GENERAL
Kinagabihan ng gender reveal party, ang mga natira na lamang na mga bisita ay silang magkakaibigan. Umuwi na rin ang parents nila na sina daddy jose, daddy angelito at si mommy amelia.
Hindi nga nagkaroon ng chance na makausap ni dawn si alicia. Kung anu-ano kasi ang mga tinatanong ni resia kay alicia para nasa kaniya lamang ang attention nito.
Kinasabwat pa niya ang mga kaibigan nila para hindi umalis sa pwesto nila si alicia.
Nagseselos sya. Ayaw niyang maging malapit na naman ang dalawa.
May karapatan naman rin kasi siyang magselos dahil fiancee niya ito. And she's territorial. Ayaw niyang may umaaligid sa pag- aari niya.
Ilang beses na nag attempt si alicia na lapitan si dawn ngunit laging nauudlot kanina dahil kina resia at sa mga kaibigan nila. Hindi naman niya iyon nahalata dahil na eentertain din naman siya.
At ano nga ba ang isa pang dahilan kaya hindi maka alis si alicia sa pwesto nila?
Chismis.
Ayaw niyang may makaligtaan siyang chika mula sa kanilang mg kaibigan.
Hanggang sa umalis na nga lamang si dawn matapos na iabot sa kaniya ang regalo nito. Balak pa nga sana nitong bumeso kanina, subalit humarang si resia at pinuwesto si alicia sa kaniyang likuran. Ngumiti rin siya rito na parang sinasabing subukan niyang halikan si alicia, baka masapak niya.
At ngayon, nag iinom naman sila at tuwang- tuwa sila na magkakaroon na ng pamangkin na babae. Ngunit, bukod tangi lamang na ang iniinom ni alicia ay isang juice na apple flavor.
Maya maya ay may nilapag si alicia na pagkain sa table sabay ngumiti sya sa mga kaibigan lalo na kay resia.
"Ano yan?"tanong ni phoebe sa kaniya habang nakakunot noo. Pare- pareho na kasi silang may mga tama ng alak.
"Pagkain! Masarap yan!" Alicia. Sabay wiggle niya ng kanyang kilay dito.
"Ano nga yan?" Pag uulit na tanong ni phoebe. Ngunit, si lorraine naman ay hindi na sila pinansin at kumuha na lamang ng pagkain na nilapag ni alicia at kumain ito.
"Tortang seaweed." Saad ni alicia at nag giggles pa.
Tila gustong masuka ni lorraine ngunit agad na tumayo si alicia at tinakpan ang bibig ni lorraine upang malunok niya ang kinain niya.
"Huy! HAHAHAHA yung girlfriend ko!" Saad ni phoebe habang tinatawanan si lorraine na namumula. Napilitan nitong ilunok ang tortang seaweed.
"Yan! Masiba ka sa pagkain ha!" pang aasar ni resia habang nilalagyan ng alak ang bawat baso nila. Nakaka pang tatlong bote na sila ng wine.
Thanks to daddy jose, marami silang alak na pwedeng inumin.
"Ano ba naman yan, alicia dear. Maraming masarap na food ngayon pero yan ang gusto mo." Hindi maipinta ang mukha ni lorraine habang kinakausap si alicia. Hindi niya gusto ang pagkain na kinain niya.
"Heyy, masarap yan! That's ogonori seaweed!" Defend niya sa trip niyang kainin ngayon.
Hindi na bago kay resia ang mga ganitong pagkain ni alicia. Minsan na nga rin siyang pinakain nito ng crab soup. Ang akala niya it is a normal crab soup. Hindi niya alam, alicia suggested to their maids na mag blender ng luto na crab meat at may nilagang okra. After that, niluto ulit yon ni alicia at nilagyan ng mga iba pang ingredients para maging soup.
That time, tila gusto niyang isumpa ang fiancee niya. Mangiyak-ngiyak siya habang inuubos ang isang bowl na crab meat ala alicia. Pero may magagawa ba siya? Wala naman.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.