ALICIANNA
Halos kararating lang namin dito sa states and dinala muna ako ni theresiannie dito sa isang beach hotel. Mag relax muna daw kami before kami bukas magpakuha ng egg cells and humanap ng sperm donor.
Narerelax ako dito sa kung saan kami nag check in. Sunset. It tells that some endings can be beautiful too.
After ilang months, ikakasal na kaming dalawa and after that may baby na kami.
"Aliiii," napatingin ako kay resia na nakatitig pala sa akin.
Bigla na lang ako umiyak at niyakap ko siya. Pansin kong nag woworry sya, halata sa mukha nya.
"Hala, why?" tanong niya sa akin habang nakatitig at pinupunasan ang luha ko.
Umiiling ako habang nakatingin sa kaniya. Napa pout na lang ako bago ko umayos ng upo.
"I'm just happy, mas nafefeel ko kasi ngayon na magiging mag asawa na tayo, mahal. Nag aasikaso tayo ng wedding then ngayon mag aasikaso tayo ng para sa magiging baby nating dalawa."
Iba pala sa pakiramdam kapag yung makakatuluyan mo ay yung taong gusto at mahal mo. Katulad ng sinabi ko dati, sya naman talaga gusto ko. Napukaw niya yung attention ko noong nakita ko siya sa isang hotel.
"Aww, I love you. Pinag alala mo naman ako e, bigla kang umiyak dyan. But I understand amore mio, alam kong nag hahalo yung kaba at excitement mo. Kinakabahan din ako kasi bukod sa inaasikaso natin for surrogation, may trauma pa ako dahil sa ginawa ni imarri before our wedding."
Hinawakan ko siya sa kamay after niya sabihin yon. Nakita ko sa mata niya yung takot na baka iwan ko siya at takbuhan ko like what she did.
I rub her hand using my thumb.
"I will not do that, love. Hindi kita tatakbuhan sa araw ng kasal nating dalawa. Walang pag aalinlangan akong nag yes sayo noong wedding proposal mo, kaya wala rin akong pag aalinlangan na sasagutin kita ng I do. I will not break my promise, theresiannie. Hindi mo mararanasan sa akin ang naranasan mo sa kaniya." Saad ko sa kanya before giving her a peck of kiss.
Hindi ko hahayaan na masaktan siya ngayong ako ang makakasama niya pang habang buhay. Marami nga siyang bagay na nagagawa for me, at ano naman ang karapatan ko para saktan pa siya at bigyan ng sakit na pang habang buhay niyang dadalhin?
I want my theresiannie to be happy because she really deserves it.
And when times gets rough, I will always be here for her. Even there will be days na kahit ako mismo masasaktan na, hindi ko siya hahayaan pang umiyak.
Sapat na siguro yung sakit na naidulot sa kaniya ni imarri. Hindi ko na dadagdagan pa yon.
"I love you, mahal ko. Tandaan mong metrobank mo ako." Nag wink pa ko sa kanya para maging light kahit paano ang mood niya.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.