GENERAL
Today is her birthday. Resia spent the night with her at sinalubong nilang dalawa ang birthday nya. Naunang umuwi sina lorraine at lorelei dahil nacurious lang naman sila kung magkakabati nga ba ang dalawa.
"Happy birthday, Ali ko." Resia. Kagigising lang nilang dalawa at iyon agad ang bungad na pagbati sa kaniya ng kasintahan.
"Thank you, mahal. First time ko mag celebrate ng birthday na may girlfriend." She giggled, niyakap niya din si resia at hinalikan niya ito sa labi.
Tinignan naman sya ni resia sa mata bago ngumiti, "at sa mga susunod na taon, kasama mo pa rin ako mag celebrate ng birthday mo."
Last night they went to inflatable playground. Resia rent it for Alicia.
Flashback
Pagkauwi ng kanilang kaibigan, pilit na pinagbihis ni resia si alicia. Pinagpalit muna niya ito ng damit na pwedeng pang alis.
So alicia changed her clothes. She wore a simple pink tshirt, and her shorts. Naka flats na lang din siya. Nanatiling nakaladlad ang kaniyang mahabang buhok ngunit naka hair pin ang bangs niya.
"Bakit mo pinauwi sina lorraine at lorelei? Hindi ba natin sila isasama? Saan ba tayo pupunta?" Iyon ang tanong ni alicia sa kaniya habang sumasakay sila sa car ni resia.
"Hindi ko sila pinauwi, amore mio. Sila ang gustong umuwi. Tska mamaya ko na sasabihin sayo kung saan tayo pupunta" nag wiggle pa ng kilay si resia habang sinisimulan niya na i-start ang engine ng sasakyan niya.
"Aww, birthday na ng baby ko bukas." Resia said and glanced on her girlfriend while she's driving.
"I'm turning 29 na! Maganda pa rin ba?" Banat ni alicia habang nagpapa cute pa kay resia. Sabay naman silang natawa.
"Sobrang ganda! Wala akong maitutulad sa ganda mo, ali ko." Puri ni resia sa kaniya at pasimple pa itong napapangiti.
"Aba dapat lang. Kaya kung may ipapalit ka sakin yung mas maganda sa akin ha? Lugi ka kapag mukhang nagtutulak ng droga ang ganda ng ipapalit mo sakin." Saad ni alicia bago ito magtatawa.
"Well, sorry ka ali, hindi ako interesado na palitan ka." Ganti ni resia.
Patuloy lamang silang nag aasaran habang papunta sila sa location nila. Resia rent an indoor inflatable playground at doon niya dinala si alicia.
Naalala niya kasi, hindi ito pinapalabas dati ni mommy Amelia noong maliit pa lamang ito at lagi lang itong nasa farm. She knows that Alicia needs to heal her innerchild. Aside from that, ito ang gusto maranasan ng kaniyang kasintahan.
"Bakit nandito tayo?" Nakangiti na sabi ni alicia sa kaniya at nakatitig.
"Ha?" Natatawa sya sa reaction ng kasintahan. Halata na kinikilig ito dahil sa nakikita pero pinipigilan pa.
Inalis niya ang seatbelt ni alicia at hinalikan ito sa labi.
"Let's go na?" Tanong niya at tumango si alicia sa kaniya. Sabay na rin silang lumabas ng sasakyan.
Halos madapa siya dahil hinihila siya ni alicia papasok habang tumatakbo.
"Wow!" Iyon na lamang nasabi ni alicia habang pinag mamasdan niya ang kabuuan nito.
A typical indoor inflatable playground that every child wished to experience playing in this kind of playground.
"Anong sabi mo noong nakaraan sakin?" Resia asked her. Naka pamewang pa ito at mataman na tinititigan ang girlfriend.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.