Chapter 39

79 8 5
                                    

GENERAL

Kanina pa nag sisimula ang feeding program, maraming bata ang pumunta doon. Ang iba ay sinamahan pa ng kani-kanilang mga magulang. Mayroong sopas, arozcaldo, champorado at marami pang ibang pagkain ang nakahanda.

"Ali," napalingon si alicia sa pagtawag na yun ni resia sa kaniya. Hindi pa rin ito umuuwi at sinamahan talaga sya maghapon.

"Yes mahal?" Lumapit sya dito habang may karga syang isang taong gulang na baby girl.

"Hindi ka ba napapagod kalalakad? Upo ka muna." Saad ni resia dito dahil magmula kaninang umaga, hindi yata nag tatagal ito nang naka upo.

"Eh? I'm fine naman eh. Masaya maki halubilo sa mga bata. Gusto mo turuan kita mamaiyak?" Seryosong saad ni alicia na ikinatawa naman ni resia. "Uy, seryoso ako. Gusto mo ba?" Saad niya ulit dito habang ngumingisi.

Maya maya naman, ang batang karga niya ay nakahawak na sa damit niya at nahihila nito ang parteng sa dibdib.

"Akin yan, bawal maki share." Saad ni resia habang inaayos ang damit ni alicia dahil hinihila ito ng batang karga nito.

"Siguro ganyan ka sa future baby natin, pati anak mo pagdadamutan mo?" Natatawang saad niya dito bago hampasin sa braso ang kasintahan.

"Syempre, ako lang dati dume-

"Ang bibig naman, theresiannie. Baka marinig ka ng iba." Saad ni alicia dito.

Naaya nga ni alicia si resia na makipaglaro sa mga bata na nandoon. Paminsan minsan ay nang aasar si alicia ng mga bata ngunit babawalan naman ito ni resia.

Nakikita na niya ang future niya talaga with alicia, yung inaasar sya nito at kakampi pa ang magiging anak nila. Napailing na lamang sya.

Maya maya ay tinignan niya ang oras, "ali ko, ankng oras ka makakauwi?"

"I don't know pa eh. Why?"

"Aayain kita mag dinner." Simpleng saad ni resia habang nakangiti sa kaniya. She tucked alicia's hair at the back of her ears.

Tinutukso naman sila ng mga bata sa pamamagitan ng "yiiieeee"

"Sana all, senator Resia!" Saad pa ng isa sa kaniya at nakipag high five pa.

"Maganda ba si mayor alicia?" tanong ni resia doon sa bata, tumango naman ito sa kaniya at maya naya pa ay binigyan sya nito ng ngiting nakakaloko.

"Maganda yan si mayor, marami po nagkaka crush dyan eh." Sabi pa nito sa kaniya kaya pareho sila natawa ni alicia.

"Tignan mo na, marami pala nagkakagusto sayo dito. May taga sumbong na ako."saad nicresia kay alicia bago muling lumingon ulit sa bata, "anong pangalan mo? Kapag may nagkaka crush kay mayora nyo, sumbong mo sa akin ha? Ipapatawag ko sa senate hearing."

"Ay opo, sasabihin ko po sayo. Ako po si Miguel. Thank you po sa pa feeding, mayora. Mabuhay ka po hanggat gusto mo!" Saad nito at inabot ang kamay ng mayora bago nag mano at umalis na.

Natatawa na lang si resia doon sa bata, " so ano amore mio? Pwede bang mag dinner date tayo mamayang gabi? 8 pm."

"Sure mahal. After nito, uuwi na rin ako." Inabot ni alicia ang kamay niya at sabay silang pumunta sa stage, magsasalita pa pala ito.

Habang nagsasalita si alicia, sinilip niya saglit ang phone niya at nag message siya kina lorelei at lorraine. May importante siyang sinabi sa mga ito.

Umuwi na rin sila sa bahay nina alicia. Ayaw kasi siya nito pauwiin sa sarili niyang bahay. Nagpahatid na lang din siya ng damit niya kina alicia, nakabukod na kasi ng lagayan ang damit na gusto niyang isuot ng gabing yun kaya naman madali lang ito nakita ng kanilang maids.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon