GENERAL
Last week, Resia invited her friends na mag celebrate sa bahay nila. Kaya naman pinagbubuksan niya ang mga alak na nandoon. Pinayagan naman sya ng daddy nya para naman matikman nila ang bagong gawang alak.
She wants to celebrate dahil finally sila na ni Alicia. Hindi naman nila agad sinabi sa mga ito na sinagot na sya nito. One week lang din ang pagitan bago nila sabihin sa kanila. Nagulat na lang ang mga kaibigan nya nang makitang mag smack kiss si resia kay alicia. Nahampas rin sya sa braso ni alicia that time.
Flashback
"Gusto nyo ba mag inom?" tanong ni resia sa mga kaibigan through call. Nakahawak sya sa kamay ni alicia noon habang nasa sasakyan sila ni resia.
"Mag iinom kami basta may bago kang chismis." Lorraine.
"Hay nako kayo talaga ang hilig sa chismis pero oo nga, masarap pulutan yan"Lorelei.
Napatawa naman si alicia na masa tabi niya at agad din nitong tinakpan ang bibig habang tumatawa.
"Mukhang may kasama ka dyan? Nasaan ka ba?" Lorraine.
"We're here sa car. Pauwi na ako." Sagot ni resia habang magsusuot ng seatbelt gamit ang isang kamay, but alicia did it for her. Kinilig sya sa ginawa na yun ni alicia, at ang lapit lapit nito sa kanya ngayon.
"Si Alicia ba yan? Bakit mo iuuwi? Hoy baka tuluyan mo nang kinidnap yan ha!" Lorraine
"Talaga. Magbayad na lang si mommy para matubos sya." Resia.
"Luh, nakiki mommy. Nanay mo yon? Nanay mo yon?" Alicia.
Sumilay ang ngisi naman ni resia sa kanya.
"Kapag kinasal tayo, magiging nanay ko na rin yun." Resia. Proud na saad niya dito. May pagka mahangin din.
"Ay hello po, nandito pa kami sa kabilang linya"Pag singit naman ni lorelei.
"Ang haharot jusmeyo santisima trinidad!" Lorraine.
"Sige na, hintayin namin kayo sa bahay. Maraming bagong alak. Tikman natin lahat." Resia.
"Baka mamaya si alicia na ang tik——–
"Ang bunganga naman Loren!!!" Resia. Nakita nya kasi na namula bigla si alicia. Natatawa sya dahil dun.
"It's lorraine." Pagtatama nito sa pangalan niya.
Pagdating sa bahay nina Resia, inayos nya ang kanilang bar counter dahil doon nila naisipan na mag inom. Habang nag aasikaso sya, naka backhug naman sa kanya si alicia. She's also kissing her nape. She's such a clingy girlfriend and she likes it.
"Tangina, maiinggit lang pala ako dito," iyon ang bungad ni lorraine na hindi nila namalayang dumating na pala.
"Uso mag update bago pumasok sa bahay namin."Resia.
"Pwede na sya maging magnanakaw." Bulalas ni alicia kaya natawa sila dito. Nabibigla pa rin sila sa ugali ni alicia.
"Sa kwarto yan ginagawa, hindi dito!" Lorraine.
"Saklap talaga, maiinggit na naman ang bagong single dito." Saad ni lorelei na tinutukoy ang sarili niya.
They both witnessed kung paano mag smack si resia kay alicia habang nasa may bar counter sila. Hinampas naman sya ni alicia dahil sa bigla.
"Kayo na talaga e no?"
"Oo, noong nakaraan pa."
"Ay pota si accla, kaya pala di nagpaparamdam dahil inlove na." Lorraine.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.