Chapter 52

169 14 5
                                    

GENERAL

Nakarating na sa tapat ng hospital si lorraine at kasama niya si resia. Pero hindi pa rin ito nagigising.

"Resia dear," tawag niya dito habang tinatapik niya.

Isang tapik.

Pangalawang tapik.

Pangatlong tapik.

Pang apat—–— Sampal na ang binigay niya dito.

"Bakit mo ko sinampal?!" Singhal ni resia sa kaniya habang hawak nito ang pisngi na sinampal ni lorraine.

Mukhang pakiramdam nya lumapat talaga ang kamay nito sa pisngi niya.

"Tanga, kanina pa tayo dito. Hindi ka makuha sa tapik ha. Puntahan mo na asawa mo." Saad ni lorraine at nauna pa siyang lumabas ng kaniyang sasakyan. Kaya naman nang bubuksan na ni resia ang pinto ay hindi na ito makalabas. Nag locked kasi ito.

"Ay sorry sorry." Saad ni lorraine at sinusian ang pinto ng car niya.

Pumunta na sila sa front desk at tinanong kung nasaan ang kwarto ni alicia. Dali dali naman siyang tumungo sa kwarto nito at nakita niya ang asawa na nakahiga at natutulog.

"Iwan muna ba kita dito?" tanong ni lorraine kay resia habang nasa likuran ito.

Tumango naman si resia at nagpasalamat sa kaibigan. Umalis naman si lorraine bago isara nito ang pinto ng room ni alicia.

Nilapitan ni resia ang asawa at hinaplos ito sa noo, maya maya pa ay nagising si alicia.

"Love," tawag nito sa kaniya at inabot ang kaniyang kamay.

"What happened?" tanong niya at umupo sa isang upuan sa tabi ng bed ni alicia.

Napa kagat labi naman si alicia at nag buntong hininga.

"Na food poison ako sa munisipyo. I thought pwede pa yung carbonara na naiwan ko kagabi doon sa table ko. So kinain ko kanina kasi natakam ako eh. Tska gutom na rin ako."

"Katangahan mo." Bulalas niya.

Paktay. Si alicia nga pala ang kausap niya at di ang mga kaibigan niya.

"Anong sabi mo?!" Nakataas ang kilay nitong sagot ni alicia sa kaniya. Naging dragon na naman sya.

"Sabi ko bakit naman kinain mo yung carbonara eh kagabi pa pala yon? Sabihan mo lang ako love, ipagluluto kita o kaya ni yaya dormi lalo na kung nagcecrave ka." Saad ni resia. Tiklop na naman sya.

"Hindi ko kasi alam yung lasa ng panis kapag sa carbonara. Magkasing lasa naman eh." Alicia.

Grabeng panlasa naman yan.

"Jusko, Ali. Ipagluluto na lamang kita. Okay na ba pakiramdam mo?" Tanong niya sa asawa at hinaplos ang noo nito. Tumango naman si alicia hanggang sa mapakunot noo ito.

"Anong nangyari sa pisngi mo? Bakit may bakat ng daliri?" Kunot noong tanong ni alicia sa kaniya habang chinecheck ang pisngi ni resia.

"Sinampal ako ni lorraine kanina, hindi daw kasi ako magising. Hinimatay kasi ako noong sabihin mo na muntik kang makunan." Saad ni resia habang seryosong nakatingin kay alicia.

Tawang tawa naman si alicia dahil totoo pala ang sinabi ni lorraine na hinimatay ito. Isa pa niyang kinakatawa ay sinampal ito ni lorraine upang magising.

Syempre, sina lorraine at lorelei lang ang pinapayagan niyang sampalin ang asawa niya. Pero kung iba ang mananakit kay resia, baka mapatay nya.

"Sige, tumawa ka pa nang tumawa. Akala mo nakakatuwa yon?" Resia.

"Oo, nakakatuwa talaga. HAHAHAHA uyy concern sya." Pino- poke pa niya ang leeg at kili-kili ni resia dahil inaasar niya ito.

"Malamang! Asawa kita eh." Umiirap na saad nito sa kanya.

"Prank pa lang yun. Paano kaya kung pregnant na talaga ako?" Alicia.

"Baka ako pa ang apulain kaysa sayo. Pero buntis ka ba talaga?" Paninigurado ni resia sa kaniya.

Malay ba niya kung may kalokohan na naman ang asawa. Pero hindi pa sila napupunta sa states upang ipa inject ang kanilang embryo.

"Malamang hindi pa. Gusto mo kumuha ka mismo ngayon ng syringe at ako na mag inject ng embryo." Pangbabara ni alicia sa kaniya.

Kinausap naman siya ng doctor at pinag iingat rin siya sa mga kakainin niya. Nag sabi din ito na kung pwede sa ngayon ay mga bagong luto ang ihahain sa mesa lalo na kung si alicia ang kakain. Sensitive pa rin kasi ang tyan nito.

Si lorraine ang naghatid sa kanila pauwi sa bahay nila. Natatawa na lang silang mag asawa dahil palaging si lorraine ang natatapatan ng kalokohan ni alicia.

Kahit hatinggabi na ay pinagluto ni resia ang asawa ng carbonara. Nag offer nga si yaya rodormina na siya na lamang ang mag luto pero sabi ni resia sya na lamang dahil maghapon rin naman nagtatrabaho sa bahay nila si yaya. At isa pa, balak niyang pag lutuan talaga ang asawa. Palagi na lang kasi si alicia ang nagluluto para sa kaniya.

Nasa kanila na si yaya rodormina magmula noong ikasal sila.

Umiyak nga ito noong kasal nilang dalawa. May asawa na daw kasi ang alaga niyang si alicia, at isa pa botong boto daw sya kay resia noon pa man. Nagpapasalamat nga sya at si resia talaga ang nakatuluyan nito.

Kung hindi lang daw si resia ang makakatuluyan ni alicia, baka nag resign sya sa trabaho niya bilang yaya ni alicia.

"SI OA" iyon na lamang ang naisagot ni alicia sa kanya matapos niyang marinig ang saad ni yaya rodormina.

"Ali ko, want mo na ba mag puntang states para i-inject yung embryo sayo?" Tanong ni resia habang sinasabayan na kumain ang asawa.

"Pwede naman na love, but marami pang projects akong naka lapag ngayong taon. Pero mukhang kakayanin ko naman. Excited ka na no?" Nakangiti niyang tugon kay resia.

"Of course yes. Para may aalagaan ako pag uwi ko from senate."

"Aww mama resia ka na soon." Naka pout na saad ni alicia sa kaniya at muling kumain.

Sa kabilang banda naman, may dalang flowers si matthew. Nasa harap siya ng isang pinto at kinakabahan na kumatok.

He travelled from Philippines to Switzerland just to see Imarri.

Bumukas naman ang pinto at nakita niya si imarri. Nginitian niya ito bago niya iabot ang flowers na hawak niya.

"Hi, Matthew!" Bati nito sa kaniya at nag beso silang dalawa. She opened the door widely and invited him to come inside.

Inasikaso naman niya sa matthew at pinaupo ito sa living area niya. Pinag timpla nya rin ito ng juice.

"So you're invited to their wedding pala ha?" Saad ni imarri na tila may bakas na selos sa salita nito.

Tumawa naman si matthew at ngumisi ito sa kaniya.

"Nagseselos ka ba?"

"Hindi!" Umirap pa ito sa kaniya pero halata naman na nagseselos ito. Tumitig sa kaniya si matthew at ngumiti ito.

"Hindi mo naman kailangan magselos. Halatang gustong gusto mo ko ha?" Pang aasar nito sa kaniya kaya hinagisan niya ito ng unan na lalong ikinatawa ni matthew.

They started dating simula noong makita sila ni lorraine sa bar.

"So why are you here?" Nakahalukipkip nitong tanong. Halata naman na ang sagot pero gudto niya lang marinig ito mula sa bibig ni matthew.

"Isn't obvious? Ikaw lang naman ang pinuntahan ko dito. I want to visit my imarri." Saad ni matthew at mataman na tinignan si imarri.

"Tamang tama na nagpunta ka dito. Hintayin mo ko, we're going outside, at may dapat din tayong pag usapan." Tumayo na si imarri at paakyat na sana sya sa hagdan nang muling magsalita si matthew.

"Pag uusapan?"

"About us." Saad ni imarri at tumungo na sa kaniyang kwarto upang magbihis at magpalit ng damit. Pagkatapos noon ay muli siyang bumaba upang puntahan si matthew at inaya na itong lumabas.






La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon