Chapter 12

218 20 0
                                    

GENERAL

Dalawang araw na mula noong madischarge si alicia sa hospital. Umayos na rin ang blood pressure nya. Magaling na rin ang sugat niya sa noo. She's just worried na baka mag iwan yung ng marka sa kanyang noo kapag tuluyan itong gumaling.

Ngayon, na kina resia sya. Nagbabasa ito ng libro habang sya nagbabasa ng magazine tungkol sa business na mga alak ng daddy nito.

"Hindi mo naman tinitikman lahat ng alak na meron kayo ano?" tanong niya kay resia.

"Tinitikman rin. Pero hindi lang ako, kundi sina lorraine at lorelei rin kasama ko. Kaya ayun, kinabukasan mga shenglot ang mga bilat."

Kumunot noo naman si alicia, "anong bilat?"

"Kipay." Resia.

"Ha?" Alicia. Hindi pa rin talaga niya gets.

"Pekpek." Resia.

"Okay okay. That's too much. Wag ka ng magdagdag pa ng synonyms nyan!" Banta nya dito at bumalik sa pagbabasa.

Maya maya ay may kumatok sa pinto ng reading room ni resia. Parang naging office na din niya yun.

"Come in."

"Ma'am lunch na po." Saad ng kasambahay nila at ngumiti sya.

"Okay thank you. Nandyan ba si daddy?" Tanong niya habang nagliligpit.

"Opo ma'am. Hinihintay na po kayo ng daddy nyo." Sagot ng kasambahay sa kanya.

Tumingin naman si alicia sa kanya na parang kinakabahan, "nandyan pala daddy mo. Hindi mo ko sinabihan. Edi sana nagbihis akong maayos."

"What? Maayos naman ang damit mo ha." Napa chuckle niyang sagot dito. Tinawid niya ang pagitan nilang dalawa at inayos ang buhok ni alicia.

"Nahihiya akong humarap sa daddy mo tska kinakabahan ako. Baka mangyari yung sa movies na pinag hihiwalay yung anak sa kasintahan nya ha?" Alicia. Natatawa na lang si resia sa kanya na napapailing.

"Epekto yan ng panunuod mo ng movies. Yan, ang ganda ng girlfriend ko." Nakatitig na saad ni resia kay alicia. She fixed her hair, nilagyan nya ito ng tig isang clips sa buhok.

Hinawakan nya din ito sa kamay at bahagyang pinisil yon. It gives her comfort after resia did that. "Let's go?"

Tumango naman si alicia sa kanya, "let's go."

Tumungo na sila sa dining at nandoon nga ang daddy ni resia. Hinihintay sila dahil hindi pa ito nagsisimulang kumain.

"Hi daddy" bati ni resia at agad na niyakap ang ama.

"Hi anak. Oh, kasama mo pala ang girlfriend mo." Sabi ni daddy jose sa kanila. Tumingin naman si resia kay alicia at hinawakan ulit ito sa kamay.

Naramdaman naman ni resia na kinakabahan si alicia, nanlalamig kasi ang kamay nito ngayon.

Bahagya itong ngumiti kay daddy jose at nag mano ito.

"Hello po."

"Daddy, si Alicianna po. She's my girlfriend and soon to be my wife." Nag wiggle pa sya ng kilay para mapatawa ang kanyang ama.

" of course yes. You're pretty, alicianna. Thank you for loving my daughter." Saad ni jose sa kanya habang nagsisimula na itong kumuha ng food. Inasikaso na rin siya ni resia at nilalagay lahat sa plato niya ang mga ulam na nakahain sa mesa.

"Nako, thank you po, tito. Kagandahang walang chemical po ito." Banat niya kaya napatawa ang ama ni resia na si daddy jose.

Hindi nakita ni resia na tumatawa ng ganoon ang daddy niya sa ex fiancee niya. Kinakausap at nakikipag kwentuhan naman ang daddy nya doon pero hindi katulad ng ganito ngayon kay alicia.

"No wonder why my daughter loves you so much. You're beautiful and you have that kind of humor." Daddy jose. Nakangiti ito habang kumakain at nakikipag usap kay alicia.

"Tito, baka lumaki na po ulo ko niyan. Kanina nyo pa po ako pinupuri, lalo tuloy ako ginagahan kumain." Alicia.

Natutuwa si resia sa nakikita niya ngayon. Kung noon si daddy niya ay boto sa ex fiancee nya, pero bakit mas masaya yata ito at mas boto kay alicia para sa kanya.

"You can eat whatever you want, anak." Tugon naman nito sa kanya.

Tinignan ni alicia si resia, "paano ba yan? Tinawag na akong anak ni tito. Hindi na yata ikaw ang paboritong anak ngayon."

"Edi pahiram ng mommy mo."saad naman ni resia at sabay silang natawa.

"I am happy for my daughter, ngayon lang sya ulit nakatagpo ng isang magmamahal sa kanya." Daddy jose.

Napatingin naman si alicia kay resia at bahagya syang ngumiti dito.

"Don't worry po tito, hanggat ako po ang nandito at kasama ni resia mamahalin ko po sya. Ipaparamdam ko po sa kanya na deserve nya po ang mahalin. She's my first girlfriend ko, wala po kasi akong alam sa romantic relationship. Pero kung sya naman po ang dahilan, why not hindi subukan? And I am hoping that she would be my last na rin po." Masayang tugon ni alicia sa daddy ni resia.

Her heart is happy. Kung kanina, kinakabahan si alicia na harapin ang daddy nya pero eto ngayon nagbibigay ng assurance sa kanyang ama na  mamahalin sya nito ng buong buo.

Gusto niya maiyak pero hindi niya pinapahalata kay alicia. Naiiyak sya sa tuwa.

"May I know your parents name, alicianna?"

"Ay opo naman po. My mother's name po is Amelia Gomez. Well, I don't have a dad po. Hindi ko po sya nakilala simula po noong pinanganak po ako ni mommy. Hindi ko po alam yung about sa daddy ko kasi hindi naman po naikukwento ni mommy ang tungkol po sa kanya. Kaya nga po sabi ko kay resia kung pwede ka po mahiram bilang daddy eh!" Nawala naman ang mata ni alicia dahil sa pagtawa niya sa huli niyang sinabi.

" amelia gomez?" Tanong ni daddy jose sa kanya at ikinatango ni alicianna.

"Opo. Kilala nyo po ba sya?"

"Ah, I knew someone pero baka kapangalan lang ng mommy mo." Nakangiti nitong sabi sa kanya. " Mukhang handa naman akong ipahiram ni resia sayo." Dugtong pa ng ama ni resia at sabay silang natawa.

"Kahit iyo na yang daddy ko." Saad ni resia sa kanya na natatawa pa rin.

After their lunch time at kaunting kwentuhan pa kasama ang daddy resia ay pumunta naman sila sa kwarto.

Magkasunod na rin silang nag asikaso at naligo bago sila nahiga.

"Amore mio." Tawag ni resia kay alicia at niyakap ito.

"Yes, theresiannie ko?" Nakatitig na tugon ni alicia sa kanya.

"You don't know how happy I am while you're talking with my dad. Naluluha ako kanina, alam mo ba yon? You made him smile and laugh. Mabilis kang naging comfortable sa daddy ko at nabibiro mo sya. Thank you for doing that my ali. Aside from that, my heart melt after what you've mentioned earlier na ipaparamdam mo sakin ang magmamahal habang ikaw ang kasama ko." Saad ni resia. Hindi na rin niya namalayan na pumatak na pala nang tuluyan ang luha niya.

Alicia rubs her cheeks, wiping her tears. "Syempre, ayoko naman na pangit ang impression sakin ni tito. Joke lang yun lahat."

"ali naman! Nag momoment eh"

"Hahaha joke lang. I love you. Syempre, gusto ko iparamdam sayo yung tunay na pagmamahal. Ayokong receive lang ako nang receive ng love na galing sayo. Ayokong ikaw lang ang mag eeffort sa relationship na'to.  Gusto ko maramdam mo na kung ano yung love na binibigay mo sakin, mararamdaman mo rin—— at kung kaya kong higitan, hihigitan ko. You made me the happiest, theresiannie. Ikaw yung first girlfriend ko eh, and I want you to be my last."

Resia pulled her closer and kissed her lips.

"I love you so much, ali."

"I love you too, my theresiannie."





A/N:
Vote vote vote. Thank you.
Anyt thoughts or comments??

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon