GENERAL
Iniisip pa rin ni resia ang nangyari kanina. Nang gigigil pa rin siya kapag naalala niya iyon.
"Bumalik pa sya." Saad niya sa kaniyang sarili. Tinignan nya ang kaniyang phone at minessage ang mga kaibigan niya na papunta na siya sa restaurant ni alicia.
She needs to see them. Gusto niyang maglabas ng sama ng loob sa mga ito.
Maya maya ay nagkaroon ng message galing sa kasintahan niya. Napangiti siya sa mensahe nito ngunit napakunot noo na naman sya.
"Ano ba kasi yang sili na yan?" Saad niya sa sarili at kinuha na niya ang kaniyang bag bago tumungo sa kaniyang sasakyan.
"Buti naman naka alis na ang bruha" bulong niya ulit sa kaniyang sarili. Tinutikoy niya ang ex-fiancee niya. She hates seeing her, at sana di na niya ito muling makita pa.
Ayaw niyang mag away sila ni alicia. Ngayon lang sya ulit naging masaya. At ayaw niyang nakikitang iiyak si alice because of her.
Nag reply sya kay alicia. Napapa iling at napapangiti na lang sya dito. Siguro kaya nga niya minahal ito dahil sa ganito din nitong humor. Mukhang nakahanap siya ng katapat niya.
Mukhang dragon lang naman ito kapag nagagalit pero malambing din naman ito.Kanina pa talaga sya napapaisip kung anong sili ba yun. Siling green na hinahalo sa sinigang o siling labuyo?
Nag simula na siyang mag drive at tumungo na sa restaurant ni alicia. Pagdating niya doon, marami ng mga tao. Yung iba nakilala niya sa mukha lang. Marahil ang mga ito ay mga kababayan ni alicia at inimbitahan ang mga ito.
She also saw Matthew. Ramdam pa rin niya ang inis dito. Maya maya lang ay lumalapit ito sa kaniya.
"Hi resia" bati nito sa kaniya at akmang makikipag kamay pero tinitigan niya lamang yun at hindi niya inabot. Binawi naman agad ni matthew ang kanyang kamay at ngumiti na lamang.
"Wala pa ba si alicianna?" tanong nito muli sa kaniya.
"may nakita ka bang alicianna na kasama ko?" Sagot niyang patanong dito.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.