GENERAL
Magkakasama sina lorraine, lorelei at alicia sa bahay ni lorraine. Hindi kasi pwedeng kung saan saan pa pumunta si alicia kapag walang bantay, baka sugudin sya ng media. May mga nakaka kita na nga sa kaniya at nababalita na rin na nasa Pinas siya pero iniiwasan niya pa rin ang masyadong exposure sa mga tao.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nila sinasabi dito ang nakita nila sa bar na kasama ni resia si Imarri.
"Ang tagal naman ni resia?" Saad ni lorelei at tinawagan niya si resia ngunit hindi ito sumasagot.
"Kaya nga eh. Nainip na ako sa bahay kaya nauna na akong pumunta dito." Saad ni alicia habang nagbabalat siya ng nilagang mani.
"Hello, resia?" bungad ni lorelei sa call.
"Loud speaker" bulong naman ni alicia at nag sign siya na wag sabihing kasama na siya nina lorelei at lorraine.
"Hello, lorelei?"
"Nasaan ka?" Tanong ni lorelei at niloud speaker ang phone niya. Nakikinig naman sina lorraine at alicia.
"Ah, may ihahatid lang ako." Tipid nitong sagot at tilamay kausap ito mula sa kabilang linya. May naririnig kasi silang isa pang boses.
"Who's with you? Bakit parang si imarri yan?" Lorelei.
Bahagya naman natahimik si resia sa kabila at maya maya ay nag salita na ito "Ah.. oo siya nga. Please don't tell to ali." Saad ni resia sa kaniya.
Napatingin naman si lorraine at lorelei kay alicia na walang emosyon ang mukha nito at nag sign pa rin na tumahimik sila.
"Putangina mo talaga. Bilisan mo pumunta ka dito! Huwag mong isasama yang ex mo ha!" Galit na saad ni lorraine sa kaniya nang mahablot nito ang phone ni lorelei.
"Huy, baka naka loud speaker yan si resia!" Saway ni lorelei sa kaniya.
"Pakialam ko sa ex nya? Sampalin ko pa sya." Lorraine. Inis niyang inabot ang phone kay lorelei at tinabihan si alicia na tila wala lang sa kaniya ang narinig.
"Kasama ni resia si imarri." Walang ganang saad ni Lorraine.
"Narinig ko naman, may tenga ako." Alicia. Tila wala pa rin itong pakialam sa kung magkasama si resia at imarri.
Basag.
"Hindi mo susugudin?" Nakakunot noo na tanong ni Lorraine.
"Nandito na ba? Diba wala pa." Pang babara na naman ni alicia dito at prenteng nagbabalat ng mani.
"Huyyy, hindi ka ba apektado? Niloloko ka na ni resia, ikaw relax at nagbabalat pa ng mani"saad ni lorelei habang palapit sa kanila.
"Hiwalayan mo na nga yung kaibigan namin" saad pa ni lorraine habang nakatitig kay alicia. Naaawa sila dito, hindi deserve ni alicia ang makatanggap ng ganoong treatment mula kay resia.
Lalo pa at nagsisinungaling sila dito dahil sa nangyari noong nakaraan sa bar. Kulang na lang ingudngod ni lorraine si imarri sa sahig, mabuti na lang nakapag timpi siya.
"Hayaan nyo na. Bakit ko uubusin ang energy ko sa taong nagloloko?" Saad niya sa mga ito at kumain. " kung gusto niya ng laro, edi makipag laro." Dugtong pa niya.
Hanggang sa dumating si resia sa bahay ni lorraine. Agad siyang binatukan nina lorraine at lorelei nang makita siya.
"Aray ko! Bakit ba? Palagi niyo na lang ako sinasaktang pisikal ha!" Resia. Napahawak na lang siya sa kaniyang batok.
"Tanga. Sinaktan ka lang pisikal, wala pa yan sa sakit na binigay mo kay alicia. Narinig ka pa na kasama mo si imarri." Saad ni lorelei sa kaniya at hinila siya sa kusina. Nakita niya doon si alicia na kumakain pa rin.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.