Chapter 13

76 7 4
                                    

THERESIANNIE's POV

"Naka ready na gamit mo?" tanong ko kay ali habang nag aayos ako ng sarili ko. Ihahatid ko sya ngayon sa lugar kung saan may tree planting, pinapapunta sya ni tita amelia.

"yes po, love." sagot niya sa akin at nag spray sya ng perfume nya. Aayain ko sana sya na umalis ngayon pero may gagawin pala sya.

"Eh paano ka mamaya pauwi?" tanong ko habang pinag mamasdan ko sya.

"Baka sumabay na lang ako kay mommy mamaya. Ikaw busy ka ba ngayon?"

"Medyo lang. Pupunta ako sa senate today." I said to her na ikinatango naman nya. Hirap rin pala na tumakbo sa politika, pero kung para aa bansa naman then why not.

"Wala kang balak tumakbo bilang mayor?" tanong ko sa kanya at ngumiti sya sa akin.

"Pinag iisipan ko pa, malapit na rin kasi ang election eh. Tska gusto na rin naman yun ni mommy. Nakikita ko naman na nag eenjoy sya sa ginagawa nya. Siguro magagawa ko rin yun if tatakbo ako bilang mayor, but not sure kung higit pa sa serbisyo nya ang magagawa ko."paliwanag niya sa akin na ikinatango ko naman.

"Bagay ba?" tanong niya habang naka suot sya ng white pants at naka tshirt lamang sya na kulay pink at naka shoes.

"Yes bagay na bagay. Kahit anong isuot, bagay sayo. What if kapag wala ka ng suot?" Biro ko na agad nya akong sinamaan ng tingin.

"Joke lang! Hahahaha!" Hinalikan ko sya sa pisngi. Matapos ang ilang minuto pa na pag hihintay sa kanya, finally natapos din.

Hinatid ko sya sa isang baranggay at nandoon din ang iba nilang mga kasama.

"Mahal nila ang mommy mo no? Look at their warm smile when they see your mom." I said to her habang hawak ko ang kanyang kamay. Hindi pa rin kami bumababa ng sasakyan.

"Sana ganyan din sila sakin kapag ako naman ang naupo sa pwesto."

"Of course they will love you! Kilala ka na nila, lagi ka pang kasama sa volunteers." Pagpapalakas ko ng loob niya.

"Aww, thank you love." Humalik sya sa pisngi ko bago niya kunin ang kaniyang mga gamit.

"I'll be going na, I saw mommy na eh." sabi niya sa akin at ngumiti.

"Okay, amore mio. Take care. I love you."

"I love you too. Mag ingat ka mag drive ha? Kundi ipapa hunting kita sa mga enforcers dyan"

"Coming from you na bumangga ang sasakyan noong nakaraan?" Balik ganti ko sa kanya.

"Balwarte ko to, umayos ka Ana Theresiannie." Banta niya sakin at pinakita pa nya ang naka kimis niyang kamao. Tinawanan ko na lamang sya. Kahit kailan talaga.

"Yes po kumander. I'll be going na. Mag ingat ka, amore ko." I said to her at nag flying kiss naman sya sa akin.

Umalis na rin ako at nag drive papunta sa aking agenda today.

Lumipas ang maghapon at nag hihintay ako ng update ni ali pero wala syang update. Mukhang napaka busy nya ngayong araw. Sana kumain yun at hindi masyado nagpagod, kung hindi talaga——bubuntot ako sa kanya kahit saan sya magpunta. Makulit eh.

GENERAL

Sa bahay naman nina resia ay nandoon ang kanyang ama at tila may malalim na iniisip. Umiinom din ito ng alak habang nakatitig sa isang picture frame na hawak niya.

"I'm sorry hon." Lumiligid na ang mga luha niya habang kausap niya ang picture ng kanyang namayapang asawa.

"I'm sorry if I've never been a faithful husband to you." Jose.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon