Chapter 84

69 6 0
                                    

THERESIANNIE's POV

Habang sumisimsim ako ng kape, hindi ko mapigilan na hindi mapailing at mahinang matawa habang nakatitig ako kay ali.

Nandito ako sa kwarto nya ngayon habang nag aasikaso ako ng mga papeles na nasa ibabaw ng table, habang siya heto natutulog sa bed nya at ng isang paa nya naka dantay sa hita ko.

Hindi ko akalain na magpopropose sya pero ako pa rin pala ang gagawa noon for her. Napa chuckle ako ulit habang naiisip ko ang pangyayari kanina.

Engaged na kaming dalawa.

Unexpectedly, nakapag propose ako sa kaniya even I'm not ready. Mabuti na lamang, madali ako nakapag compose ng message for her. Even I'm confused on what is happening sa paligid ko.

Grabe yung emotions na naramdaman ko mula kanina, para akong sumakay sa roller coaster. Ang bilis lang kasi ng pangyayari. Nasa senate hearing lang ako habang nag ooverthink and the next thing was they broke my car and kidnapped me. Akala ko katapusan ko na. Tapos malalaman ko na sya ang nag utos sa mga lalaking yun para kidnappin at takutin ako?

Alam ko naman na may pagka siraulo itong fiancee ko pero bakit parang sinalo naman niya lahat?

Then lastly, nakita ko na lamang ang sarili ko na nakikipag talo at nagpropose sa kaniya.

But seriously, I wanted to reject her way of proposal sana.. sana ha..

Pero hindi ko naman kaya na makita syang umiyak at malungkot dahil doon. Naiinis na rin kasi ako kahapon at hindi ko gusto ang idea niya.

And I realized na may pagkakamali na nga ako sa kanya noong una, napaiyak ko na nga sya at nasaktan ko na, dadagdagan ko pa ba yun?

I don't want to see her cry because of me. Hangga't kaya kong iwasan ngayon, ginagawa ko. And I changed, siguro naman mas maayos na version na resia na ang kaharap nya ngayon?

So ayun, imbis na mag no ako at i-reject ko ang proposal nya, sinabayan ko na rin siya. Kasi alam kong sa simpleng pagpayag ko ay mapapasaya ko siya.

Actually, I found it cute. Kaya kanina pa ako natatawa rin. Sya lang yata ang nakaisip na ganoon ang gawin sa engagement proposal.

Even the ring. Mabuti na lang, maayos ang pagkaka putol ng copper at halatang pinulido ang pagkakabilog nito. Hanggang ngayon, suot nga niya at hindi niya inaalis sa daliri niya.

On the other hand, I appreciate my ali on what she did. Alam kong hindi siya mapag express ng kasweetan nya at very rare lang, pero kapag ginawa naman nya, it's all worth it- yung paghihintay ko nasusulit.

Ibang iba sa pakiramdam kapag sya ang naglalambing.

Marahil, ang ibang tao hindi aakalain na sweet si ali sa akin. Because they just see her being a dragon, but when she's with me, when were alone, napaka clingy nya. Ako lang ang nakakakita ng soft side nya at pagiging sweet at malambing nya.

At alam kong ang love language nya ay ang mang asar at bwisitin ako palagi. She's ali eh.

Isa pa, kahit na engaged naman na kami... gusto ko na mag propose pa rin ako sa kanya. Hindi pa naman ngayon, but I am planning.

Wala naman siguro mawawala kung magpropose na rin ako, diba? Naunahan lang ako ni ali ko.

"Love," napatingin ako ulit sa kaniya na nagkukusot siya ng kaniyang mga mata. Alam ko na to. Alam ko susunod na sasabihin nito.

"Yes, amore ko?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin na sya sa akin at naka ayos na rin siya ng upo. Alam ko kung saan mag aaya ito ngayon.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon