GENERAL
Kanina pa nag memessage si resia kay alicia ngunit hindi sya nakakatanggap ng message mula dito. Pakiramdam niya, masama ang loob nito sa kaniya.
Masama rin ang pakiramdam niya dahil sa nangyari kahapon habang sila ay nasa ulan. Masama na nga ang pakiramdam, masakit rin ang kanilang kalooban.
Nag asikaso na sya at lumabas ng kaniyang kwarto. Nakita niya ang ama na nasa salas.
"anak," tawag nito sa kaniya pero tinignan lamang niya ito na tila pagod na pagod sya. Ni ayaw niya pakinggan kung ano man ang sasabihin nito.
"aalis ako." yun lang ang sinabi niya dito at lumabas na ng kanilang bahay.
Napabuntong hininga na lamang sya at tinungo ang kaniyang sasakyan.
Flashback
Kababalik lamang niya galing sa meeting pero agad siyang sinalubong ng kaniyang ama. Halos ala una pa lamang ng tanghali pero nandito na agad sa bahay ang ama niya. Kaya pala wala ito sa meeting ng business nila.
"What's this?" tanong niya habang binubuklat ang papel na iniabot sa kaniya ng ama.
"DNA result? Kaninong DNA to?" tanong niya sa ama. Kinakabahan man sya ay ruluyan pa rin niyang binasa ito.
"DNA mo at ni alicia? Po..positive?" Hindi niya alam kung anong irereact niya sa kaniyang ama. Nag hahalo halo ang emotions niya.
"Kapatid ko si Ali? How? Why?" Sunod sunod niyang tanong sa ama habang pinipigilan ang luha niyang pumatak.
"Two years after marriage namin ng mommy mo, nakilala ko si amelia. Sa kaniya ako bumili ng lupa upang pagtayuan ng pang business natin. Doon nagsimula anak, nagkaroon kami ng relasyon. Palagi ko syang pinupuntahan. Palagi akong umaalis na hindi ko sinasabi sa mommy mo. Alam kong mali, pero mahal ko sya anak. Not until nalaman yun ng mommy mo...sinabi niya sa akin na kung ipagpapatuloy ko ang pagkikita naming dalawa ni amelia ay ilalayo ka niya sa akin. And I chose you anak. Hindi ko alam na may anak akong naiwan sa kaniya." Paliwanag ng daddy jose niya sa kaniya.
Tuluyan nang pumatak ang kaniyang luha.
"Bakit naman sa lahat yung girlfriend ko pa. Daddy, minsan na lang ako magmahal e. I want her to be my wife! Hindi ko kayang tanggapin na kapatid ko si Ali!" Umaalingawngaw sa buong kabahayan ang boses niya. Ngayon lamang siya sumigaw nang ganito.
"But this is the truth, resia! You need to accept the truth!" Daddy jose.
"Accept the truth? Nasasabi mo lang yan dahil hindi ikaw ang nasasaktan!" Sigaw niya sa kaniyang ama.
"Kailan pa kayo nagpa DNA test?! Bakit ginawa mo to daddy?!"
"Kanina. I paid a big amount para makuha ko agad yung result" Daddy Jose.
"Pati kasiyahan namin ni ali, pinagkakait mo pa. Kahit anong sabihin mo dad, I won't accept it. She's still my girlfriend. I can be a sinner for her." Nilukot niya ang resulta ng DNA test bago niya yun itapon sa basurahan.
Lingid sa kaniyang kaalaman, pinulot iyon ng kaniyang ama.
Tumungo siya sa bar at inaya si lorraine.
"Hello, lorraine? I'll send the address, puntahan mo ko dito." Then pinutol na niya ang tawag.
Iba't ibang klase ng alak ang inorder niya at sunod sunod niya iyon nilagok. Wala pa man si lorraine ay marami na syang naiinom.
End of Flashback
Nakita na lamang niya ang sarili na nasa bahay siya nina alicia. Bumaba na sya ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.