"MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulIKALAWANG KABANATA
KAPALARANG NAGHIHINTAY
Ikalabimpitong Tagpo
Habang sinasagasa ni Ernie ang malakas na ulan, parang wala siyang nakikita sa paligid niya. Di niya napapansin ang tubig sa kalsada. Hinintuan siya ng isang pampasaherong dyipni. Pinotpotan siya. Nagbalik sa kanyang humisyo si Ernie na dala-dala pa rin sa dibdib ang matinding hinanakit sa Kuya niya.
"Ernie...Ernie!" tawag sa kanya ni Atong na kaklase niya noong 'elementary days'. "Bakit mo ba sinasagasa ang malakas na ulan?"
"Atong ikaw pala!" ang natatauhang reaksiyon ni Ernie nang makilala si Atong.
"Pumasok ka nga rito sa sasakyan...magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo?" ang anyaya ng kaibigan.
Sumunod naman agad si Ernie. Sumakay siya sa unahan ng sasakyan na walang ibang pasahero kundi siya lang.
"Puna ko sa iyo parang may malalim na problema ka!" ang sabi ng kaibigan at kaklaseng si Atong.
"Oo...matindi ang hinanakit ko sa Kuya ko! Di ko nga alam kung saan ako pupunta ngayon...", ang pakli ni Ernie.
"Sama ka na lang sa akin para maihinga mo 'yang lahat ng sama ng loob mo...tagal na rin naman nating di nagkikita para kahit paano magkabalitaan tayo," ang alok ni Atong.
Nagpapatianod na tumango na lang si Ernie. Habang tumatakbo ang pampasaherong dyipni na minamaneho ni Atong, nadaan sila sa isang mumurahing beer house. Patuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan. Ipinarada ni Atong ang sasakyan sa parking area.
Pumasok sila sa loob ng beer house. Pinigil sila ng may-ari at sinabing magsasara na sila. Nakiusap na lang si Atong na makabili nang anim na boteng redhorse para dun na inumin sa loob ng kanyang pampasaherong dyipni. Pumayag naman ang may-ari ng beer house sa kundisyong pati bote ng red horse ay kasama sa babayaran nila.
Nang bahagyang humina na ang ulan, mabilis na pumasok na ang dalawa ng sasakyang nakatapalodo at nagsimula nang inumin ang biniling red horse. Habang nagtatagal sa balitaan at kwentuhan ng dating magkaklase, naging madaldal na si Ernie, naikuwento nang buong-buo ang nangyaring di-pagkakasundo sa pamilya nila at ang matinding naging hinanakit niya sa Kuya niya.
"Pauwi ako sa bahay ng lola ko sa Paombong ngayon...'yung nagpalaki sa akin...kung gusto mo dun ka na rin sa bahay ng lola ko magpalipas ng gabi..." ang mungkahi ni Atong."Huwag na...nakakahiya na sa iyo. Pero sasabay na rin ako sa iyo...sa Paombong na lang ako bababa...balak ko kasi sa Hagonoy na ko magpalipas ng gabi...gusto ko kasi makausap ang Ate Nena ko tungkol sa nangyari sa amin ng Kuya..." sagot ni Ernie.
"Ok!" sabay tango ni Atong.
Pagbaba ni Ernie sa Paombong. Nasakay naman siya agad sa isang pampasaherong dyipning patungo sa Hagonoy na may ilan-ilang pasaherong lulan. Lalo namang lumakas pa ang ulan. Pagdating sa Hagonoy, hanggang bewang na ang tubig. Nagluko ang sasakyan at di na makausad.
Napilitan na ang mga pasahero na bumaba at maglakad sa hanggang bewang na tubig-baha. Patuloy pa rin sa paglakas ang ulan. Basang-basa si Ernie kasama ang ilang pasaherong tumatawid sa baha.
Mga ilang saglit pa, lalo pang tumaas ang baha na umabot na sa dibdib. Nawalan ng balanse si Ernie na umiikot pa ang paningin sa kalasingan. Bumulusok siya pailalim. Bumulubok ang tubig. Natanaw siya ng isang babaeng kasunod niya na na di-malaman ang gagawin sa nasaksihang pangyayari.
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
AventuraKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...