Chapter 36

183 16 1
                                    

GENERAL

Kanina pa nag memessage si alicia pero hindi siya nakakatanggap ng kahit message kay resia, marahil ay busy ito sa senate hearing ngayong araw. May kung anong issue na naman kasi ang dapat resolbahin sa senate.

It's been a week since they received the last DNA result. Iyon ang DNA test na isinagawa ni resia para sa kanila ni alicia.

And it turned out na negative ang result. They are not related to each other, they are not siblings. Of course, they celebrate.

Wala ma talagang kawala sa kaniya si alicia.

"Okay ka lang ba?" tanong ni shamara sa kaniya. Napapansin kasi nito kanina pa na tila hindi mapakali ang kaibigan.

Mahina naman niyang pinapalo ang phone niya sa kaniyang palad.

"She's not replying kasi sa messages ko. Wala pa syang update mula kaninang umaga. Hindi naman sya ganito eh, she always message me ng good morning. Nakakapanibago lang." Pagkukwento niya dito.

Umattend siya ng seminar noong araw na iyon, at nagkataon na nakita niya si shamara. Isa pala ito sa mga sponsors sa seminar kung saan sila umattend.

"Baka busy lang sa senate hearing. Mag memesage din yun." Saad niya dito upang icomfort ang kaibigan.

"Siguro nga." Saad niya. Maging sina lorraine at lorelei at minessage na rin niya ngunit hindi rin nag rereply ang mga ito sa kaniya.

Birthday na nya sa isang araw ngunit napakabusy nya pa rin. Hindi niya hinahayaan na may makaligtaan siyang event kung tungkol naman ito sa kanilang bayan.

Kaya naman ang ibang staffs niya sa munisipyo ay inutusan niyang bumili ng mga groceries katulad ng mga de lata, noodles, bigas, biscuits, gatas, tinapay at may spread pa. Bumili rin sila ng pang feeding program nila para sa mga bata.

Mukhang mamayang gabi ay busy pa rin sila na mag repack ng mga ipapamigay na groceries sa kanilang mga kababayan.

Binalik na niya ang kaniyang tingin sa harapan at muling nakinig.



Sumapit ang hapon. Pauwi na siya at nagpaalam na kay shamara na mauuna na siyang umuwi, she can't stay too long there lalo na at hindi niya mawala sa isip si resia.

Napaparanoid na sya. Baka kasi may nangyaring masama dito o kaya naman ay baka napikot na talaga ito ni imarri.

Hindi pa rin siya nakaka move on mula sa panaginip niya noong nakaraan ha.

Kinuha iya ang kaniyang phone at sinubukan na tawagan si lorraine.

"Hello, dear?"  Bungad ni lorraine sa kanya sa call.

"Hello, lorraine. Ahm, kasama mo ba si theresiannie?"

"Oh dear, she's not with me today. May appointment ako ngayon dito sa Batangas. Sorry, I wasn't able to answer your messages huh, busy lang dear." Sagot namann ito sa kaniya.

"Sige, salamat. Pasensya sa abala. Thank youuu!"  Then she ended the call.

Nagpatuloy sya sa pagdadrive at nag try naman sya na puntahan ito sa senate, pero puro media lamang ang nakasalubong niya na mukhang may mga iniinterview. Tinanong niya ang ilang mga interns na nasa senate kung nakita ba nila si resia ngunit sumagot ang mga ito na buong maghapon itong wala.

Umalis na rin siya sa senate at bumalik sa parking lot.

Muli niyang inopen ang messages niya dito.

Muli niyang inopen ang messages niya dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon