng matandang babae.


"O, ayan bumaba-baba na..."ang reaksyon ng matandang babae.Lalapitan ni Ernie si Mang Damian at kakausapin habang nakatingin sina Ine. Luisa at Atong na pawang nag-aalala sa kalagayan ng matanda.


"Musta na pakiramdam po ninyo Mang Damian?" ang usisa ni Ernie."Ok...ok na ko...di na ko nahihilo...salamat Ernie sa kabutihang-loob mo..." ang mangiyak-ngiyak na nasabi ng matanda.


Aabutan ng isang libo ni Ernie ang matanda.


"Pagaling po kayo at eto po ang isang libo...pambili po ninyo ng gamot...minsan po papasyalan ko po kayo ulit sa bahay ninyo...palakas po kayo...pag nabuksan na namin ng misis ko 'yung negosyong balutan at interesado kayong magtrabaho...kukunin ko ko po kayong trabahador..."ang pampalakas ng loob na nabanggit ni Ernie kay Mang Damian.Umaliwalas ang mukha ni Mang Damian. Ganoon na lang ang pasasalamat ng matanda kay Ernie na mangilid-ngilid ang luha.


"Maraming salamat Ernie...kay buti mo...", di na napigilan ang pagtulo ng luha ni Mang Damian.


Nang tumatakbo na ang sasakyan patungong Jaen, di-maipaliwanag ang sayang naramdaman ni Ernie sa ginawa niyang pagtulong kay Mang Damian.


Ilang saglit pa magba-vibrate ang selfon niya. Pagkabasa ng text message ni Arianne, mangingiti siya.


"Problema ka ba? text message ni Arianne.


"Oo bakit?" reply message ni Ernie.


Kasi sa lahat ng problema ko, ikaw ang paborito ko!


Sa text message na 'yaon ni Arianne, pakiramdam ni Ernie parang bumata siya ng sampong taon at lalo itong nakatulong para gumaan ang problemang nararamdaman niya sa kanyang hipag na si Liling.All reactions:6Edil Larin, Arlene Palomo Cruz and 4 others

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon