Chapter 66

199 11 15
                                    

GENERAL

Nasa sariling office si resia habang nagbubuklat ng mga papel ng mga bagong kaso na tungkol sa money laundering ng isang senator na sangkot dito.

Katatapos lang ng hearing at ngayon lamang sya nakapag pahinga. Bukod pa doon, kanina pa sila magkausap ni alicia, kaya naman mas narerelax siya. Talande.

Maya maya naman ay kumatok sa pinto ng office ni resia, "come in".
Nilingon niya iyon at nakita niya si lorelei na pumasok.

"Nag aaya sina lorraine at phoebe na lumabas. Sasama ka ba?" tanong ni lorelei sa kaniya at umupo sa isang chair na nasa tapat ng table ni resia.

"I am not sure eh. May pupuntahan pa ako ngayong gabi." saad ni resia at tipid na ngumiti kay lorelei.

"may date kayo ni alicia?" nakangiti nitong tanong sa kaibigan. Umiling si resia sa kaniya at ngumiti.

"May aasikasuhin lang ako ngayon. Si Ali, pwede nyo nya sya isama. Baka na bobored na rin yon." saad niya at binalik ang tingin sa mga papel na nasa table niya.

"Alam mong hindi pwede umalis si alicia basta- basta. Media and paparazzi everywhere. Tska nga pala, hindi pa ba siya ulit haharap sa senate hearing?" tanong ni lorelei dito.

They want to end this issue, hindi na rin naman nila kinakaya ang nangyayari kay alicia. Because they knew how pure her heart is.

They visited alicia's town before, noong sinamahan nila si resia na hanapin ito. Pero wala silang alicia na nakita. Kahit nga mismo ang farm nito ay binisita nila ngunit mga employees lang ang mga nandoon.

Wala silang ibang narinig sa mga ito kundi magagandang kabutihan na ginawa ni alicia sa kanila as their head.

Nilibot rin nila ang bayan na minsang naging mayor si alicia. Hindi na ito katulad pa ng dati. Alam ni resia na muling nabuhay ang bayang iyon nang maupo si alicia. Masaya ang pamamalakad ng ex mayor na si mommy amelia, ngunit mas guminhawa pa ang bayan at mas nakilala noong si alicia na ang namahala dito.

Alicia's kababayans asked them where's their mayor. Alam nila kasi na asawa ni alicia ang senator na si resia. But of course, hindi rin alam ni resia ang sagot kung nasaan ang dating asawa. Maging siya ay hinahanap niya ito. They missed their mayor Alicia, and she missed her Ali too.

"I don't think kung haharap na siya ngayon. Ngayon pa lang siya nagiging okay, and alam ko naman na she's making sure na kapag kaya na nya, walang takot na syang haharap sa senado." saad ni resia at sinimsim ang kape na bahagyang lumamig na.

"I'm still trying to find out kung sino ang isang nasa senado na naglalabas ng maling impormasyon ni ali. I once checked her documents before, okay naman eh. Wala namang mali. And nagbiruan pa nga kami noong bagong kasal kami na baka pati SALN niya, mailahad pa sa media...tapos mangyayari pala." saad niya at nagligpit ng mga gamit.

" I'm glad na nagiging maayos na kayo ulit na dalawa. Ikaw ang mas kailangan niya ngayong kailangan niya ng karamay. " saad ni lorelei na ikinatango niya.

" Lorelei, this time... I won't let her feel any pain again." saad niya dito at tumayo na. Inaya na rin niya ang kaibigan na sabay silang lumabas ng office.

"Please tell to lorraine na hindi ako makakasama,, may gagawin talaga ako." saad niya at bineso niya ito.

Then sumakay na siya sa sarili niyang sasakyan at umalis na.

Sa kabilang dako naman ay nakatitig si alicia sa kawalan. Naalala na naman niya ang baby niya. Napabuntong hininga na lamang siya sa tuwing naalala niya na nasa sinapupunan lamang niya ito dati.

"are you okay anak?" napatingin siya sa mommy nya na nasa kaniyang tabi na pala.

"yes mommy, I'm okay. Naalala ko lang si A." saad niya at tipid na ngumiti.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon