ALICIANNA'S POV
Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa pag iisip ng naging sangkot daw ako sa POGO. Anong kinalaman ko doon? Pagiging mayor nga lang at pagiging entrepreneur, nahihirapan na akong pag sabayin. Lalo pa na buntis ako ngayon.
Naninibago ako sa pagkilos ko. Pakiramdam ko ang tamad kong tao, then ngayon ko nararamdaman yung morning sickness, mas malala siya ngayon kaysa noong una. Sumasakit yung ulo ko madalas pati na rin ang pagsuka ko.
"Sisisihin ko talaga mama resia mo kapag pareho tayo nahirapan dito, anak." Saad ko habang hinahaplos ko ang tyan ko.
"Ay, hindi mo na pala mama yun." Pagbawi ko kaagad.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko dahil may kumakatok. Maya maya ay bumukas yon at si mommy pala. May hawak siyang envelope habang papalapit siya sa akin.
"Anak, para sayo daw." Saad ni mommy kaya agad naman akong umayos ng upo at sumandal ako sa bed ko.
Inabot ko ang envelope at binuklat ko yon.
May tila bumara sa lalamunan ko dahil sa nabasa ko.
I never knew na darating ako sa punto na ganito.
"Tama ba ito mommy?" tanong ko sa mommy ko habang nakatitig sa kaniya. Nagsimula nang magpatakan ang mga luha ko habang pinag mamasdan ko ang hawak kong papel.
"If it is the only way para magkaroon ka ng peace of mind anak, kung sa tingin mo para makawala ka na sa sakit na nararanasan mo." Mommy Amelia.
Today, I just received the divorce papers.
Pinahid ng mommy ko ang luha ko at hinawakan ako sa kamay.
"Anak, control your emotion...may binubuhay kang bata na nasa sinapupunan mo." Mommy.
"She promised me mommy, hindi ako iiyak sa kaniya. Pero bakit ganito?" Nagsunod sunod ang pang singhap ko hanggang sa maramdaman ko na rin ang pag hilam ko sa sarili kong mga luha.
Mahigpit akong niyakap ni mommy at hinaplos niya ang likuran ko hanggang sa mapakalma niya ako.
Nag asikaso na ako. And then nag message na ako sa kanya.
After that, pumunta na ako sa car ko upang puntahan siya sa bahay niya.
Hindi na ako bumalik pa sa bahay naming dalawa.
Ano pang gagawin ko doon? Para maalala ang mga masasaya naming ala-ala na di na mababalik pa?
THERESIANNIE'S POV
Katatapos lamang ng zoom meeting namin nina senator Shernon, lorraine and lorelei. May bagong kaso na naman na ihahain sa senado. Kung hindi ba naman corrupt ang ibang nakaupo, edi sana hindi na mga opisyales ang tinatanong tungkol sa senado.
Nagpapahinga ako nang makatanggap ako ng message mula kay ali.
Resia. She never called me that before. It's always my second name Theresiannie.Tsk.
It's weird because I am not used to it. And she looks so serious.
"Ma'am Resia, nandyan po si ma'am Alicia sa living area." Napatingin ako sa isa sa mga helpers namin dito at tinanguan ko na lamang sya matapos ko magpasalamat.
Bumaba ako mula sa aking kwarto at nakita ko siyang naka upo at naka halukipkip.
"Ali," pagtawag ko sa kaniya. Our eyes met.
I think my mouth went dry. Hindi ako makapag salita ngayong nasa harap ko siya.
"We need to talk privately." Saad niya at tumayo siya bago niya ako hilahin papunta sa kwarto ko.
Ngayon ko lang ulit nadama ang mga palad niya. Nagpatianod na lamang ako hanggang sa makarating kami sa aking kwarto.
"What? Is it about your involvement in POGO?"I asked her while staring her eyes.
"No, Resia. It is about us." Ali. Binitiwan niya ang kamay ko at binuklat niya ang brown envelope and then she handled me those papers.
Divorce papers to be exact.
Fuck it.
I feel a pang of pain in my chest.
"Are you serious about it?" I asked. I almost whispered those words.
"Yes. I am serious about it. I begged you twice, theresiannie. But you kept on pushing me away. And I'm crying every night because of you. How could you do this to me?" Ali.
I heard her voice cracked. Kasabay din noon ang pagbagsak ng kaniyang mga luha.
"You promised me, theresiannie. Hindi ako iiyak sa'yo. Pero bakit nararanasan ko to ngayon sayo? Bakit hindi ka maniwala sa akin? Ikaw lang ang naging kakampi ko sa lahat, ikaw ang nagparanas sa akin na may kasangga ako at may malalapitan ako kapag may problema ako. Pero bakit ikaw pa ang unang kakalabanin ako?"
Ni wala akong mahagilap na salita para sagutin siya.
Unti unti na rin bumibigat ang mga mata ko.
GENERAL
Patuloy na magkaharap ang mag asawa, ngunit pareho na silang luhaan at nasasaktan.
"Ang sarap mong mahalin, theresiannie. Pero ganoon ka rin pala kasakit na mahalin. Ang hirap hirap eh! Pasensya na, pero pagod na ako, theresiannie. Patawad kung madali akong napagod sayo." Saad ni alicia sa kaniya habang nakatitig ito.
Halos paos na ang kaniyang boses habang nagsasalita siya.
"I'm always chasing you, theresiannie. Mula noong pinaka una kitang nakita, patago akong tumatanaw, masilayan lamang kita. And I'm blessed dahil yung taong pinangarap ko, napakasalan ko. But I never saw it coming that we will end like this." Napa upo na siya sa kama habang patuloy ang kaniyang pag hagulgol.
Nilapitan siya ni resia upang aluhin ito ngunit sinalubong lamang niya ito ng hampas sa braso at sa katawan.
"Please, palayain mo na ako. Hayaan mo na ako sa buhay ko, theresiannie. Ang sakit mong mahalin eh. Hindi ako yung alicia na palaging umiiyak bawat gabi. Hindi ako to! I want to be free from you, I want myself back...tama na yung pag hahabol ko sayo. Ayoko nang mag beg, theresiannie." Alicia.
At nang manghina siya mula sa paghahampas niya kay theresiannie ay napahawak siyang mahigpit sa braso nito at humagulgol pa lalo ng iyak.
"Sa tingin mo ba ikaw lang nakakaramdam ng sakit at lungkot? I feel the same way, Ali. Nasaktan din ako! Paano ako maniniwala na walang nangyari? Ganoon ba ako kadaling sukuan?" Resia asked her habang marahan niyang pinapalayo sa kaniya ang asawa.
Alicia wiped her tears ngunit patuloy lamang nag uunahan na bumagsak ang mga butil ng kaniyang luha.
"Ako ba theresiannie, ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin para isipin na lolokohin kita at ipagpapalit sa kanya? Hindi kita papakasalan kung kaya kitang lokohin!"
Ganito ba talaga ang pag ibig?
Na sa huli, pareho ninyong kukwenstyunin ang isa't isa?
"Ayaw mo na ba talaga?" Tanong ni resia habang pinag mamasdan ang asawa.
"Ikaw ang nagbigay ng dahilan para umayaw bilang asawa mo." Alicia.
Kinuha ulit ni resia ang divorce papers na nasa kama at pinag masdan yun.
"If it will make you happy, then I'll sign it. I'm sorry if I failed to be your wife. I'm sorry if I can't fulfill my promises, Ali. Kung pag aadyain man tayo ulit ng tadhana, sana pwede pa. And if it happened, I'll be the better version of me so I can deserve you." Saad ni resia habang nakatitig kay alicia.
"Don't make promises, theresiannie. I am tired of your drama. Wala na rin akong inaasahan pa sayo kundi yung pirma mo."Alicia.
"I'm letting you go, Ali." Then resia signed the divorce papers.
Muling nagtagpo ang kanilang mga mata hanggang sa maluha si resia.
Then now, they're are questioning themselves again.
Kaya ko ba na wala ka?
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.