THERESIANNIE's POV
Bored na bored na ako sa pinapanuod namin ngayon. Habang sya, natutuwa sa panunuod ng Larva. Puro ba naman kasi kalokohan yung cartoons na yun. Basta yung dalawang caterpillar na yellow at red.
"HAHAHAHAHAHA! Love! Tignan mo! Umutot yung yellow caterpillar, sapul sa red na caterpillar eh. Hilo sya eh!" Ali. Hinahaplos nya yung bump nya habang tumatawa sya.
Mas natatawa ako sa reaction nya kaysa sa pinapanuod nya or hindi ko lang masabayan trip nya ngayon dahil masakit puson ko?
Punyeta. Magkakaroon pa yata ako.
Maya maya tumingin sya sa akin, "are you okay?" Hinawakan nya ako sa kamay. Tinap nya yung laptop para ma pause yung pinapanuod nya.
"I am okay, amore ko. Watch ka na ulit." Sagot ko sa kanya bago ko ngitian.
"Eh parang hindi ka naman okay eh. What happened ba?" Sabi niya pa at sumiksik pa. She kissed me on my right cheek. Her another way to comfort me.
"Masakit puson ko." Pag amin ko sa kanya bago ko yumakap. Kanina pa talagng umaga, pero hindi ko sinasabi kasi nga nagtotopak na naman sya.
Anak, love na love ka ni mama, pero sana mabawasan pagtotopak ng mommy mo.
"Love, you know what I have an idea para di na sumakit puson mo" sabi niya sa akin tapos sincere pa ang ngiti nya.
Ay. Grabe namang pagmamahal nya sa akin. Kaya love na love ko to eh.
"Ano?"
"Mag pa inject ka na ng embryo para nine months kang walang period." Sagot nya sa akin bago ngumiti ulit.
"Huyyyy!" Bawal ko sa kanya pero sya ang lakas ng tawa sa akin.
Hindi ko rin talaga alam ang takbo ng utak nito, madalas talagang hindi. Matagal na kami niyan ha, pero minsan hindi ko talaga mahulaan.
"At least same tayong preggy! I am three months pregnant na—— dibaaa, three months gap lang if ever." Ali. Napailing na lamang ako habang nakatitig sa kanya. Nasabay na rin akong tumawa.
"Para namang ganoon kadali ang process noon." Sagot ko.
"Madali lang naman talaga, you just need to ready your body for the process."Ali
Maya maya ay napakunot noo ako. May narealize lang ako.
"May embryo ka pa na naka freeze?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa kanya. Nilaro nya yung daliri ko sa kamay habang marahan syang tumatango.
"Yes. Meron pang isang embryo doon." Tapos humagikgik sya.
Katulad noong sinabi ng doctor namin before, mas healthy talaga ang egg cell ni ali. They also checked mine, at pwede rin naman ako. And of course, we also planned that before ni ali na after her pregnancy—— ako naman. Nsgbabalak din kasi kami na mag pa freeze ng embryo na galing sa akin yung egg cell.
"So marami pala tayong babies talaga if ever?" Sabi ko na ikinatango niya naman.
"Marami. Kaya kailangan mo mag work nang mag work kung plano mo ako laging preggy!" Sinapok nya na lang bigla yung pisngi ko, hindi malakas pero masakit.
"Aray!"
Grabeng mood swings yan!
"Hala mahal, sorry!" Then she kissed me again sa sinampal nyang pisngi ko. "Love, I want quail egg. Gusto ko ikaw gagawa ng kwek-kwek pero iba iba kulay"
"HA?"
Tinignan nya ako habang nakakunot noo siya. "Kwek-kwek na may different colors. I want yellow, green, pink and blue colors"