GENERAL
Nasa bar ang magkakaibigan na sina resia, lorraine at lorelei. Kasama nila si phoebe, ang girlfriend ni lorraine. They just want to unwind dahil sunod sunod na cases na ang hinahawakan nila.
"Hoy resia, hindi tubig yang nilalagok mo ha? Alak yan." Saad ni lorelei habang nakatitig sa kaibigan.
But they know that she has a problem. Si alicia.
Wala yatang gabi na hindi kaharap ni resia ang alak. Isa pa, pinapagod nito ang kaniyang sarili sa kaniyang trabaho. Gusto niyang uuwi na lamang siya ng kanilang bahay para matulog. It became her routine.
Hindi pa kasi nila ulit nakikita si alicia at five months na ang nakakalipas. Hindi nila alam kung nasaan ito. Patong patong na kaso na rin kasi ang nakahain dito.
Magmula noong nawala ito sa pagiging mayor ay wala na syang nalaman tungkol dito. Maging si mommy amelia ay hindi na rin niya nakakausap. She tried to visit their house but no one was there.
"Tangina. Gusto ko na makita si ali." Binaba niya ang hawak niyang alak at umayos ng upo.
She's longing. Gusto na niyang makita ang babaeng mahal niya hanggang ngayon.
Wala namang ibang mahal, sya naman palagi.
"Eh hindi nga nagpapakita e, wala naman may alam kung nasaan siya."sabi ni lorraine habang naka akbay sa girlfriend niyang si phoebe.
"I feel sad for alicia, she doesn't deserve this. Don't worry, I'll try to help you guys." Sabi naman ni phoebe at inabot ang kamay ni lorraine upang paglaruan ang mga daliri nito.
Napa sigh na lang si resia. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa buhay ng dating asawa.
"Uuwi na ako." Tila nawalang gana na saad ni resia at tumayo na.
"Huy! Hindi pa tayo tapos uminom e" lorraine. Ngunit tinapik na lang siya ni lorelei sign na hayaan na muna si resia.
Lumabas siya ng bar at sumakay sa kaniyang sasakyan. Nag drive lamang sya kahit hindi niya alam kung saan siya patutungo.
Habang nasa daan siya, may nakita siyang isang sasakyan na naka hinto at may babaeng naka upo sa hood nito. Nakatitig ito sa kalangitan.
She knows who's that woman. Kilalang kilala niya ang pigura na yon kahit na nasa malayo pa siya.
Kaya naman bumaba siya ng kaniyang sasakyan at marahan niyang nilapitan ang babaeng iyon.
She's wearing her simple white dress.
Nakaladlad pa rin ang kaniyang buhok. But it is not lengthy like before. Hanggang balikat na lamang ang buhok nito. And it suits her too.
"Ali?" Tawag niya sa pangalan nito. She glanced at her and heard her gasped.
Yes. It was her Ali.
Her heart is beating so fast, after five months she saw her again. Hindi niya alam kung ano ba ang tanong na kaniyang uunahin.
"What are you doing here?" Resia. Iyon ang unang lumabas sa bibig niya.
"Ikaw, why are you here?" Balik tanong ni alicia sa kaniya. Ngumiti siya dito at mas lumapit pa siya.
Tanging tunog ng mga kuliglig ang naririnig nila. It was a peaceful night. Habang ang saksi na naman sa kanilang dalawa ay ang buwan na nagbibigay ng liwanag sa kanilang gabi.
"Because I know that it was you. How are you? Bakit ka nawala?" Mahinahon niyang tanong dito habang hindi niya inaalis ang tingin niya kay alicia.
Baka mawala ka na naman, hindi na ako papayag.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.