IKAWALONG KABANATA : SALAMISIM (TAGPO 88)

21 2 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAWALONG KABANATA

SALAMISIM

Ikawalumpo't Walong Tagpo

Araw ng Linggo. Madaling-araw palang nasa Padre Pio Subdivision, Sta. Barbara, Baliuag, Bulacan na ang mag-asawang Ernie at Ine para mag-jogging. Nakaiilang ikot palang sila sa pakuwadrado at malapad na espasyo ng subdivision, nakaramdam na si Ine nang labis na pagkauhaw at pagod. 

"Ernie...pahinga na muna tayo...kinakapos na ako ng hininga...pakiramdam ko...nabigla ata ako....dapat dahan-dahan lang muna sa simula...sa ngayon, di ko pa kayang makipagsabayan sa iyo..." ang abot-abot na paghingal ni Ine habang nagsasalita.

"Sige hatid muna kita duon sa parking area...uminom ka muna ng tubig at magpahinga sa SUV natin..." ang tugon naman ni Ernie.

Matapos maihatid ni Ernie ang asawa sa may parking area, magpapaalam na si Ernie kay Ine para magpatuloy sa kanyang pagtakbo.

"Sige...diyan ka na muna...relax ka na lang muna d'yan...babalikan kita...pag gusto mo na uling tumakbo...magsabi ka lang at sasabayan kita ulit..." ang sabi ni Ernie kay Ine.

"Sige...balikan mo ko...at pag ready na ulit ako...takbo ulit tayo...kailangan kong magbawas ng timbang hahaha para magka-baby na tayo..." ang masayang tugon ni Ine na desidido nang pumayat gaya ng payo ng kanyang OB GYN.

Magpa-flying kiss lang si Ernie kay Ine na sasapuhin naman nito ang invincible kiss niya at pakikay na idadampi ito ni Ine sa kanyang mga labi.

Matatawa pa si Ernie sa ginawa ng asawa sabay talikod at patakbo nang tinungo ang ruta na kanyang tinatakbuhan. Mapapansin niya ang babaing tumatakbo sa kanyang unahan. Biglang kumabog ang dibdib niya, sa pakiwari niya'y si Arianne ang natatanaw. Lalo pang binilisan ng babae sa unahan ang pagtakbo niya.

 Binilisan rin ni Ernie ang pagtakbo para abutan ang babae. Di siya maaaring magkamali, si Arianne ang nasa unahan niya, ang nakahahalinang hubog ng katawan, ang alsadong puwit na makatawag-pansin at ang mahabang buhok na hanggang baywang na nag-iiwan ng pabangong paboritong gamitin ni Arianne na isinasaboy ng mahalumigmig na simoy ng hangin na naaamoy niya na madalas gamitin ni Arianne sa mga okasyon. 

Di siya maaaring magkamali, si Arianne ang babaing nasa unahan niya.Sa loob-loob ni Ernie, ito na ang pagkakataon para magkausap sila ni Arianne. Magbabaka-sakali siyang magtapat ito sa kanya at aminin mismo ni Arianne na may ginagawa itong mga ritwal o orasyon para magtagpo silang dalawa sa Palasyong Ginto na laman lagi ng kaniyang mga panaginip.

Aabutan na lamang ni Ernie ang babae nang may tumawag sa kanyang likuran.

"Ernie!" 

Saglit na napahinto siya at napalingon, nakita niya si Atong na hinahabol siya. Nang ibaling na muli niya ang kanyang paningin sa babaing tumatakbo sa kanyang unahan na iniisip niyang si Arianne, bigla na lamang naglaho itong parang bula. 

"Nakita mo ba yung babaing tumatakbo sa aking unahan? Di ba si Arianne 'yun?" takang-takang pag-uusisa ni Ernie.

"Ernie...ano bang nangyayari sa iyo? Wala naman akong nakikitang babaing tumatakbo sa unahan mo...saka isa pa...nagbalik na si Arianne sa Baguio kasama ng mga classmate niya..." untag ni Atong.

"Namalik-mata lang kaya ako?" ang sabi ni Ernie na di- makapaniwala.

"Maiba nga pala ko ng usapan...akala ko ba kukuhanin mo akong kapalit ni Mang Damian sa inyong pagawaang ng balot sa Nueva Ecija..." ang pagpapaalala ni Atong sa kaibigan at kaklaseng si Ernie nuong elementarya. 

"Oo, tuloy 'yun...lilipat ko naman si Mang Damian sa pagawaan ng balot dito sa Virgen Delos Flores na pagsososyohan naming magkakapatid para maging kanang kamay ni Ate Liling sa pamamahala sa aming negosyo.

"So, ibig sabihin ako naman ang magiging kanang kamay ni Luisa sa pamamahala sa inyong pagawaan ng balot sa Nueva Ecija..." ang paglilinaw ni Atong.

"Ganon nga ang plano...oy paalala ko lang sa iyo kung may plano kang ligawan si Ate Luisa, huwag mo siyang lolokohin...ako ang makakaaway mo..." ang babala ni Ernie sa kaibigan.

"Seryoso ko Boss Ernie...peksman! Gusto ko na ring magseryoso sa buhay...at kung papalarin ako kay Luisa, asahan mo tuloy-tuloy na ang aking pagbabago...". Itinaas pa ni Atong ang kanang kamay na para bang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas, "...o, ayan...sumpa man!"

Halatang binabasa ni Ernie ang ikinikilos ng kaibigan.

"Asahan ko 'yan...pag di mo 'yan tinupad...malalagot ka sa akin..."ang mariing pagbabanta ni Ernie.Nang biglang may tumawag sa selfon niya. Di niya kilala ang roaming number na tumatawag sa kanya. Sasagutin niya ang tawag.

"Si Arianne 'to...wala na ko sa Baguio...baka magkamali kang duon mo ko hanapin...tiyak na di mo ko makikita hahaha" ang pagbibiro ng kausap, "...ok na ko...naka-move on na ko..."

"Nasaan ka ba? Ikaw ba 'yung babaing nasa unahan ko na tumatakbo...na di ko abutan na bigla na lamang naglaho basta..."ang sunod-sunod na pag-uusisa ni Ernie.

"Oo ako nga...ganyan ka naman talaga hehehe lagi na lang tayong naghahanapan at naghahabulan sa ating mga panaginip..."ang pagbibiro ng kausap.

"Be serious! Gusto kong malaman ang katotohanan?" seryosong pagtatanong ni Ernie."Katotohanang mahal kita at mahal mo ko, wala namang makapagpapabago roon di ba hahaha..." ang tila nanunuksong tinig ng babae na nasa ibayong dagat.

"Kailanman, di maaaring maging tayo! San ka ba? Kailangan natin magkausap..." pangungulit ni Ernie.

"Nasa abroad ako...plano ko dito na magtapos ng pag-aaral ko..." seryosong tugon ng kausap.

"Saang bansa? Pwede ba tayong mag-usap man lang kahit sa messenger thru video call...""Kung gusto mo kong makausap muli...see you in my dreams!" ang nanunuksong tinig ng babae.

Lalong nagulumihanan si Ernie. Napapakamot na lamang sa ulo si Atong habang pinagmamasdan ang kaibigan na tila baliw na nakikipag-usap sa isang misteryosang dilag.

All reactions:4Maria Digna Ramos, Carol Palomo Legaspi and 2 others


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon