GENERAL
Alicia woke up beside resia. Napahimbing ang tulog niya dahil sa simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. They enjoyed last night, she enjoyed last night. Of course, it's her memorable birthday.
She finally said yes.
She wants to marry her. Her resia.
Imagine, she'll just celebrate her birthday with her kababayans. Gusto niya lang makitang masaya ang mga kababayan niya dahil sa mga binigay nya, pero mas sya pala ang sasaya.
Noong umaga, nagbibiruan lang sila tungkol sa kasal. Wala nga siyang idea na bago pala matapos ang gabing yun, ay aalukin na siya ng kasal ni resia.
Napatingin siya kay resia na mahimbing pa rin na natutulog, her arms are around her waists. Mahigpit ang yakap nito na akala mo ay mawawala sya.
Tinignan nya ang kaniyang daliri na may engagement ring.
She rubs it gently.
Before, she's asking herself kung kailan kaya siya ikakasal. Kanino kaya siya ikakasal?
Kailan kaya sya makakaranas na may magsusuot sa kaniya ng singsing?
Marami na rin siyang naikasal simula noong siya na ang naging mayor. Ilang beses na nga siyang kinikilig kapag nasa part na ng magki-kiss na ang magiging mag asawa.
Binibiro nga siya ng mga staffs niya, kung makapag advice daw siya na pwede mag away pero bawal mag hiwalay e parang personal experience niya. Napapailing na lang siya kapag naririnig niya yun habang sinasabayan niya ng tawa.
Napapatanong siya na ako kaya kailan makakaranas niyan?
Patuloy lamang siya sa pag haplos ng singsing habang malalim pa rin ang kaniyang iniisip. Napapangiti na lamang siya dahil doon.
Nandito lang pala sa tabi niya ang tutupad ng pangarap niya.
"Do you love it?" Napatingin sya kay resia na kagigising lamang. Napukaw nito ang atensyon niya at nabalik siya sa kaniyang ulirat.
She loves her antok voice, medyo hoarse kasi yon.
"Super love it, mahal ko. I still can't believe this, theresiannie. You're my answered prayer." Napa pout naman sya bago niya yakapin si resia. Napapaluha na lamang siya dahil sa saya kapag nababalikan niya ang proposal nito kagabi lamang.
She heard her laughing softly while brushing her hair using her fingers.
"Thank you for saying yes, ali ko." Saad ni resia habang mataman na nakatitig kay alicia na nag gigilid ang kaniyang luha.
"Mula noong maging tayo, wala naman akong ibang gusto kundi magkatuluyan tayo. Kaya walang pang aalinlangan kitang sasagutin ng oo. Gusto ko kapag maglalakad ako sa aisle ng simbahan, ikaw ang kasama ko o kaya ang naghihintay sa akin sa dulo. Thank you love for asking mommy." Hindi na niya naiwasan ulit ang mapaluha bago niya idampi ang labi niya sa labi ni resia.
"Anything for you, ali ko. I'll do it kung mas makakabuti sa'yo o sa ating dalawa. I love you so much, my fiancee." Nakangiting saad ni resia sa kaniya habang hinahaplos ang pisngi ni alicia. Bahagya niyang pinupunasan ang mga luha nito na nagpatakan.
Kinulong ni resia sa mga bisig niya si alicia at pinaulanan ito ng halik sa buhok at sa noo.
"Ngayon ko lang napag tagni tagni, mahal. Kasabwat mo pala sina lorraine at lorelei ha? So talagang tiniis mo rin na huwag magkwento sakin no?" Natatawa niyang saad dito na ikinatango naman ni resia.
"Katulad yang ring mo, before pumunta si lorraine sa batangas nakabili na kami niyan. Yun din yung day na nakasalubong mo si lorelei sa parking ng senado noong nakipag break ka." Saad ni resia habang natatawa.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
Hayran KurguA couple who experienced rough patches in their relationship.