IKATLONG KABANATA : MAY BUKAS PA BANG DARATING? (Tagpo 29)

80 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"

Kathang Nobela ni Zampagitang Azul

IKATLONG KABANATA

MAY BUKAS PA BANG DARATING?

Ikadalawampo't siyam na Tagpo

Sa papasok si Ernie sa loob ng Brewed Coffee Shop, dinig na dinig niya sa bibig ni Ine habang magkayakap sila ni Althea na kapwa umiiyak.

"Dapat lamang na panagutan ni Ernie ang nangyari sa inyong dalawa," ang di rin inaasahan ni Ineng masasabi niya kay Althea.

Di ba nga araw-araw ni Ineng ipinapanalangin sa Diyos na si Ernie ang una at huling lalaking makasama niya habang buhay; ang nag-iisang lalaking makakaisang-dibdib niya sa dambana ng Diyos. Bakit ngayo'y nagbabago na ang kanyang isip?

Nabigla rin si Ernie sa di-inaasahang narinig niya mula sa bibig ni Ine. Alam niya kung gaano siya kamahal ni Ine. Naniniwala siyang ipaglalaban siya nito hanggang kamatayan kaya nga ba ito ang kanyang dahilan kung bakit hindi niya maipagtapat kay Ine ang tungkol sa kanila ni Althea. Natatakot siya na baka kung ano ang gawin nito at mauwi ang kanilang masayang pagkikita sa isang masamang kalagayan. Ngunit ano ba itong narinig niya sa bibig ni Ine? Tutuo ba itong kanyang narinig?

Kay Althea siya kinakabahan, at nagkatutuo na nga ang sapantaha ni Ernie kay Althea na ang di niya masabi-sabi kay Ine ay siya ang magtatapat kay Ine. At ngayong pumutok na ang iniingatan nilang lihim ni Althea, sa isip ni Ernie, ano na kaya ang susunod na mangyayari?

Kumalas sa pagkakayakap si Althea kay Ine, pinahid ng panyo ang luha sa kanyang mga mata. Gayundin si Ine, pinilit na nagpakatatag. Kinuha ang panyo sa kanyang bag at nagpahid rin ng luha. Hinatak ni Ernie ang isang bakanteng upuan at naupo na pilit na pinipigil ang tinitimping damdamin.

Saglit na katahimikan. Unang nagsalita si Althea.

"Hindi iyan ang gusto kong mangyari...ang panagutan ako ni Ernie sa nangyari sa aming dalawa!" ang di-inaasahang nasabi ni Althea.

"Nang pumayag ako kay Ernie na magkita tayo at gusto mo raw akong makilala para magpasalamat sa akin sa ginawa kong pagliligtas sa buhay ni Ernie...buo na ang pasya ko na i-let go na si Ernie at kalimutan na kung anuman ang nangyari sa amin..." ang matatag at panatag na pagsasalita na ni Althea.

Ganoon na lamang ang pagkamangha nina Ernie at Ine sa narinig mula sa bibig ni Althea."Paano kung magbuntis ka? Sino na ang kikilalaning ama ng magiging anak ninyo ni Ernie," ang nag-aalalang pag-uusisa ni Ine.

" 'Yun din ang labis na ipinag-aalala ko kaya naipangako ko kay Althea na pananagutan ko ang nangyari sa aming dalawa. Sa tuwinang tatangkain ko nang ipagtapat kay Ine ang namagitang sekswal sa atin na kapwa naman natin di-ginusto, nauunahan ako ng takot lalo't nararamdaman ko kay Ine ang labis na pagmamahal niya sa akin, gayundin naman ako sa kanya..." ang gumagaragal na tinig ni Ernie habang palipat-lipat ang paningin niya sa dalawang babaing kanyang minahal.

"Wala kang kasalanan Ernie...kung may nangyari man sa ating dalawa...di mo ginusto 'yon...di niya ginusto 'yun Ine..nung mangyari 'yun...inaapoy ng lagnat si Ernie habang tinatawag ang pangalan mo Ine...kaya alam ko sa puso ni Ernie, ikaw ang mahal niya at di ako...natangay lang ako at natukso nang hatakin niya hanggang sa may nangyari na sa aming dalawa..." ang paliwanag ni Althea habang nagpapalipat-lipat din naman ang paningin niya kina Ernie at Ine.

Lihim na tumututol ang puso ni Ernie sapagkat sa halos dalawang linggong ginawang pagkupkop ni Althea sa kanya, namunga na ito ng di-maipaliwanag na pagmamahal sa puso niya.

Matamang nakikinig naman si Ine na sinusuri ang bawat salitang binibitiwan ni Althea."May ipagtatapat ako sa inyo...matagal akong naging avid fan ni Gabby Concepcion...lahat ata ng mga pelikula niya...napanood ko na...pag tinutukso ako ng mga friend ko kung kailan ako mag-aasawa...ang sabi ko magb-bf lang ako pag kamukha ni Gabby ang magpo-propose sa akin..."sabay-tawa ni Althea.

"At nuong sagipin ko nga si Ernie at mai-revive ko na ang buhay. niya..napansin kong malaki ang pagkakahawig nila ni Gabby...teen-ager palang sobrang naging obsessed na ata ako kay Gabby...at ito ang dahilan kaya ako natukso at di na nakatutol pa kay Ernie na sinamantala ko naman habang nahihibang siya sa matinding lagnat..." ang pagpapatuloy ni Althea.

"Kayo ang totoong nagmamahalan...at kung may nangyari man sa amin ni Ernie...obsessed na lang ako nuong mga oras na yun kay Gabby. Don't worry kung magbuntis man ako...ituturing ko itong isang magandang karanasan...makaaasa kayong bubuhayin ko at mamahalin ang magiging anak namin ni Ernie.." ang punumpuno ng damdamin ngunit matatag na paninindigan ni Althea.

Di -makahuma sina Ernie at Ine sa kadakilaan ng puso ni Althea.

"Kaya tuloy ang pagiging Maid of Honor ko sa kasal n'yo...Cheers!" sabay-hawak ni Althea sa baso na may lamang brewed coffee.

Nagpatianod naman sina Ernie at Ine na kapwa maluwag na ang mga kalooban ngunit maluha-luha pa rin sa mga sandaling iyun. Kaagad din hinawakan nila ang kani-kanilang baso ng brewed coffee at nakipag-toast kay Althea.

"Cheers!" ang sabay-sabay at masayang sambit ng tatlong pinaglaruan ng tadhana na pawang nangingilid ang mga luha. Habang masaya namang pinapanood sila ng mga usiserang serbidora ng Brewed Coffee Shop.

All reactions:5Rachelle Bautista Mijares, Edna Cruz and 3 others


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon