THERESIANNIE's POV
Kanina ko pa pinagmamasdan si ali. But still no progress. Hindi pa rin sya nagigising. Simula kagabi pagkatapos nya ilipat sa room nya from emergency room, nakabantay na ako.
Our parents brought us some food, even our friends pero wala akong ganang kumain. Mas gusto ko pang makitang gising si ali, I'm sure I'll be okay.
"Ali," tawag ko sa kanya at marahan kong hinaplos ang kamay nya.
"Hindi ka bagay dyan sa higaan na yan. Maging dragon ka na lang ulit kaysa nakikita kitang nagsu-suffer na naman." I kissed her palm and placed it on my cheek.
"Thank you so much, Ali." I said.
"Thank you for always saving me. I don't want you to suffer and sacrifice yourself again, but you're here now. Ginawa mo na naman para sa akin. Pag gising mo, babawi ako sayo." I told her and kissed her tummy.
Natatakot ako ikiss sya sa cheek nya, may benda pa rin siya sa noo.
Uulitin ko na lang yung thank you message ko sa kanya kapag gising na siya.
Nahihirapan pa rin ako kumilos, pero mas pinili ko na laging nandito sa kwarto ni ali.
Laging bumibisita yung doctor dito, laging chinecheck si ali. Kinukumusta rin naman nila ako. But I'm saying that I'm okay. Mas nag aalala pa nga ako sa asawa ko kaysa sa akin, mabilis lang to gumaling.
Pinaubaya ko na sa mga pulis at sa iba pang mga senator ang pangyayari kagabi. Sila na ang bahala sa kaso nina shernon at roven. Maging si imarri na pinalaya nila, ayun nakakulong na ulit.
Punyeta talaga nila, hindi ko nga sinasaktan to tapos babarilin nila? Putangina.
Hindi ko mapigilan na mapamura sa isip ko sa tuwing nakikita ko kung paano tutukan ng baril ni roven si ali. Ngising ngisi pa ang gagong gusto lagi ay nasa kama. Punyeta sya.
Palaging maraming media sa labas ng hospital at wala akong balak na magpa interview. Mas iintindihin ko ang buhay ni ali kaysa sa kanila.
I spent my day staring at my fiancee's face. Natatakot ako na baka pag gising niya, hindi na niya ako kilala.
"Gising ka na, amore ko. Wala na ako maasar dito. Ikaw eh, tinuruan mo ko mang asar." I chuckled softly before ko sya yakaping marahan.
"Ibibili pa kita ulit ng cravings mo. Kakain na tayo ulit tuwing midnight. Bangon na, wala akong buddy sa pagkain." I said and smiled.
Again, I kissed her tummy.
At iyon lang din ang abot ko dahil naka upo ako sa chair near her bed.
Mag sscroll na lang sana ako sa socmed pero mukhang ma-stress ako lalo. Kami ba naman ang laman ng news.
Tinignan ko ang copper ring na nasakin at bahagya kong hinalikan yon.
I can't explain my feelings right now. Grabeng pagmamahal na kasi ang binibigay ni ali sa akin. Higit pa sa naipaparamdam ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay nya at bahagya ko ulit yon nirub bago ko isuot sa kanya ang copper ring.
"Kapag gumising ka, papakasalan na kita." I said to her.
Sana effective.
Mag gagabi na, pero hindi pa rin siya nagigising. Inaantok na ako, pero ayaw kong matulog. Gusto ko sa pag gising nya, ako ang una niyang makita.
Hindi ako nagmalay na nakayuko ako sa bed at nakatulog.
Nakaramdam na lang ako nang may tumatapik sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.