Prologue

302 20 9
                                    

GENERAL

It was a rainy afternoon. The sky was dark and the thunder continuous to rumble. The wind blew and the stems of the trees started to fall.

Resia got stuck in the middle of the road. The flood is almost one feet high. Mukhang hindi na rin sya papadaanin pa ng mga namamahala doon dahil baha na nga.

Maya maya pa ay tumunog ang kanyang phone, mukhang may tumatawag sa kanya.

Agad naman nya itong sinagot.

"Hello, dad." Saad niya dito habang nasa gitna sya ng kasagsagan ng ulan. Kung hindi ba naman sya inutusan ng ama edi sana wala sya dyan ngayon.

"Where are you now?"

"Nandito pa sa gitna ng baha na kalsada. Maybe I can't go home." Saad niya at bumusina sa sasakyan na nasa harap nya. Sumingit pa talaga.
"Okay anak, be safe." Saad ng ama bago nito pinatay ang tawag.

Ana Theresiannie Honall.
Katamtaman ang kaniyang taas sa isang babae. Hanggang balikat ang bahagyang maalon niyang buhok. Mapungay rin ang kanyang mga mata, bahagya rin itong naniningkit kapag siya ay tumatawa at bahagyang may kaputian ang kaniyang balat.

Siya ang nag iisang anak ni Jose Honall. Her mother died when she was 20 years old.

Isang businessman ang ama niya. Kilala ang ama niya sa paggawa ng mga alak. Maging ang mga produkto ay kilala na rin sa iba't ibang bansa.

Nag plano muna sya na tumuloy sa isang hotel. Balak niya na doon muna magpalipas ng oras habang malakas ang ulan. Kung humupa man ang ulan at ang baha, ay uuwi na rin siya.

Habang nagdadrive pabalik, nag ring na naman ang phone nya. Akala niya ang kaniyang ama.

"Resiaaa, nasaan ka na?" Lorraine. Ang kaniyang kaibigan.

"Nandito sa gitna ng ulanan. Bakit? Magkasama lang tayo kaninang umaga a."

"Inaya ako ni Maria Lorelei, mukhang broken ang gaga. Hindi ka ba sasama?" Lorraine.

Nakarinig naman sya ng hagulgol mula sa kabilang linya. Mukhang broken nga ang bruha.

"Sunduin nyo ko basta languyin nyo ang baha." Sagot niya dito.

"Huyyy hindi ka naman mabiro! Sige na kami na lang mag iinom sa bar."

"Baka mamaya pag uwi mo pilay ka na"

"Raulo ka talaga! Bye na!" Lorraine.

Nagpatuloy naman sya sa pagdadrive kahit na lumalakas na naman ang ulan. Lumalabo na rin ang windshield ng kanyang sasakyan. Hanggang sa may narinig syang malakas na hampas sa hood ng kanyang sasakyan.

"What the?!" Sigaw niya at hininto nya ang kanyang sasakyan.

Hindi pa rin niya binababa ang kanyang tinted na bintana. May nakita syang babaeng nakatayo sa labas at basang basa.

Mahaba ang buhok itim nitong buhok, medyo katangkaran, singkit ang nakasalamin nitong mga mata. Kung singkit sya, ano pa kaya itong babaeng kaharap niya?

Higit sa lahat, maganda.

Ngunit may putik ang damit. Ayun lang.

Maya maya ay hinampas na naman nito ang hood ng kanyang sasakyan.

"Shit naman oh!" Bulalas niya.

Agad niyang binaba ang kanyang bintana at tinignan nya ang babaeng nakatayo at nakapamewang.

"What do you need? Kanina mo pa hinahampas ang sasakyan ko!"Resia.

"Ikaw, anong problema mo? Hindi mo man lang ba ako nakita na inaayos ang sasakyan ko? Ang bilis mo mag drive ha!" Pag susungit nito sa kanya.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon