THERESIANNIE'S POV
Nanlalamig ang mga kamay ko habang pinag mamasdan ko si ali na nasa hospital bed at natutulog. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko hanggang ngayon. I am so worried sa kaniya lalo na kaninang hapon noong dinala ko siya dito sa hospital.
Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ko yun. Malapit na rin ang hatinggabi pero hindi pa rin siya nagigising. Sobrang napagod siya kanina sa panganganak niya.
Flashback
Pagkarating namin sa hospital, sinalubong agad kami ng mga nurses at may dala na silang stretcher. Maybe mommy amelia informed them noong tumawag ako sa kaniya. Habang ibinababa nila si ali, mahigpit siyang nakahawak sa braso ko. Nakikita kong pumapatak din ang kaniyang mga luha.
"love, hindi ko kaya.." nanghihina yung boses niyang sabi sa akin. Tinitigan ko siya bago ko alisin ang pagkakahawak niya sa akin at hinawakan ko sya sa kamay.
"Kaya mo, kaya natin to okay? I am here." I gave her assurance before ko siya nginitian. Iniutos ko na lang sa driver namin na isunod ang mga gamit habang ako hawak ko ang kamay ni ali habang patungo kami sa delivery room.
Pag dating sa delivery room, binawalan ako ng doctor na sumama sa loob. Napatitig sa akin si ali at alam ko ang tingin na yun na magbe-beg sya sa akin. Alam kong sumasakit na yung tyan niya at anytime talaga lalabas na yung baby namin.
"Doc, I promised na sasamahan ko siya dito sa loob ng delivery room." Pakiusap ko sa doctor habang magkasalikop ang mga kamay ko at nakikiusap sa kaniya.
"Okay sen. resia, but do not panic okay? My team and I will do the procedure well." Pag remind nya sa akin na ikinatango ko naman. Pinasuot nila ako ng scrubs and mask bago ako tuluyan pumasok sa delivery room.
"Amore mio," pagtawag ko kay ali habang hawak ko ang kamay nya. Kahit na kinakabahan ako sa mga nakikita kong tools na nasa gilid, pinilit kong maging panatag.
The doctor ordered her to parted her legs. Parang gusto ko na lang magselos pero mas pinili kong manahimik dahil baka sa kaniya ko magamit yung mga tools. Iniisip ko na lang na lalabas na yung anak namin at pawang trabaho ang kaniyang ginagawa.
By the way, girlfriend sya ng obstetrician-gynecologist namin. Hindi kasi ito sinama ni doc noong gender reveal party.
Buti talaga babae itong doctor ni ali.
Habang nag iinstruct ang doctor, sinusunod naman yun ni ali. Nararamdaman kong humihigpit lalo ang hawak niya sa kamay ko sa tuwing magpu-push sya.
"Ah!" Daing niya habang pumapatak ang kaniyang luha at nagpapatakan na rin ang kanyang pawis. Marahan ko yun pinunasan. Maging ako ay kinakabahan sa kaniya.
"You can do it, mommy ali." I whispered softly on her ear before giving her soft kisses on her forehead.
"Few more push, Mrs. Honall, I can see the baby's head." Pag remind na naman ni doc sa kaniya. But what made me smile more? She called her Mrs. Honall which is my surname.
Alam kong pagod na si ali pero pinipilit pa rin niya. Konti na lang, pipikit na yung mga mata niya sa pagod at sa antok.
"Konti na lang, mommy. I love you." I said to her habang pinag mamasdan ko ang kaniyang mga mata.
After few more minutes, I heard the baby's cry. Parang iyon yata ang pinakamagandang iyak na narinig ko.
It feels like my heart is going to jump out of my chest. May parang bumara sa lalamunan ko noong marinig ko ang iyak niya. Tinignan ko si ali na humihikbi habang naka kagat siya ng kaniyang labi.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.