GENERAL
Nagkausap naman si Alicia at si Resia kahit na magkaiba ang oras nila. Alicia is using a roaming number para naman kahit malayo sa kasintahan ay nakakapag message pa rin sila sa isa't isa.
While talking to her girlfriend, kumakain naman sya ng watermelon na binili niya kanina sa market. Magkasama sila ni mommy Amelia na bumili ng stocks nilang pagkain.Halatang miss na miss na sya ng kasintahan at ganoon rin naman siya, pero sa ngayon nag eenjoy na muna siyang magpasyal. Hindi niya tuloy maiwasan na huwag asarin ito.
She's also watching some random video of Resia while waiting for her replies. Natatawa na lang siya dito dahil for her she's such a cutie! Ang ganda ganda pa talaga niya!
Sa kabilang dako naman, pagkalapag ng phone ni Resia ay agad naman siyang sumimsim ng kape. Nasa sariling kwarto siya. Iniuwi na nga niya ang ibang papeles. Maraming papel pa rin ang nakatambak sa table niya at binabasa niya itong mabuti kung may butas at lapses pa ba. Mahirap na, baka maisahan pa sila nina Shernon at ni Roven.
"Uh, I miss Ali na." Saad niya at tinignan niya si Cash na nasa kama niya. Iniwan ito ni Alicia sa kaniya dahil may karapatan din naman siya dito.
"Ikaw, narinig mo lang pangalan ni mommy Ali naging attentive ka na agad ha. Sleep na, Cash baby." Sabi niya at ngumiti sa aso.
She became busy on the senate hearing and attending an event in Cebu. She was also invited to be a guest speaker in a well known university here in the Philippines. Hindi na nga niya namalayan na nakalipas na pala ang ibang araw.
"Kailan uwi ni Alicia? I miss her" sabi ni Lorraine sa kaniya at nakisimsim sa kaniyang tea. Nasa pantry sila ngayon ng senate at doon nila naisipan na tumambay muna.
"Anong araw na ba?" Tanong niya sa mga ito.
"Sunday." Sagot ni Lorelei habang nakangiti.
It means that, pauwi na rin si Alicia.
Monday. Nag message si Alicia sa kaniya na sunduin sila nito sa airport. Tuwang tuwa naman siya dahil naka uwi na ang kaniyang kasintahan. She missed her so much.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.