Chapter 17

220 14 5
                                    

ALICIANNA'S POV

Nagpaplano na ako sa pagtakbo ko bilang mayor. Nag file na rin ako ng COC ko at alam kong ganoon din si theresiannie. Opening na rin ng restaurant ko at inimbitahan ko rin sina theresiannie pati ang friends nila. Di ko sure si daddy jose kung makaka attend sa opening ng resturant. Nandoon din of course si Matthew. We also invite some of our kababayans para naman mas masaya.

Nandito ako ngayon sa supermarket. Inutusan ako ni mommy na pumunta dito para bumili ng groceries. Gusto niya isama ko si yaya, humindi na ako. Lagi na lang siya ang kasama ko sa bahay baka maubos na ang pasensya ko. But masaya naman sya kasama, minsan somosobra nga lang sya.

"Alicia!" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko.

Si Shamara!

"Shamara! Hiii!" Bati ko sa kanya at agad niya akong niyakap. She's my friend, nag stay na kasi sya sa Germany at ngayon nakauwi na pala siya ng Pinas. Mula kasi teenager kami naging magkaibigan na kaming dalawa pero kinailangan niyang umalis sa bansa dahil doon na sya pinag aral ng daddy nya na si tito Rodrigo.

"How are you?" tanong niya sa akin at nakitulak ng cart ko.

"Ah, I'm good naman. Eto, tatakbong mayor sana manalo kasi matatapos na ang term ni mommy." Saad ko naman sa kaniya.

Ngumiti sya sa akin at inakbayan ako, "naku, ikaw pa ba friend. Mananalo ka niyan! I missed you!"

"I missed you too! Opening ng resturant ko mamaya, pumunta ka ha? We should exchange numbers or social media na lang then I'll send the address." Sabi ko na ikinatango naman niya.

Sinamahan nya ako mag grocery dahil mag gogrocery rin pala sya. Mukhang dito muna sya upang magbakasyon.

Nasa kalagitnaan na kami ng pamimili pero may naka bunggo sa akin na babae. Naka all white syang damit. Mula blazer pati na rin ang pants niya at ang suot niyang heels. Saan ba ito pupunta? Makikipag libing?

"My gosh." Usal niya kaya napatingin ako. Inalis niya ang kaniyang shades at tumingin siya sa akin.

Sya nga itong naka bunggo sa akin?

Bat tila nanlilisik ang mata niya?

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?"

"Sino ba kasing magshe-shades dito sa loob ng mall, hindi naman mapanindigan." Sabi ko sa sarili ko bago ko ilagay sa cart yung mga pinamili ko.

"What did you say?" Pansin kong salubong na ang kilay niya pero mahinahon pa rin ang pagkakasabi niya.

"Maganda sana suot, bungol nga lang." Bulong ko sa sarili ko ulit dahil ayoko na makipag away. Baka masira pa ang imahe ko at hindi pa ako manalo.

Mabait naman ako eh. Pumipitik lang ang kamalditahan ko sa mga taong di deserve pakitaan ng kamalditahan.

"Daan na po kayo." Saad ko na lang at iniiwas ko yung cart sa kaniya. Kung hindi lang talaga ako tatakbong mayor, tinarayan ko to.

Umalis na yung babae na akala mo naman nasugatan ko sya. Eh mas maganda pa ko sa kaniya. Sayang sya.

"Oh bakit nakamungot ka? Iniwan kitang nakangiti a." Sabi ni shamara habang nilalagay sa cart ko ang mga kinuha niyang items na binilin kong isabay niyang kunin.

"Wala naman, may babaeng dumaan. Sinira yung araw ko. Kung kilala ko sya baka sinira ko rin araw-araw ang buhay nya." Saad ko kaya natawa si shamara sakin. Akala niya yata nag jojoke ako, eh hindi naman.

Sabay na kaming tumungo ni shamara sa cashier. Aattend daw sya mamaya sa opening. Hindi na rin kami masyadong nakapag kwentuhan dahil kailangan ko ng makauwi. Pag uwi ko sa bahay, nandoon si mommy at nagpatulong na sa ibang kasambahay na buhatin ang mga pinamili ko.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon