Chapter 26

71 5 6
                                    

GENERAL

Nag chichill lang ang magkakaibigan habang nanunuod ng movie at nagkukwentuhan. Nakailang luto na rin sila ng popcorn and fries. Pinagluto rin sila ni alicia ng steak kahit na may benda ito sa kamay. Naisipan na rin kasi nilang mag wine.

Ginamot na nilang tatlo kanina ang kamay nito na puro dugo. Gusto na nga ipadala ni resia ang kasintahan sa hospital pero nagpumilit ito na huwag na lang. Nag aalala sya dito na baka may maiwang bubog sa palad nito.

Pero hindi pa rin sya nanalo kay alicia.

"Masakit pa?" Tanong ni resia sa kasintahan. Sinamaan na tuloy syang tingin nito. Pang ilang ulit na nya kasi iyon na tanong kay alicia at paulit ulit lang ang sagot nito na hindi naman masakit.

"Ang kapal talaga ng mukha noong ex fiancee mo," saad ni lorraine habang kumakain ng popcorn. Nakataas pa ang paa sa upuan. Feel at home.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit mo nagustuhan yon?" Tanong ni lorelei sa kaniya.

"Ewan ko rin kung bakit. Bulag nga yata talaga ang pag ibig." Natatawa na lang niyang saad habang umiinom ng wine.

Tumingin naman sa kaniya si alicia at matalim ang tingin nito, "pinakulam ka nya gaga."

Tumawa na lamang si lorraine dahil nagsisimula na naman si alicia.

"Nako, ilayo nyo yung alak kay ali, baka mamaya shenglot na naman to." Saad ni resia habang hawak ang bote ng alak.

"Ay hindi ako iinom ngayon, behave ako ngayon e. Sayang nga umalis ex mo dahil pupuruhan ko sana yon ng panglalait." Saad ni alicia habang nagsasalin ng wine sa glass niya. Mukhang hindi pa ito nakaka move on mula sa kaganapan kanina.

"Behave pero sumisimple?" Lorelei. Tinutukoy nito ang alak na nasa glass ni alicia.

"Hindi ako yung nagsasalita kanina na behave ako today, isang katauhan ko yon." Alicia. Muntik na lamang masamid si resia dahil sa pinag sasabi ng kasintahan nya.

"hindi pa ba kayo uuwi? Mag lalandian na kami ni alicia mga daot kayo ng taon." Saad ni resia habang nakaturo ang daliri sa mga kaibigan.

"Kayo nga nag invite samin dito." Lorelei. Sabagay, tama nga naman.

"Ako kaya ko pumunta kasi alam ko bukod sa may pagkain ay may chismis." Lorraine. Napakamot na lamang sa ulo si alicia at natawa.

"May ikukwento naman talaga si resia sa inyo. Alam nyo ba kung ano yon? Syempre hindi diba. Uyyyyy, curious silaaa~" alicia. Inabot nito ang kamay ni resia at pinaglaruan nya ang mga daliri nito.

And then resia told what happened. Kinwento niya yung tungkol sa kanila ni alicia na lumabas sa resulta na anak ni jose si alicia kaya kapatid niya ito. Sabay naman ang mga reaction nina lorelei at lorraine. Sunod sunod din ang pag tatanong ng mga ito sa kanila.

"Kaya ate ko talaga to eh." Sabi ni alicia. Tinignan naman sya ng masama ni resia. Ayaw nya kasing biruin ng ganon.

"Joke lang eh." Nakapout na saad ni alicia bago halikan sa buhok si resia.

"Feeling ko talaga may chance na hindi kayo magkapatid ni alicia." Lorelei. Napabuntong hininga naman si alicia dahil doon.

"Sana nga. Kase si resia tinatawag na akong Ms. Honall. Hahahaha hindi naman akalain na magiging Honall pala ako kung kapatid ko sya talaga." Naiiling na saad ni alicia habang may halong tawa.

Akala nila, ijujudge sila ng dalawa pero hindi. Wala silang narinig na kahit ano sa mga iyon. Tunay nga silang kaibigan. Pinakinggan lang sila ng mga ito. Malawak din talaga ang pang unawa nina lorraine at lorelei.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon