IKASAMPONG KABANATA :DALUYONG(TAGPO 121-B)

19 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

KATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL

IKASAMPONG KABANATA

DALUYONG

Ikaisandaa't dalawampo't isang Tagpo (B)

Nagwawala si Arianne. Nagsisigaw!

"Ibaba ninyo ko rito. Paraaaaaaa! Ayoko sa impyerno!"

Mabilis na tinakbo ni Arianne ang isa sa mga nakasaradong pintuan ng tren. Ngunit mabilis na pinigilan siya ng mga lalaking puro tattoo na ngising dimonyo.

"Walang makalalabas rito hahahaha....sama-sama tayo sa impiyerno hahahhaaha," anya ng isang pumipigil kay Arianne. Kasunod nuo'y malutong na tawanan ng tila mga nababaliw na pasaherong lango sa droga at wala na talaga sa katinuan.

Yayakapin ng mga maskuladong mga lalaking mga nakahubad. May sumasabunot sa mahabang buhok ni Arianne. May lumalamutak sa maseselang bahagi ng katawan nito. May walang patumanggang sumisibasib ng halik.

"Bitiwan ninyo ko! Mga dimonyo kayo! Pakawalan ninyo ko rito!"

Manlalaban si Arianne. Maniniko. Manununtok. Ngunit mas malupit ang ganti. May isang kakagatin sa tainga si Arianne. May sumusuntok sa sikmura at panga ni Arianne hanggang paupong napahandusay na lamang.

"Parang awa n'yo na...tulong!" sigaw ni Arianne na sumasargo ang dugo sa labi.

Parang natauhan si Ernie. Buong lakas na tinadyakan niya ang isa sa mga maskulado na puno ng tattoo. Titilapon sa malayo ang kanyang sinipa. Pagsugod sa kanya ng isa pa, uunahan ito ni Ernie, buong lakas na sasalubungin niya ito ng suntok sa panga. Bagsak ang tinamaan. Mabilis na bubuksan niya ang pinto ng tren sabay hatak kay Arianne na tumayo agad nang makakita ng tiyempo para makatakas.

"Talon Arianne!" sigaw ni Ernie na wala na sa isip ang panganib na kanilang susuungin sa gagawin nilang pagtalon.

Patuloy naman sa mabilis na pagbulusok nang pababa nang pababa ang tren sa loob ng mahaba at makipot na tunnel habang excited na naghihiyawan pa ang mga partner na magkabit.

Sinamantala naman nina Ernie at Ine ang pagkakataong makatakas. Pikit-matang sabay na tumalon sa palalim na palalim na tunnel na kanilang kinaruruonan. Nang makatalon na, parang ipinupukol sila sa sobrang bilis pababa nang pababa sa napakadilim na tunnel.

"Diyos ko iligtas mo pa kami!" sigaw ni Ernie habang di-binibitiwan ang kamay ni Arianne na patuloy sa pagsigaw kaalinsabay ng animo ipinupukol sila sa sobrang tulin ng isang makapangyarihang puwersang di nila nakikita habang kasunod naman nila ang rumaragasang tren na biyaheng impyerno.



Write a comment...
Dante DesiderioActive now

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon