IKAWALONG KABANATA : SALAMISIM (TAGPO 86-B)

21 2 0
                                    

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

IKAWALONG KABANATA

SALAMISIM

Ikawalumpo't Anim na Tagpo (B)

Nagising na lamang si Ernie mula sa kanyang panaginip nang maramdaman niyang may kamay na naglilikot sa loob ng kanyang brief. Amoy na amoy niya ang pabango ng asawa. 

Naisip niyang gusto na talagang magkaanak ni Ine kung kayat nagsimula na rin siyang pagapangin nang dahan-dahan ang kanyang mga kamay sa maseselang bahagi ng katawan ni Ine habang kapwa uhaw na kusang naglalapat ang kanilang mga labi upang iparamdam ang masidhing pagmamahal nila sa isa't isa. 

Wala sa loob na mapapapikit si Ernie habang dinarama ang tamis ng pagmamahalan na kanilang pinagsasaluhan ngunit parang tukso namang lilitaw sa kanyang balintataw si Arianne na may hawak na punyal at pagsasaksakin siya. Magtitilamsikan ang dugo sa kanyang katawan. Mapapansin agad naman ni Ine ang biglang panlalambot ng buhay na pumipintig sa loob ng  brief ni Ernie.

Mapapadilat si Ernie na pinanginginigan ng laman. Mabilis na mapapabalikwas siya mula sa pagkakahiga.

"Bakit Ernie...anong nangyayari sa iyo? Bakit nanginginig ka?" laking gulat ni Ine sa mga pangyayari, "...may problema ka ba?"

"Hindi ko...alam...di ko alam kung anong nangyayari sa akin..."tutop ang noo ni Ernie na labis na nagugulumihanan.

"Ano bang nangyari Ernie...kanina buhay na buhay si Dayunyor mo...bakit biglang namatay? Paano tayong makabubuo n'yan...kung kailan gustong-gusto ko nang magkaanak sa iyo..." ang magkahalong pagkainis at pag-aalala ni Ine.

"Pasensiya ka na...di ko nga alam kung bakit biglang tumamlay..."ang pagkakaila ni Ernie sa kabila ng alam niya ang tutuong problemang di niya masabi-sabi sa asawa sa takot niyang di siya maunawaan nito.

Mapapabangon na rin si Ine sa pagkakahiga. Masuyong yayakapin ni Ine sa may likuran ang asawa.

"Mabuti pa magpatingin ka sa doktor...pati ako dapat magpatingin na rin para malaman natin kung ano 'yan problema mo...at para malaman na rin natin kung sino ang may problema sa atin kung bakit hanggang ngayon ayaw pa rin akong magbuntis..." ang paglalambing ni Ine.

"Mabuti pa nga siguro..." ganting tugon naman ni Ernie, "...saka isa pa baka kailangang bawas-bawasan natin ang ating mga pinagkakaabalang gawain...buti pa siguro...mag-abroad tayo...dun sa lugar na walang mang-iistorbo sa atin...para makabuo na tayo sa kauna-unahang magiging baby natin..."

"Paano itong negosyo natin?" pag-aalala ni Ine.

"Nariyan naman si Ate Luisa...kaya na niya 'yang patakbuhin hanggang wala tayo..." paliwanag ni Ernie.

"May isa pa tayong problema...paano yung bagong negosyong pagsososyohan ninyong magkakapatid..." ang pag-uusisa ni Ine.

"May tiwala ako sa mga kapatid ko...kaya na nilang pamahalaan 'yon hanggang wala tayo...saka isa pa nandun naman si Ate Liling at Mang Damian para i-supervise yung business ng balotan sa Virgen Delos Flores." ang pangungumbinsi ni Ernie sa asawa.

"Sige, payag na ko...ang mahalaga, magkaanak na tayo..." ang masayang tugon ni Ine.Saglit na umaliwalas ang mukha ni Ernie. Kaya lang, sa loob-loob niya, paano kung sundan pa rin siya ng mga panaginip niya.

Mabuti pa siguro, magkausap na muli sila ni Arianne o kaya ni Jessa na pinaghihinalaan niyang baka may kinalaman sa sunod-sunod na pananaginip niya. Makikiusap siyang palayain na siya sa tanikala ng salamisim na gumagapos sa kanyang pagkaalipin. Gusto na niyang makalaya sa Palasyong Ginto o Paraisong Hawla na nilikhang mundo ni Arianne para sa kanilang dalawa.

Sa kanyang pagmumuni-muni, naisip rin niyang sumangguni sa isang psychologist o psychiatrist na maaaring makatulong sa hinaharap niyang problema. Matakasan kaya ni Ernie si Arianne na kung kailang wala na silang komunikasyon sa isa't isa ay sa panaginip naman ito patuloy na nakikipagniig sa kanya?

All reactions:5Maria Digna Ramos, Charet B. Monsayac and 3 others1LikeCommentShareIt is only a matter of faith in God that would help him avoid bad spirits coming over his mind.LoveReply


Write a comment...


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon