THERESIANNIE's POV
I can't sleep and it's 1 am na. So bumaba ako sa dining upang mag timpla ng milk. Dinala ko yung glass pabalik sa aming kwarto. Pero napapahinto pa rin ako sa isang particular wall sa aming bahay.
It always caught my attention.
Lagi kong nakikita ang sarili ko na nakangiti kapag pinagmamasdan ko ang isang larawan na nakasabit doon.
Our wedding photo.
I can't believe until now that she's my Mrs. Honall.
Parang dati lang, nag away lang kami sa gitna ng ulan.
Flashback
Nagpatuloy ako sa pagdadrive kahit na lumalakas na naman ang ulan. Lumalabo na rin ang windshield ng aking sasakyan. Hanggang sa may narinig akong malakas na hampas sa hood ng aking sasakyan. Gago?!
Ano ba naman to!
"What the?!" Hindi ko mapigilan ang mapasigaw at tuluyan ko nang inihinto ang sasakyan ko. Pero kahit ganoon, hindi ko binaba ang window ko. May nakita akong babaeng nakatayo sa labas at basang-basa dahil sa ulan.
She has long black shiny hair, and she's tall too. Her eyes, napaka chinita naman kahit nakasalamin sya. Sa aking palagay, mas singkit to kapag walang salamin.
Cute.
Ano?!
And she's beautiful.
Wait. What?
But honetly, she's beautiful even without makeup. Kaya lang may putik yung damit niya. Ano ba naman itong taong to.
Natutuwa ako na pag masdan siya, hindi naman niya kita yung reaction ko dahil tinted ang window. Medyo napapangisi na nga ako dahil naka busangot na sya. Cute talaga. May dragon palang ganito kaganda?
Napatawa ako sa isipin kong iyon.
Naputol ang pag iisip ko nang hampasin na naman niya ang hood ng sasakyan ko.
Ano ba naman to!
"Shit naman oh!" Hindi ko mapigilan na hindi mapikon sa kanya kahit na cute sya!
Binaba ko kaagad ang bintana ng car ko at pinagmasdan ko ang chinitang babae na nakatayo at nakapamewang pa. Bwisit na bwisit sa akin ang tingin nya na yun.
"What do you need? Kanina mo pa hinahampas ang sasakyan ko!" Saad ko sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang irita sa boses ko.
"Ikaw, anong problema mo? Hindi mo man lang ba ako nakita na inaayos ang sasakyan ko? Ang bilis mo mag drive ha!" Aba. Ang sungit naman ng babaeng to! Maganda sana, pero totoong nabuhay yata ang dragon sa kaniyang katawan!
"Eh hindi naman talaga kita nakita. Masyadong malakas ang ulan, nanlalabo ang windshield o" Sagot ko sa kaniya habang tinuturo ko ang windshield ng sasakyan ko. Hanggang kailan ba kami magsasagutan ng babaeng to?
"Hindi ka man lang ba magsosorry dahil kasalanan mo naman?" Nag crossed arms pa siya sa akin.
Sinalo ba lahat nito ang katarayan at kasungitan?
"why would I?" Hindi ko mapigilan na hindi asarin ito sa pamamagitan ng aking pag sagot. Natatawa na ako sa isip ko dahil sa itsura niya. Pikon na pikon.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.