GENERAL
Parehong naging abala ang dalawa sa pangangampanya. Si alicia bilang isang mayor, habang si resia bilang isang senator. Minsan nga tatlong beses sa isang linggo na lamang sila magkita, dati halos araw-araw ay sinusundo sya ni resia o kaya naman ay papapuntahin nya ito sa kaniyang bahay.
Marami na rin na mga tao ang na cucurious sa ring na nasa kaniyang daliri. May mga nagtatanong na tuloy kung engage na nga ba sya. Ang iba ay kilala ang kasintahan nya, ang iba naman ay hindi.
Mayora, engage ka na po ba?
Mayora, magpapakasal ka na?
Kailan po ang kasal, mayora?
Mostly, ganoong mga tanong ang naririnig niya ngunit ni isa ay wala siyang sinagot dito. Ayaw niya na may malaman agad ang ibang tao tungkol sa personal niyang buhay. Gusto niyang maging tahimik at maayos ang relasyon nila ni resia.
Sabi nga niya, gusto niyang mag settle kapag 32 years old na sya. Nagsisimula pa lang din naman kasi siya sa hangarin niyang mapagsilbihan ang kaniyang kababayan.
Alam ni resia yon. At hindi siya minamadali nito.
Pagkatapos ng kampaniya, dumiretso na siya ng uwi. Kasama niya kanina ang kaibigan si shamara, nandoon din si matthew at sinusuportahan sya. Sinabi naman niya iyon kay resia na kasama niya ang dalawa niyang kaibigan. Pumayag naman ito dahil naging kampante na rin si resia kay matthew.
"How's your campaign?" tanong ng mommy amelia niya sa kaniya. They are getting better now, unlike before na ayaw niyang kausapin ang ina.
"I'm tired but worth it naman. Maraming nakikinig po sa plataporma ko. Hindi lang mga adult ang nandoon kundi maging ang mga bata nakikinig din po. Natutuwa nga ako eh, kasi attentive sila sa akin." Saad niya at ngumiti sa ina.
"Magiging maayos ang bayan natin kapag ikaw ang nanalo bilang mayor."
"Sana po mommy. I'll do my best para maging number one ang ating bayan."
Kapag nakikita sya ngayon ng mga tao, walang ibang sinisigaw ang mga ito kundi asenso garantisado.
Nag paalam na muna sya sa kaniyang ina at tumungo sya sa kaniyang kwarto. Pag open niya ng phone niya, nakita niyang may message si resia sa kaniya.
Hindi niya maiwasan na hindi mapangiti.
Maghapon rin pala silang hindi nakapag usap. Hindi rin niya narinig ang boses nito sa phone call. Mukhang ngayong pareho na silang may responsibilidad sa bayan at sa bansa, mababawasan ang oras nila sa isa't isa.
She missed her so much.
Hindi niya naiwasan na hindi mapa pout at bahagyang nanubig ang kaniyang mga mata. Gusto niya makasama ngayong gabi ang kasintahan.
Kaya naman nag reply sya dito. Namimiss na nya ang kasintahan ngunit sadyang pumipitik ang kanyang pang aasar.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.