Chapter 1

221 19 8
                                    

GENERAL

Hindi na nga tumila ang ulan at doon na sila sa hotel nanatili. Ang masaklap pa, iisang room na lamang ang available. Kaya magkasama sila sa iisang room. Buti na lang may spare clothes pa si Resia sa sasakyan nya. Mga damit niyang hindi pa niya naaalis sa bag na nasa car nya. Malinis naman yun.

Hindi kasi siya natuloy sa beach kasama ang mga friends nya. Nagvdrawing na naman sila.

Flashback

"We can share naman sa room." Saad ni Resia habang hawak nya ang key card na binigay ng nasa front desk. Nasa tapat na sila ng isang kwarto.

"Ayoko nga. Ikaw, you can go naman sa kahit saang hotel eh dahil may car ka. Ako wala. So akin ang key card." Alicianna. Nilahad nya ang kamay nya sa harapan ni Resia.

Nang gagago ba sya?

"Are you kidding me?" Tinasaan ni Resia ng isang kilay si Alicianna.

"Mukha ba 'kong nagjojoke? Hindi naman diba?" Saad pa nito ulit sa kanya.

"Ah, you really want me to go?" Resia

"Yes."

"Sige aalis ako, pero humanap kang ipapalit sakin kapag hinanap ako ng tatay ko. Grabe, ang lakas pa naman ng ulan, baha pa sa labas. Kumukulog at kidlat pa."  Nangkokonsensiya niyang saad habang palayo kay Alicianna.

Pero imbis na habulin sya nito, narinig niya itong tumawang malakas kaya naman napaharap sya dito.

Ilang katauhan ba ang nasa loob ng katawan ng babaeng 'to?

"Aalis ka talaga?  Nagbibiro lang ako eh. Come here, willing naman ako na share tayo ng room eh. Ikaw naman nagbayad diba? Bayad ba ito sa putik kanina?"

"Oo na, Ali. Paulit ulit ka naman." Naka busangot niyang saad at lumapit kay Alicianna.

"Alicia kase— hindi Ali."

"Ang haba ng Alicia, ayoko nga nun." Then kinuha nya sa kamay ni alicianna ang keycard, siya na ang nag bukas ng pinto.

"May clothes pa ko dito, you can use those." Sabi ni resia pagkalapag niya ng bag niya sa table.

"Thank you, Resia. May dala din akong maisusuot." Nag wiggle pa sya ng kilay nya habang nakangisi dito.

"Sa liit ng bag mo na yan, may laman na damit yan?" Resia.

Maya maya ay binuklat ito ni Alicianna.

"Panty! May dala akong panty!"

Kulay pink pa nga.

End of flashback

And now, they are playing jengga. Nakita lang nila sa loob ng kwarto. Kanina pa rin sila nagtatalo dahil nagsisisihan sila kung sino ang nakakatumba ng tower.

Nasa table sila malapit sa higaan ni Resia. Dalawa naman kasi ang bed ng kwarto na naibigay sa kanila. At walang oras yata na di magtatalo silang dalawa

"Alam mo, kung matatrap ako sa isang isla. Ayaw kitang kasama." Resia.

"Ang tanong, gusto ko rin ba? Hindi rin naman. Resia, ikaw na mag ayos ulit ng tower." Nakapout na sabi nito habang nakatitig sa kanya.

Napa face palm na lamang sya at sinunod nya ang gusto nito. Paano nya  nakayanan na maki share sa kwarto kasama ang stranger na katulad nya? Hindi naman talaga sila magkakilala at sa gitna ng daan lang sila nagkita.

Hindi niya naman itatanggi na cute ito.

May inutusan na rin si Resia na asikasuhin ang sasakyan ni Alicianna na nasa tabing daan.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon