Chapter 61

195 18 8
                                    

GENERAL

Alas otso na ng gabi at nasa tapat ng isang bahay si resia, nasa loob pa rin siya ng kaniyang sasakyan. Habang pinag mamasdan niya ang kasama niyang tulog na tulog na nasa passenger seat.

Marahan niyang hinawi ang buhok nito at pinag masdan ang mukha ni alicia.

Kanina pa siya dito ngunit hindi niya magawang gisingin si alicia. Bukod pa doon, nag eenjoy rin naman siyang pagmasdan ito kahit tulog.

Tanaw pa rin niya ang kagandahan nito kahit madilim na. Maliwanag din naman kasi ang buwan.

Maya maya pa ay nagising na rin si alicia at agad itong umayos ng upo. She also fixed her hair at tumingin kay resia.

"Sorry, I fell asleep. Nandito na pala tayo sa bahay." Saad niya at inayos ang kaniyang sarili.

"Himbing ng tulog mo eh. Nag enjoy ka ba?" tanong ni resia kay alicia habang nakatitig siya dito, ang isa naman ay nag aalis ng seatbelt habang tumatango.

"Yes, sobra. Salamat." Tanging nasaad ni alicia habang inaayos ang sarili dahil bababa na siya ng sasakyan.

Flashback

"Hatid na kita" Resia. Nakatitig siya kay alicia habang papalapit siya dito.

Ilang lakas loob kaya ang inipon nito?

"Huwag na, maissue pa tayong dalawa na nagkabalikan na tayo." Alicia.

Aray. Tinanggihan.

"Ayaw mo ba nun?" Saad ni resia habang nakatitig pa rin.

Namiss niyang pagmasdan ang mukha nito.

"Para kang siopao, asadong asado." Alicia.

Pighati.

"Dali na. Tska late na rin baka gutom ka na, kawawa baby mo" saad ni resia sa kaniya at tipid na ngumiti.

Ramdam na rin naman ni alicia ang gutom niya dahil hindi siya nakapag snacks kanina. Nakakahiya naman kasi kung ang gusto niyang kainin during senate hearing ay buttered seafoods.

"Halika na," Resia. Naramdaman naman niya ang kamay ni resia ay nakahawak sa wrist nya pero marahan niyang binawi ang kanyang kamay.

Napatingin sa kaniya si resia na naka kunot noo, tila nagtatanong kung bakit.

"Sasama ako pero bawal mo ko hawakan. Gutom na kami ng anak ko." Saad niya at umirap pa kay resia at tumungo sa sasakyan nito.

Naghalo naman ang kaba at excitement ni resia dahil sa sinabi nito.

"Bakit bawal kitang hawakan?"

"Nandidiri ka diba?" Saad ni alicia habang pinag mamasdan siya. Napatahimik naman siya, tila umurong ang kaniyang dila.

Nagsimula na siyang mag drive, habang si alicia naman ay binuksan ang bintana.

"Hindi lalamig itong loob ng sasakyan, ali. Close the window."

"Ayaw ko."

"Ali, close the window." Resia.

Tinignan siya ni alicia at kaunti na lang tila siya ang mapapalabas sa sarili niyang sasakyan.

"Masusuka ako sa byahe e! Tska ikaw ang nag offer na isama ako dito diba? Edi sundin mo ang gusto ko!" Singhal ni alicia sa kaniya kaya naman napatahimik siya.

She just turned off the aircon and let alicia feel the fresh air.

Nag ga-glance lang naman si resia sa katabi niya dahil hindi siya nito pinapansin pero halata naman na naka ngiti ito habang nakatanaw sa labas.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon