ALICIANNA's POV
Katatapos ko lang mag asikaso ng aking sarili. Kanina pa ako nakauwi dahil hinatid ako ni resia, habang si mommy nandoon pa rin sa appointments nya ngayong araw.
7 pm na rin naman at di na ako nakapag dinner. Grabe naman kasi mag serve ng food kanina sa medical mission. Isa pa itong si resia, ang daming nilagay na food sa plato tapos sa akin pala lahat ipapa ubos.
Akala nya susuyuin ko sya? Manigas sya. Siya ang nanuyo sakin kanina no.
But I'm just testing her kung kaya nya ba tiisin ang ugali ko. Bigla bigla kasi pumasok sa buhay ko e, don't worry kumatok naman muna sya bago ko pinasok.
Nasa isang hotel ako noon at nasa balcony ako mismo ng kwarto ko. Habang sumisimsim ako ng kape, tinatanaw ko ang mga taong naliligo sa swimming pool sa ibaba. At sa harap ng building kung saan ako naka stay ay may katapat rin na building. Maganda ang pagkaka tayo ng mga buildings dahil naka paikot yun.
It was her. She's wearing a white cardigan. Nakaladlad din ang buhok nya and she's wearing a glasses. Tinatanaw nya rin ang mga nagsuswimming. We're both on the same floor, 5th floor.
Luminaw yata ang mata ko noong nakakita ng maganda. Siya. Siya ang tinutukoy kong maganda.
I wasn't aware na matagal na pala akong nakatitig sa kanya. Hindi naman din nya alam dahil hindi nya naman pansin. Malayo ang pagitan namin.
Parang noong mga oras na yun, gusto kong pumunta kung nasaan sya para itanong lang ang pangalan nya. Tinablan din naman ako ng hiya and baka magulat sya na may stranger na nakaharap na sa kanya.
Then the next morning, nandoon sya sa may swimming pool so bumaba rin ako pero di pa rin ako lumapit. I heard her laughs that time. Parang okay na ako that time na nakikita ko lang sya and hindi na tinanong ang pangalan nya.
Pagkatapos noon, hindi ko na sya ulit nakita pa. But during rainy days, I'm so shocked na nagkita kami ulit. Pero inis na inis ako noon. Unang pag uusap namin, bardagulan agad.
Edi sana pala kung alam ko lang na ulan at baha ang magiging dahilan para pag tagpuin kami, matagal ko nang hiniling na sana bumaha.
Pero mukhang umayon sakin ang universe, hays. Matagal ko rin naman na hiniling na makita sya ulit. Pero di ko akalain na ngayon ay nanliligaw na sya sa akin.
Before ako mahiga ay kinuha ko muna ang phone ko at nag message sa kanya. I message her good night.
Marahil, kinikilig na naman ang babaeng baliko na 'to.
Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay and then inasikaso ko yung mga chicken and piggies. I visited our farm. After that, bumalik ako sa bahay at nag asikaso at umalis ulit. I used one of my cars. I'm planning to surprise her. She message me na kasama nya daw sina Lorraine at Lorelei sa isang bar. Aba ang bruha, di man lang nagpaalam sakin na mag babar pala.
Sabagay, hindi pa naman kami. Pero kahit na! Nag desisyon sya na sya lang may alam?
I bought bouquet for her. I'm hoping that tonight will be memorable.
Gusto kong sabihin sa sarili ko na bakit ako bibili nito e ako ang babae, and then I realized babae din pala ang nanliligaw sa akin.
She sent me the address kanina kaya madali kong natukoy kung nasaan sila. Pero grabe lang. Bago pa ako makababa ng sasakyan dito sa parking lot, may babaeng naka lingkis agad sa kanya.
Panahon na ba ng mga ahas ngayon?
Bumaba ako ng sasakyan at naglakad ako palapit sa kanila. Pansin yata ni Resia na masama ang awra ng mukha ko pero namutla yata ang gaga.
"Tuluyan mong ililingkis yang braso mo o puputulin ko?" saad ko at agad naman napalingon yung babae sa akin.
"Girlfriend mo?" tanong noong babae kay resia pero hindi ito agad nakasagot.
"Oo!" Irita kong sagot sa kanya at hinila ko si resia.
"Harot na harot te?" Pagtataray ko sa kanya bago ko hilahin ulit si resia palayo.
"Amore mio," pagtawag nya sa akin pero hindi ko sya pinansin.
"Whuy mahal"
"Nasaan sina lorraine?" seryoso kong tanong sa kanya at tinuro nya yung bar, "nasa loob"
"Iwan mo yung susi ng sasakyan mo sa kanila. Sa akin ka sasabay.'" Nagmamatigas kong sabi. Mukhang wala pang balak na sumunod kaya tinaasan ko sya ng kilay.
Kumaripas naman sya ng takbo papasok ng bar at maya maya pa ay bumabalik na.
GENERAL
Habang nag dadrive naman si Alicia ay mahigpit ang kapit ni Resia. Mukhang natawag na yata niya lahat ng santo na pwedeng tawagin. Pakiramdam niya humiwalay na rin ang kanyang kaluluwa.
Ang bilis naman kasi ng pag da-drive nito. Kasali ka ba sa minute to win it te?
"Love naman!" Reklamo niya dito pero hindi pa rin sya nito pinapansin. Bukod sa natatakot na sya sa pagdadrive nito, natatakot rin sya baka katapusan na nya.
Katapusan sa panliligaw.
" ppst, amore mio." tawag ni resia at hinawakan sa kamay ni alicia.
"Hindi mo inalis yung pagkakahawak ng babae sayo kanina, nag enjoy ka?"
"Hindi. Pilit nga niyang binabalik yung pagkakahawak nya sa akin. Ilang beses ko sya sinabihan."
"Noong tinanong ka kung girlfriend mo ko, hindi ka nakasagot. What if wag na lang kita sagutin?" Tila namutla na naman si resia sa sinabi nito sa kanya.
"Amore naman eh...teka, sabi mo kanina girlfriend na kita. Girlfriend mo na ko?" Bumalik ang ngisi ni resia sa kanya.
Hininto niya ang sasakyan sa tabi ng isang daan. Tanaw nila ang city lights na nasa malayo. And it was therapeutic. Naka dagdag pa sa kagandahan ng gabi ang kaliwanagan ng buwan.
The wind blows and touched their skin. Malamig, pero masarap sa pakiramdam.
Kinuha naman ni alicia ang bouquet na nasa backseat. Imbis na ibigay mya ito kay resia nang maayos ay inihampas nya muna ito nang may kainahaan sa braso ng babae at lumabas sya. Sumandal sya sa hood ng sasakyan niya.
"Amore mio, I'm sorry. Nandoon lang ako sa labas kasi I'm waiting for you."
"Surprise nga pero bakit mo ko hinintay?"
"Instict ko lang. Bakit ba."
"Ulol. You send me the exact address kaya nagka idea ka na pupuntahan kita."
Imbis na ssgutin yun ni resia ay lumapit sya dito at dinapin ang magkabila niyang braso sa hood ng sasakyan. She cornered alicia.
" so girlfriend na kita?" resia
"Sinabi mo kanina sa babae." Dagdag pa ni resia
"Sinabi ko ba? Parang wala naman"
"Amore naman eh." She whined like a kid.
"Sinabi ko nga. Pero hindi sa ganoong paraan kita gusto sagutin. Nasira na yung mood ko, sa susunod na araw na lang kita sasagutin. Pwede ba yun?" Nag crossed arms sya dito at kaunti na lang ang pagitan ng mga mukha nila.
"Ali, I love you so much." Resia.
But resia is too stunned to speak. Napatulala sya sa ginawa sa kanya ni alicia. She pulled her closer and gave her a kiss on her lips.
"Wo ai ni, j et'aime, I love you and mahal kita, Theresiannie. Subukan mong lumandi at humarot malaya ka na."
"Hindi po lalandi, kumander." Resia.
"Good." Alicia. Before resia could answer, naramdaman na naman niya ang labi ni alicia.
Katapusan na nga niya manligaw, dahil sila na.
Mababakuran na nang tuluyan.
Mayroon ng karapatan.
A/N:
Hay. Masyadong sweet.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.