Chapter 22

189 14 6
                                    

ALICIA's POV

Iniisip ko kung ano yung problema ni resia na hindi niya sinasabi sa akin. Kahapon ko lang kasi napansin na ganoon sya at sobrang lungkot ng kanyang mga mata. Hindi na nga ako bumalik sa munisipyo kahapon at umuwi na ako dito sa bahay.

Ayaw nya din pumasok kahapon sa munisipyo kahit na nandoon naman si mommy.

Wala pa rin ako natatanggap na message from her mula kaninang umaga kahit na tinadtad ko sya ng messages. At hapon na ngayon, halos kalahating araw ko na hinihintay na mag message sya. Something is happening pero hindi niya sinasabi sa akin.

Binisita ko yung office ni mommy dito sa bahay. May titignan lang akong file copy ng mga nagawa na nya. Para naman may idea ako kung ano ang pwede kong maitulong sa mga kababayan namin. Habang nag bubuklat ako ng mga files, may natanggap naman akong tawag mula kay resia.

"Hello, love?" bungad ko habang inaayos ko ang mga folders na pinakialaman ko.

"Hello, alicia?" Si lorraine ang bumungad sa call. Napakunot noo ako dahil nasa kanya ang phone ni resia.

"Lorraine? Bakit nasa iyo phone ni resia? Nasaan sya?" tanong ko sa kaniya. Lumabas na rin ako ng office ni mommy at pumunta ako sa kwarto ko.

"Nandito kami sa bar, malapit sa inyo. Nag aya si resia, ang aga aga. May problema ba kayo?"

"Wala naman. Hindi naman kami nag aaway. Kumusta sya?"Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at nagpalit na lang ako ng shoes. Kagagaling ko lang din naman sa labas kanina.

"Lasing na itong girlfriend mo." Lorraine.

"Sige, paki wait na lang ako papunta na ako." Sabi ko sa kaniya at binaba na ang tawag.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at nag drive.

Kaninang umaga, habang nasa isang baranggay kami ni mommy at ng team ko upang magpamigay ng pintura at school supplies para sa mga kinder at rooms ng kinder, nakita ko si daddy jose.

Flashback

"Kumusta kayo mga bata?" tanong ko sa mga kinder students na naka hilera sa covered court.

"Okay lang po!" Sabay sabay nilang sagot sa akin habang masayang mga tumatalon. Hay ang cute cute!

"Diba, magsisimula na ang klase nyo next week? Mag aaral ba kayong mabuti?" Tanong ko at ang palagi nilang sagot sa akin ay opo. Masaya pala talaga maging bata.

"Magpapamigay si ate alicia ng pintura para mapaganda natin yung rooms nyo po ano? Tapos po para sipagin kayong mag aral. Yeheeey!" Sinabayan nila ako sa pagtalon at nakakataba ng puso na makita silang masaya.

"Bukod pa doon, magpapamigay din si ate alicia ng school supplies, basta ang palaging gagawin ay mag aaral ng mabuti at huwag mag aabsent po ha lalo na kapag walang sakit. Okay po ba yon?" Nag thumbs up ako sa kanila. Maingay, pero yun yong ingay na masarap pakinggan dahil ramdam ko yung saya nila.

Nilingon ko yung gawing kanan ko at nakita ko si daddy jose na nakatingin pala sa akin. Kumaway sya kaya I waved back.

"Anong sabi ni ate alicia? Ano ang laging tatandaan?" tanong ko sa kanila at lumapit pa ako.

Tinapat ko sa isang bata yung mic, "huwag po mag aabsent"

"Very good, huwag po mag aabsent. Ngayon, pila po kayo nang maayos kasi ipapamigay na ang inyong school supplies." Sabi ko sa kanila at inasikaso naman sila ng team ko.

Lumapit ako kay daddy jose at nag mano ako.

"Daddy!" Tawag ko sa kaniya na agad naman niya akong niyakap. "Nagawi po kayo dito."

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon