Chapter 55

54 4 5
                                    

GENERAL

Kanina pa nakauwi si alicia sa bahay nila. Nauna na siyang umuwi matapos ang pangyayaring iyon. Maging sa harap ng kanilang mga kaibigan ay nasigawan siya ni resia.

Kaya naman kahit nanlalabo ang kaniyang mga mata ay umalis siya sa resort at nag drive pauwi. Their friends are calling her pero hindi niya iyon pinansin.

Pag dating niya sa kanilang bahay, doon na sya humagulgol ng iyak.

Isang oras din siya halos umiiyak, at inabutan na nga siya ng tubig ni yaya rodormina dahil baka ma dehydrate sya dahil sa mga niluha niya.

Maya maya ay dumating si resia. Nag alis lang ito ng suot na sandals at patungo na sana siya sa kwarto hanggang sa habulin niya.

"Love, please hear me out!" Pakiusap ni alicia habang sinusundan ang asawa.

"Wala tayong pag uusapan, Alicia." Resia.

Pangalawang beses na niyang naririnig na tinatawag siya nitong Alicia ngayong araw.

"Nothing happened between us." Pagpapatuloy niya pero napailing na lang si resia at nag smirk.

Tinitigan sya ng asawa hanggang sa humalukipkip ito, "paano ako maniniwala sayo? Tell me. Tska diba palagi kayong magkasama ni matthew noong mga nakaraan? Baka doon pa lang may nangyayari na sa inyong dalawa?" Tila dumadaloy hanggang sa kalamnan nya ang kaseryosohan ng asawa.

Sunod sunod na umiiling si alicia sa kaniya at balak nitong hawakan ang kaniyang kamay pero umiwas siya dito.

Muli na naman pumatak ang luha ni alicia at nagsimula na namang humikbi, "pumupunta lang siya sa mga programs ng munisipyo para sa mga kababayan ko, para suportahan lang ako. Nagpaalam din ako sayo noong may titignan akong lupa na pag aari niya para ibenta nya sa akin diba? Hindi kita niloloko, Theresiannie."

Imbis na sagutin ang paliwanag niya, iba ang binulalas nito.

"Nandidiri ako sa'yo." Walang gatol na saad ni resia sa asawa habang nakatitig siya dito.

Tila napako naman siya sa kinatatayuan niya dahil sa salita nito.

Pinunasan ni alicia ang kaniyang luha at nanatiling nakayuko. Ngunit kahit anong pigil niyang umiyak, lalo lang itong pumapatak.

"I'm sorry, pero hindi na kita kayang tignan pa katulad ng dati, Alicia." Nagsimula na siyang tumalikod at pumunta sa kanilang kwarto.

Hindi siya nag expect na ganito ang mangyayari ngayong gabi. Nagcecelebrate sana sila ng birthday nito at masaya sana silang pareho.

"Aalis ka? Iiwanan mo ko dito?" tanong ni alicia habang nakasunod kay resia. Nakita niya itong mag aayos ng mga damit at nilalagay sa bag niya.

"Please don't leave me here, Theresiannie. I need you." Alicia. Ngayon lang siya nag please at nagmakaawa dito.

But resia continued to pack her things.

"Please, theresiannie." Her voice cracked noong banggitin niya ang mga salitang iyon.

"I hsve something to tell you, theresiannie." Lakas loob niyang saad dito at pilit na kinalma ang sarili.

Ngunit nang mag salubong ang kanilang mga mata at inignan siya ni resia at halata sa mga mata nito ang galit.

"What?"

Umiling na lang siya at tipid na ngumiti, "Hindi na pala kailangan pa." Tama na yung mga salitang natanggap niya ngayong gabi, baka hindi na niya kakayanin kung may maidagdag pa.

"I'm sorry if I ruined your birthday, Theresiannie. Hindi ko iyon ginusto. I was just a victim too."

But resia remained silent. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Hanggang sa kinuha na nito ang kaniyang gamit at walang kahit isang salita ang iniwan kay alicia bago ito umalis.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon