GENERAL
Inalagaan ng araw na yun ni resia si alicia. Sinamahan niya itong kumain at inasikaso rin na paliguan. Inaliw nila ang isa't isa katulad ng kwentuhan habang nagtatawanan.
Hindi pa rin kinakausap ni alicia ang kaniyang ina. Masama ang loob niya dito dahil nag sinungaling ito sa kaniya.
Ngayon, pupunta siya sa bahay nina resia. Sa bahay ng kaniyang ama. Sinundo siya nito sa bahay nila.
Hindi pa kasi siya bumabalik sa pag tulong sa kanilang mga kababayan dahil katatapos lamang niya magkasakit at isa pa dahil sa pinagdadaanan niya.
Gusto na lang niya maduwal at masuka kapag naiisip niyang iisa ang ama nila ni resia.
"Ate," pang aasar niya dito habang pinopoke niya sa pisngi. Sinamaan naman sya ng tingin ng kasintahan kaya natatawa sya dito.
"Joke lang. I love you po, theresiannie ko." saad ni alicia at lumapit pa kay resia upang halikan ito sa pisngi.
"Magpapa kuha ulit tayo ng DNA test." Saad ni resia at halata sa boses nito na seryoso siya.
"Hindi naman siguro dadayain ni daddy mo ang result ng DNA?" saad ni alicia sa kaniya.
"I don't know, amore ko. Baka mayroon pang gumawa na kasabwat dyan. Mukhang matatanggap naman ni daddy ang resulta kung hindi ka talaga niya anak diba? Magiging anak ka lang niya kapag kasal na tayong dalawa." Banat pa ni resia kaya nahampas syang mahina ni alicia.
"So kumusta kayo ni daddy jose?" tanong ni alicia at tinitigan sya.
"We had a small fight, nasigawan ko sya noong nakita ko ang result noong DNA test. Hindi pa rin kami nakakapag usap nang maayos." Pagkukwento ni resia sa kaniya.
"kami din ni mommy, hindi ko siya kayang harapin nang matagal. Kaya matapos yung gabing yun, hindi ko na kinausap. " Saad ni alicia habang marahan pinupunasan ang kaniyang luha.
Flashback
Padabog na binuksan ni alicia ang pinto ng kanilang bahay. Hinagis din niya ang kaniyang bag at tumama iyon sa center table ng bahay nila at nabasag. Mugto pa rin ang kaniyang mga mata mula sa pag iyak sa ilalim ng ulan habang magkausap sila ni resia.
Dali dali naman na lumapit sa kaniya ang kaniyang ina, napansin na basang basa sya ng ulan.
"Alicia, anak!" Pag aawat nito pero matalim ang tingin niya sa kaniyang ina.
"You fooled me, mom! Sino ang totoo kong ama?! The DNA result stated that my father was Resia's dad!" Nag tangis ang kaniyang panga habang pinipigilan niyang sumigaw.
Tahimik rin na pumapatak ang kaniyang mga luha.
"He's not your father, Alicia!"
"Saan nagsimula yung pagkikita nyo ng daddy ni resia? Sa pag benta mo ng lupa? Lupa ang binebenta mo noon, bakit sinama mo ang sarili mo?" Isang sampal ang natanggap niya mula sa ina, halatang nagulat din ang ina niya sa pagsampal sa kaniya ngunit hindi siya nag reklamo. Akmang lalapitan siya nito ngunit umiwas sya.
Pinigilan niya ang kaniyang pagluha habang nakatingin sa kaniyang ina.
"Saan mo nalaman yan?"
"Theresiannie told me. Magsisinungaling ba ang DNA test?" Sunod sunod ang pag tahip ng kaniyang dibdib habang nakikipag usap sya sa ina.
"Mommy, theresiannie is my everything. Mahal na mahal ko siya mommy, kapag nawala pa siya sa'kin, hinayaan nyo na lang din ako na mawalan ng karapatang maging masaya. Kasalanan nyo itong dalawa ni daddy jose! We just wanted to be happy, mahirap bang ibigay saming dalawa yon?" Patuloy na saad ni alicia sa kaniyang ina, tuluyan nang bumuhos ang kaniyang mga luha. Tila hindi niya kaya na mawala nang tuluyan sa kaniya si resia bilang kasintahan nya.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.