Chapter 72

278 14 22
                                    

GENERAL

Nasa senate hearing sina alicia, imarri at maging si matthew ay humarap na sa pag dinig. Ilang araw bago ito napauwi ay hindi pa ito agad nagpakita sa media. Ngunit, nasa custody sya ng mga pulis noong mga araw na yon.

Bukod sa attempted rape ang ginawa niya kay alicia, sangkot din siya ibang kaso na katulad kay imarri.

Kanina pa pinag mamasdan ni alicia si matthew, at halos maputol na sa kamay niya ang lapis na hawak niya kanina pa. Umiiwas naman ng tingin sa kaniya si matthew pero sya, hindi niya inaalis ang tingin niya dito. Umuulit sa isip niya ang pangyayari na ginawa nito sa kaniya.

Unti unting pumapatak ang luha niya habang nang gigigil na nakatingin sa lalaki.

Napansin naman ito ni lorraine kaya agad niyang kinalabit si resia na nagbabasa ng mga papel na nakalatag sa mesa niya. Lumingon naman agad si resia at nakita niyang tahimik na lumuluha si alicia.

"Let's take a break, 20 minutes" saad ni resia at agad siyang tumayo mula sa pwesto niya. Nawala naman ang lahat ng live sa social media na holos pinapanuod ng mga tao.

Naglakad siya patungo sa pwesto ni alicia. "Ali," pukaw niya sa attention nito kaya nilingon naman siya ni alicia.

Tahimik itong humihikbi at agad niyang niyakap.

Magmula noong pagpasok ni matthew sa pinto ng senate hearing ay naramdaman na niya ang galit na bumabalot sa katawan niya.

"I'm getting pissed off, love." Bulong niya kay resia habang humihikbi. Hindi niya maaalis ang galit niya dito. Trauma ang inabot niya kay matthew na dati niyang kaibigan. Paano nito nagawang makipag sabwatan para bastusin siya?

Hinalik- halikan niya ito sa noo at sa buhok. Maya maya ay nadako ang tingin niya kay imarri na nakatingin pala sa kanilang dalawa. Tipid itong ngumiti at may halong selos.

"May kaso pa rin naman siya, impossibleng hindi siya makulong." Mahinang saad ni resia sa kaniya at pinakalma ang kasintahan.

Narinig naman niya na tumikhim si imarri kaya sabay silang napalingon doon. "I'll use comfort room lang." Sabi nito at tumayo mula sa kinapupwestuhan.

"Saan mo gusto pumunta mamaya?" tanong ni resia upang kahit panao kumalma ang kalooban ni alicia. Pinunasan niya ang luha ng kasintahan at bahagya siyang ngumiti dito.

"Anywhere." Sagot nito at inayos ang kaniyang buhok.

Nagsimula na ulit ang senate hearing after ng kanilang break.

"Your honor, hindi po kami personal na magkakilala ni imarri. Sya ang nagpumilit sa akin na bibigyan niya ako ng pera, aside from that hindi ko talaga alam na ang kapalit noon ay ang sirain ang buhay ni alicianna."

"Sya din ang nag utos na ibenta ko kay alicia yung lupa. And the next thing I know, nagkaroon ako ulit ng pera mula kay imarri dahil sa pagbebenta ng lupa na yon pati ng POGO." Saad ni matthew sa mga senators.

Nakita naman ni resia kung paano samaan ng tingin ni imarri si matthew at tila may masamang binabalak ito.

Hindi natutuwa si alicia na kasama siya sa pagdinig noong araw na yon. Wala siyang gana na kulitin at pag tripan si resia na kaharap lamang niya.

Pagkatapos ng hearing, agad siyang lumapit kay resia. Palapit na rin doon si imarri kaya agad niyang hinapit sa bewang si resia at tinaasan nya ito ng kilay.

"Wag kang masyadong lumapit, baka mahawa mo kami ng kasamaan mo." Alicia.

"Resia, ayokong makulong." Imarri. Nasa boses nito ang takot at ang kaba.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon