GENERAL
Pabalik balik si alicia sa living area ng bahay nila ni mommy amelia. Kanina pa siya hindi mapakali dahil wala man lang message sa kanya si resia. May usapan sila ngayong gabi, na pagkauwi ni resia from senate hearing ay ime-meet nila ang client na bibili ng dati nilang bahay and then they will go on their date.
"anak, calm down." saad sa kaniya ni mommy amelia noong makita syang pabalik balik at halos nakasimangot na siya.
"wala pa si theresiannie, mommy. 8 pm na po kasi and she called me earlier na 5 pm mag oout na sya sa work nya." frustrated niyang sagot sa kaniyang ina.
Kanina pa siya nababalisa at napapraning dito. Kung ano-ano na nga ang pumapasok sa isip niya.
"Baka naman na-traffic lang anak papunta dito. Alam mong malayo ang binabaybay ni resia palagi bago pa makarating dito, nak. Kalma muna." Pagkukumbinsi ng kaniyang ina habang hinahaplos ang kaniyang likuran.
Suddenly, her phone rings. She immediately picked it up and saw an unfamiliar number.
Napatingin siya sa mommy nya and she answered it.
"Hello?" Bungad niya sa call habang nagsisimula nang tumahip ang puso niya sa kaba.
"Hello, Alicianna. Do you remember my voice?" Sinabayan nito ng tawa na lalong nakapag pantig ng kanyang tenga.
"Imarri! What did you do to my fiancee?!" Sigaw niya dito at tuluyan siyang napatayo. Naalarma naman ang kaniyang ina kaya tumayo rin ito upang alalayan sya.
Paano nakalaya sa kulungan ang babaeng yon? Sa pagkaka alam niya ay nakakulong ito dahil sa patong-patong na kaso.
"Relax, Alicianna. Relax because she's still alive." Narinig na naman nito ang mapang uyam nitong tawa. Hanggang sa may kumuha ng phone mula kay imarri at iba na ngayon ang kausap niya.
"Chill, alicianna. We'll just give her some lessons, masyadong mapag magaling sa senado itong girlfriend mo."
Fuck it. Hindi niya gusto ang nangyayari ngayon. Pakiramdam niya umiikot ang paningin niya dahil sa stress na nararanasan niya. Hindi pwede to.
Kausap niya ngayon ang isang senator na totoong protector ng POGO.
Si shernon.
"Please, don't hurt her. Magkano ba ang kailan nyo? I'll give it right away. Huwag nyo lang saktan si theresiannie." Pakiusap niya rito habang nagsisimulang magpatakan ang kaniyang mga luha.
Narinig niya mula sa kabilang linya ang isang daing na boses. Kilala niya kung kaninong boses iyon, kay resia. Nagpatuloy ang pag agos ng kaniyang luha habang humihikbi.
"Please! Wag nyo siyang saktan! All I can do is to offer you my money! Magkano ba ang kailangan nyo?!" Galit niyang sigaw dito. Wala na siyang pasensya. Hanggang ngayon pala, magkakasabwat pa rin sila.
Hindi na siya magtataka na ang nagpatakas kay Imarri ay ang dalawang senador na sinibak sa pwesto.
"Php. 500 Million." Shernon.
Napatingin sya sa mommy nya. Pinunasan nya ang kaniyang luha at nagpakawala ng hangin. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya, gusto lang niya, makitang humihinga at safe si resia.
"Just send me the location, I'll bring the money." Sabi niya at aga na kumuha siya ng cheque.
"I'm reminding you, Alicianna. Hindi mo kailangan magdala ng mga pulis dahil kumg hindi, papasabugin ko ang ulo ng senator na to." Pagbabanta ni shernon sa kaniya.
Agad naman siyang tumango kahit na hindi niya ito nakikita. Nagsisimula na naman siyang humikbi at paulit ulit na sumasagot ng "oo" dito.
"Kailangang nasa akin na ang pera sa loob ng tatlong oras." Dagdag pa nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.