Chapter 16

59 6 3
                                    

GENERAL

Dumapit na ang gabi at nakapag hands na si alicia upang pumunta sa bahay nina resia. She's nervous, iba pala kapag daddy nito ang nag aya ng dinner. Tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin. Naka ladlad ang kaniyang mahabang buhok at naka hair clip lamang sa magkabilang gilid ang ilang pirasong hibla ng kaniyang buhok. Inayos na rin niya ang kaniyang salamin. Habang ang suot naman niya ay isang white dress with a touch of color blue. Sinuot na rin niya ang kaniyang closed shoes na nababagay dito.

"Ganda mo talaga," saad niya sa kaniyang sarili bago ngumiti af kinuha na niya ang kaniyang gucci bag.

Lumabas na sya sa kaniyang kwarto at tumungo sa kwarto ng kaniyang ina.

"Mommy,"  she knocked thrice and opened the door.

"yes anak?"

"I'm going na po." Ngumiti sya dito bago niya yakapin ang ina.

"Ingat anak and drive safely, no overspeeding alicianna" paalala ng kaniyang ina sa kanya. Natawa naman sya at tumango sya.

"Yes mommy." Matapos niyon ay tumungo na sya sa kaniyang garahe. Pero naisip niyang hinci ang sasakyan nan nadoon ang gamitin niya kaya naman nagtungo siya sa kanilang parking lot.

Napili niya ang sasakyan niyang McLaren kaya yun ang napili niyang gamitin ng gabing iyon.

Tumunog ang phone niya at tumatawag si resia.

"Hello mahal?" Bungad niya habang iniistart ang engine ng sasakyan.

"Where are you na, amore?"

"Papunta na po, nandito na ako sa sasakyan love." Nakangiti niyang sagot sa kasintahan.

"Okay, ingat amore mio! Please no overspeeding!"

"Hahaha yes po, same kayo ng sinabi ni mommy. See you later, mahal." Alicia.

"I love you!" Saad ni resia at matapos noon ay nag end call na.

Sa kabilang banda naman, pabalik balik sa kwarto ang ina ni alicia. Tila hindi ito mapakali. Naiisip niya ang pagkikita nilang hindi sinasadya ni jose, ang ama ni resia.

Tila natuod siya noong makita niya ito sa restaurant noong gabing yun. Ngunit tinago niya ang kung ano mang reaksyon ang makikita ni alicia sa kaniya.

Jose Honall.

Her first ex boyfriend.

Magmula noong nakita niya ito sa restaurant ay nakipag kita na ulit ito sa kanya. At hindi niya iyon sinasabi kay alicia.

Totoo naman na bumili ito ng lupain sa kaniya. Iyon nga ang unang pagkikita nila. Wala pa siyang kasintahan noong mga panahon na yon. Hanggang sa palagi na itong pumupunta sa kaniya at binibisita sya. Hanggang sa tuluyan na naging sila. Masaya siyang nakilala niya ang lalaki, ngunit dumating ang araw na hindi na ito nagparamdam sa kaniya. Doon lang niya nalaman na may asawa't anak na pala ito dahil may pumuntang babae sa kanya at binalaan sya na wag na siyang lalapit pa kay Jose. At iyon ay ang ina ni resia.

Flashback

Habang kumakain sila sa restaurant ay pasimple niyang tinatanaw mula sa malayo ang mag ama. Ngunit, nahuhuli rin naman niyang tumitingin ang ama ni resia sa kanya. Napaka uncomfortable para sa kanya noon kaya naman nag excuse sya kay alicia na pupunta na muna sya sa restroom.

She needs to breathe.

Tumungo siya sa restroom at nag hugas kamay. Her heart is beating so fast. Hindi dahil sa kilig kundi sa kaba. Bakit nagkita pa silang muli?

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon